Panimula

8.9K 201 40
                                    

Zaccarrio

Humagikgik ako habang nagsusuot sa loob ng garden. Tumakbo ako ng tumakbo habang umiindayog ang kulot kong buhok kasabay ng hangin.

"Zaccary! Nakung bata ka talaga! Lumabas ka na riyan, Zaccary!" Tawag ni Yaya Aida.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagtawa. Sumiksik ako sa likod ng mga bulaklak ng gumamela at yumuko habang nagtatago.

"Zaccary! Lumabas ka na at hinahanap ka na ng iyong abuelo! Naghihintay na si Don Zaccarriano sa'yo."

Sumilip ako at nakita si Yaya Aida na pawisan na at humihingal. Ibinaba ko ang kamay ko at suminghap ng hangin. Dahan dahan akong lumabas mula sa likod ng mga gumamela at ginulat si Yaya Aida.

"Yaya!"

"Ay anak ng kalabaw ka!" Tili nito.

Mas lalo lang akong natawa. Napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang pag sakit nito dahil sa kakatawa.

Kinurot ni Yaya Aida ang tagiliran ko. Mas lalo lang akong natawa. Hindi naman kasi masakit ang pagkakakurot niya. Tama lang para parusahan ako. Hindi naman din ako kayang saktan ng kung sino dahil takot lang nilang paiyakin ako.

"Pinagod mo pa ako bata ka! Marami ng bisita at tingnan mo nga 'yang suot mong bestida. Nadumihan na." Lumapit si Yaya Aida saka sinimhot ang tuktok ng ulo ko. "Aba'y saan ka ba nagsusuot at kakaligo mo pa lang, amoy araw ka na naman. Halika na't paliliguan uli kita."

Ngumuso ako habang hinayaan si Yaya Aida na hatakin ako papasok sa loob hanggang sa makarating kami sa'king silid sa ika-dalawang palapag ng aming mansyon.

Pinaliguan uli ako ni Yaya Aida sa bath tub na may gatas. Shinampoo at sinabonan niya din ako ng mamahaling shampoo at sabon. Matapos ay binihisan niya ako ng bago at malinis na kulay pulang bestida.

"Ayan, maganda at malinis ka na uli. Huwag ka ng maglalaro muna sa ilalim ng init ng araw at mangangamoy ka na naman. May mga bisita na ang lolo mo at nakakahiya." Ani Yaya Aida.

"Ano po ba ang meron at kay daming bisita, Yaya?" Tumingin ako sa repleksyon niya sa salamin.

Abala naman si Yaya sa pag-tirintas ng mahaba at kulot kong buhok. Tinalian niya ito ng kulay pula na ribbon at ng matapos ay ini-spray niya ako ng Victoria Secret's perfume.

"Yaya, tama na po."

"Dapat maganda at presentable ka dahil araw ng Zaccarrio ngayon. Maraming bisita ang Mama at Papa mo pati na sina Don Zaccarriano at Don Zaccarius."

"Ano naman ngayon? Sila naman ang ipinunta ng mga bisita at hindi ako." sagot ko at kinuha ang manika ko sa ibabaw ng lamesa, sa harap ng malaking salamin sa harapan namin.

"Aba'y hindi pwedeng makita ng taga Zaccarrio na hindi ka presentable lalo pa't ikaw lang ang nag-iisang apong babae nila Don Zaccarriano at Don Zaccarrius."

"Ganoon po ba kami ka importante sa mga taga Zaccarrio?" tanong ko habang sinusuklayan ang buhok ni Melody, ang paborito kong manika.

"Ilang beses ko na bang kwenento sa'yo ang kwento ng pamilya mo, Zaccary?"

Umismid ako. "Kahit na po. Wala na naman po sa politika sina Lolo."

Umiling ito saka binaba ang suklay. "Basta, huwag mong kalimutan na isa kang Fuentabella. Hindi ka pwedeng hawakan o kausapin nino. At dapat palagi kang presentable sa mga mata ng tao."

Iyan ang palaging pangaral sa'kin ni Yaya Aida maging nina Mommy, Daddy at Lolo Zaccarrius ko. Ang iba lang sa kanilang lahat ay si Lolo Zaccarriano.

Sinanay na ako simula pagkabata kong paano dapat kumilos sa harap ng mga tao. Kilala kasi ang pamilya ko bilang isa sa pinaka-mayaman at pinaka-respetado sa probinsya ng Zaccarrio.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon