Kabanata 4

3.4K 107 8
                                    

Change

"Ano 'to, Yaya?" tanong ko kay Yaya Aida habang nilalatag niya sa kama ko ang isang bagong blusa na nakapaloob sa lalagyang plastic cellophane.

Naka-tapis ako ng roba at katatapos ko lang maligo para sa isang araw na naman sa escuela.

"Uniporme mo, hindi halata?" pilosopa niyang sagot. "Inihatid 'yan kanina ni Hercules. Iyan daw ang suotin mo simula ngayon. Mayron pang limang bagong set at inilagay ko doon sa cabinet mo."

Kumunot ang noo ko at kinuha ang blusa. Dinama ko ang tela at makapal nga. Kompara noong pinatahi ni Mommy e mas makapal 'to at mukhang medyo mas maluwang sa'kin.

"Ang init init naman nito suotin." reklamo ko habang kinuha na ang unipormeng pinadala ni Kuya Hex at dinala ko ito sa changing room ko.

Napasimangot ako habang nakatitig ngayon sa malaking salamin. It fits to me but its thick and larger than the old one. Mukha akong magmamadre nito. Buti nalang at iyong blusa lang ang pinatahi ni Kuya Hex.

I kiss Mommy and Daddy before I go to school. Hindi ako maihahatid ni Kuya Hex ngayon dahil may campaign si Tito Heu sa Sta. Elena. But he texted me that he'll fetch me after my school.

"Zaccary! Dito!"

Luminga ako at nakita ko sina Katherine sa ilalim ng isang waiting shed, tumatambay. Lumapit ako sa kanila at nakipag-beso.

"Bakit kayo nandito? Wala pa ba si Mrs. Ardemeo?" tanong ko at umupo sa bench.

Umiling naman si Katherine. "Absent daw."

"Zaccary, did you already think about it?" tanong naman ni Bridgette.

After one week of thinking about it, napagtanto ko narin ang desisyon ko. Bridgette and Katherine is right. Nothing will happen if I keep it to myself. And I already accepted everything the other day.

If he happens that he will reject me, it will be an experience. But if it happens that he won't reject me, saka ko nalang iisipin ang consequences na matatanggap ko after the confession.

"Yup. I'll confess to him. But I need to have a right timing. Hindi pwedeng basta basta."

Ngumiti si Katherine. "Why not mamaya? I've heard that every 4:00 pm, tumatambay siya sa school ground ng mag-isa."

"Huh? Hindi pa ako ganoon ka ready, Katherine."

Umupo naman si Bridgette sa harap ko habang tumayo si Katherine sa gilid ko. "Come on, Zaccary. We will make sure na kayong dalawa lang. It's now or never."

Buong maghapon kong prinaktis sa isip ko ang sasabihin kay Gabriel. Kabadong kabado ako lalo na nang matapos ang aming klase sa hapon.

"Sige na, come on, Zaccary. You can do it." sabay tulak sa'kin nina Katherine at Bridgette palabas ng classroom.

Humarap ako sa kanila at pakiramdam ko talaga lalagnatin ako sa sobrang kaba. Ni hindi ko na marinig ng mabuti ang dikta ng isip ko sa sobrang pagkabog ng puso ko.

"Kinakabahan ako!" tinapik-tapik ko ang dibdib ko habang hinihimas ni Katherine ang likod ko.

"Take a deep breath, Zaccary. Once you confess to him, luluwang din ang pag hinga mo. Matatanggal pa 'yang tinik sa dibdib mo. Isipin mo, almost four years mo na siyang crush and now is the right time to let him know about your feelings." ani Katherine.

"Be brave, Zaccary!" dagdag pa ni Bridgette.

Humugot ako ng hininga at tumango. Sinamahan nila ako papuntang school grounds. Malawak ang school grounds ng Almendra NHS. Uwian na kaya kaonti nalang ang estudyanteng nasa school.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon