Kabanata 23

2.5K 82 13
                                    

Price

It was all too dreamy for me. Hinatid ako ni Hex pauwi and we didn't bid goodbyes because we both feel we don't need to.

Para akong naka lutang sa ere papasok ng bahay. I couldn't forget our kiss and how he never fails to say I love you each time we are together.

Iba ito sa enexpect ko because I have known him as a well firm, compose, silent and strict type of a man. Siya ang tipong mahirap mag express ng feelings. He only say few words and he don't even easily laugh at jokes.

Kahit nga noong mga bata kami, he never show softness. It's always either his silence, his snubbish attitude, his strictness or his mysteriousness. At isang beses ko lang siyang nakitang umiyak at hindi na kontrol ang sarili, noong niligtas niya ako.

My happiness was short live when I saw our housemaids cleaning the whole sala. My lips parted looking at the broken vases. Wala naman akong naalala na lumindol kanina pero daig pa ang itsura ng sala na dinaanan ng bagyo.

Lumapit ako kay Yaya Aida na nagwawalis. Pagkakita niya sa'kin, ngumiti siya pero kita kong may kung anong lungkot sa mga mata niya.

"Anong nangyari dito, Yaya?"

Nakita kong nagkatinginan ang mga kasambahay. Napapitlag ako ng makarinig ng dabog sa pangalawang palapag. Mabilis na lumipad ang tingin ko roon at mula sa engrade naming hagdanan, bumaba si Daddy. Malalaki ang hakbang at halatang may pinipigilang emosyon dahil sa mukha niyang hindi maipinta.

"Good evening Dad!" naputol sa ere ang masiglang bati ko ng lumapit si Daddy at hinalikan lang ako sa tuktok ng ulo.

"I'm going back to Manila, Zaccary. There's just an emergency. You take care here while I'm away. Huwag bigyan ng sakit sa ulo si Daddy." paalam niya at isang malakas na pag sarado sa pinto ng kotse bago ito tuloyang humarurot palabas.

Natulala lang ako at hindi pa agad nakabawi sa inasta ni Daddy. Hindi iyon naalis sa isip ko kahit na nakapag bihis na ako ng damit at naghahapunan habang tenext ko si Hex. He is already in Nueva Viscaya in his last text half an hour ago.

Natigil ako sa pag nguya ng napansin ang kanina pa kakaibang titig ng mga kasambahay. Binaba ko ang kubyertos at tiningnan si Mely.

"Hindi po ba talaga bababa si Mommy?" tanong ko pero para na itong matataranta kahit hindi naman pagalit ang pagkasabi ko.

"Hindi daw po, Ma'am!" agap no'ng isa.

Bumuntong-hininga ako at nag tipa ng text kay Kuya Zac but he isn't replying. Iba narin ang naramdaman ko at hindi na ako mapakali. I'm sure something happened today. Hindi aalis ng ganoon si Daddy at hindi ako hahayaan ni Mommy kumain ng mag-isa habang nagkukulong siya sa kwarto niya.

I didn't finish my meal and decided to visit my Mom again in their master's bedroom. I tried awhile ago pero marahang binugaw lang ako paalis ni Yaya Aida. I maybe young but I'm not blind not to sense the tension in our house.

"Bakit po hindi pwede? Please... I just want to see Mom!" I desperately look at Yaya Aida who seems very loyal to Mommy's command.

Ang sabi, ayaw daw muna tumanggap ni Mommy ng kausap. But I'm her daughter. I must be excempted right?

Naiiyak na ako. Kinakabahan at inip na inip ng malaman kung ano ba talagang nangyari. I tried to ask almost all the housemaid but no one dared to answer me with a straight answer. It's like they're hiding something and only my parents can answer it.

"Please, Yaya. I just want to see and talk to Mommy." naluluha na ako pero malungkot lang akong inilingan ni Yaya Aida.

"Zaccary, hayaan muna natin ang Mama mo okay? Baka bukas magbubukas rin iyan ng kwarto. Matulog ka nalang ng maaga at may pasok ka pa bukas." aniya at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon