Indifferently
Eversince that day, hindi na ako pinayagan nina Mommy at Daddy na lumabas na walang kasamang bodyguard kahit papunta sa school. Sa tingin ko'y habang buhay ng nakatanim sa isip ko ang trauma sa pangyayaring iyon kahit gustohin ko pang makalimot. Kaya mabuti narin na may mga bodyguard ako dahil napapanatag ang kalooban ko.
Ngayon ay naka kulong na sina Herbert, Gelo at Jack. Hindi 'ko sigurado kong makakapag-piyansa pa sila pero sa narinig ko mula kay Daddy at Mommy ay imposible na raw itong mangyari. Marahil narin sa impluwensiya nila kaya nagagawan ng ganoong paraan.
"Simula ngayon, sasamahan na kitang hintayin ang sundo mo, Zaccary." ani Gabriel habang sumusubo ng ulam niyang adobo.
Tuwang-tuwa siyang kwinento sa'kin na may nag donate daw sa kanila kahapon ng maraming groceries. Ang hindi niya alam, ako ang nag bigay sa kanya no'ng mga groceries.
Umiling ako at ngumiti. "Thanks for your offer Gabriel pero susunduin naman ako ng maaga ni Kuya Hex. Kaya ayos lang na hindi mo na ako samahan."
Uminom siya ng tubig mula sa baon niyang tumbler saka siya nag punas ng bibig at tumingin sa'kin.
"Bakit ganyan ka maka tingin?"
Umiling siya at ngumiti. "Wala naman..."
"Bakit nga kasi?"
Bumuntong-hininga siya saka napa tingin sa mga athlete na naglalaro ng sipa takraw.
"Sobrang lapit niyo talaga no?"
Napakunot naman ang noo ko. "Bestfriend kasi sila ni Kuya Zac tsaka mga bata pa lang kami, lagi na kaming magkasama."
"Kaya pala sobrang protective siya sayo?" malumanay niyang sabi.
Natawa naman ako. "Siguro?"
Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang sinasara ang kanyang lunchbox. Sinara ko narin ang akin saka ito itinabi.
"Nagseselos ka ba sa Kuya Hex ko?" kuryoso kong tanong.
Matagal bago siya sumagot ng isang tango. "Hindi ko mapigilan hindi mag selos."
I shortly freeze with his honest and direct confession.
"Gabriel... Wala ka naman dapat ipag-selos kay Kuya Hex. We're just close friends."
"Nagseselos ako sa kanya kasi ang mga tulad niya ang nararapat sa'yo Zaccary. Magkapantay kayo. Parehas kayong langit. Hindi mo na kailangan bumaba sa lupa kasi parehas kayo ng tinatapakan." sagot niya.
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko tuloy alam paano pawiiin ang pagseselos niya.
"Pantay lang naman tayo, Gabriel. Walang langit at lupa sa'ting dalawa. Sa tingin mo, makaka-lunch mo ba ako ngayon kung hindi tayo magkapantay?"
"Natatakot lang kasi ako, Zaccary. Maraming bagay ang pwedeng gawin ni Hex para makuha ka niya sa'kin."
Kung gaano kaganda ang lunch ko kasama si Gabriel ay kabaliktaran naman sa hapon. Sa kalagitnaan kasi ng exams ay sumakit ang ulo ko. Natapos ito nang tuloyang sumama ang pakiramdam ko.
Hindi na ako sumama kina Bridgette at Katherine dahil dumeretso na ako sa waiting shed. Kuya Hex texted me that he's already there waiting for me.
Kumaway ako sa kanya malayo pa lang. Ginulo niya ang tuktok ng ulo ko pagkalapit ko sa kanya saka niya kinuha sa'kin ang mga libro at bag ko.
"Thanks, Kuya." I smile at him as we walk towards his old car.
"You look pale. Are you okay?" tanong niya habang pinagbuksan ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
With All Might
General FictionTanya Zaccary Fuentabella grow up in a rich and respected family. Her great-great grandfather establish the province of Zaccarrio after the World War II. Being the only girl in Fuentabella family, she was taught by her parents to act with class. Th...