Maling akala
"Huh?" gulat kong tanong.
Hindi paman ako nakaka-reklamo ay itinulak na nila kami ni Gabriel papunta sa isang kwarto sa tabi ng cottage namin. Ito ata iyong isang kwarto na inclusive sa bayad ng nirentahan ng grupo.
"Katherine!" sigaw ko ng panay ang tawanan nila sa'min saka nila ako itinulak papasok sa loob.
"Sandali lang!" sigaw naman ni Gabriel ng itulak siya nila Darwin.
Agad nila kaming pinagsarhan ng pinto. Kumatok kami ni Gabriel ngunit naghagikgikan lang sila sa labas. Naka ilang tawag pa kami hanggang sa sumigaw sila sa labas na babalik na sila ng lagoon at babalikan lang nila kami pagkatapos ng isang oras.
Bumuntong-hininga ako ng malalim out of frustration and irritation. Tiningnan ko agad ang buong kwarto at napagtantong maliit lang ito at mayroon lamang isang double deck na higaan at may isang maliit na side table at lamp.
Nahihiyang ngumiti si Gabriel sa'kin saka siya umupo sa dulo ng kanang bahagi ng kama.
"I'm sorry, Zaccary.." sabi niya.
Tahimik nalang akong ngumiti ng di kita ang ngipin at umupo sa kaliwang dulong bahagi ng kama.
"Hindi mo kasalanan..." sagot ko.
Maraming dumadaan sa isip ko habang naka kulong kami. Shouldn't I be happy that Gabriel and I have some time alone now? Not that we are in one room but because we can talk anything about us? After all, he invited me here because he wanted our company together and we'll get more closer after introducing me to his friends. And I am here because I want to prove that if I spend more time with Gabriel, maybe I'll stop thinking about Kuya Hex.
Kung noon lang siguro 'to nangyari na nakulong kami sa loob ng isang kwarto, baka nag confess na ako kay Gabriel na crush ko siya, na gusto ko siya. Pero bakit naglalakbay sa iba ang isip ko ngayon? Bakit nakakaramdam ako ng guilt at takot dahil kay Kuya Hex? I feel guilty that I am inside a room with a guy. I feel scared in thinking that if he knows about this, he'll get disappointed and angry at me again. At ano nalang ang iisipin niya?
"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko. Mga maloko talaga sila." sabi ni Gabriel.
"Pati din mga friends ko. Ganoon talaga sina Katherine at Bridgette."
Tipid siyang ngumiti at natahimik uli kami. Hindi ko alam kung ilang minuto na kami sa loob. Inip na inip na ako. Gusto ko ng lumabas.
"Zaccary, may problema ba?" tanong niya matapos ang sandaling katahimikan.
Sa sobrang tahimik, iyong hangin lang mula sa labas at mga hininga namin ang gumagawa ng ingay. Minsan may dumadaang mga tao at tinatawag namin pero hindi yata kami naririnig.
"Anong problema?" malumanay kong tanong.
"Wala lang.. Parang napapansin ko kasing medyo nagiging mailap kana sa'kin. Kaya tinatanong ko kung may problema ba?"
Nakatitig lang ako sa kanya, nag-iisip kung o-oo ba ako o hindi. Wala naman talagang problema sa kanya. Kung may problema man dito, ito 'yong naguguluhan kong isip. Kahit andito na si Gabriel, hindi mawala sa isip ko iyong pag lapat ng mga labi namin ni Kuya Hex.
Kaya tuloy napapatanong ako sa sarili ko kung pag hanga lang ba ang nararamdaman ko kay Gabriel o gusto ko ba talaga siya? Kasi kung gusto ko nga siya, hindi dapat ako nalilito ngayon. Dapat natutuwa ako dahil sa tagal kong inasam na mapansin niya ako, at ngayon ang pag sagot ko nalang sa panliligaw niya ang kulang ay nagdadalawang-isip pa ako.
At bakit ba kasi sa tuwing naiisip ko ang mukha ni Kuya Hex, hindi ko mapigilan ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Magandang lalaki si Kuya at maraming magagandang katangian sa kanya pero bukod doon ay may mas kung ano siyang nagpapahurumintado ng puso ko. Sa lahat pa ng pagkakataon, bakit ngayon ko pa ito nararamdaman gayong abot kamay ko na si Gabriel?
BINABASA MO ANG
With All Might
General FictionTanya Zaccary Fuentabella grow up in a rich and respected family. Her great-great grandfather establish the province of Zaccarrio after the World War II. Being the only girl in Fuentabella family, she was taught by her parents to act with class. Th...