Matapos namin mag-usap ni Sofia ay parang nabunutan ako ng tinik sa puso ko. Hindi ako nagpakilala na ako si Maxielle pero pinaramdam ko lang sa kanya na pinatawad na siya ng taong nagawan niya ng kasalanan.
Nandito ako sa mesa ko ngayon pero nakatulala lang ako dahil sa nangyari kanina. Kaya hindi ko namalayan ang paglapit ni Kyzier sa akin. Nagulat ako nong inilapit niya ang mukha niya sa akin na nakangiti. Kaya napangiti na rin ako.
"Nandito kana, tapos na ang meeting niyo?"
"Yes baby girl, tara sa loob," hinila niya ako kaya napatayo ako at nakasunod sa kanya.
Pagpasok namin ay niyakap niya ako ng mahigpit, kaya naramdaman ko na naman ang bigat sa loob ko.
"Alam kong may bumabagabag sayo baby girl kaya kung ano man yan nandito lang ako para damayan ka,"
Nang sinabi niya 'yun ay yumakap ako sa beywang niya at umiyak.
"Akala ko, ako lang ang nakaranas ng sakit dati nong naghiwalay kami Sofia, pero mas sobra pa pala ang naranasan niya kasi hindi lang isa ang nanakit sa kanya kundi lahat ng nakarelasyon niya, masyado akong nagpalamon sa galit at sakit na naramdama ko noon," umiiyak kong sabi.
Hinaplos niya naman ang likod ko at hinalikan sa ulo.
"Tapos na 'yun baby girl, siguro its time na para kalimutan mo na ang nangyari,"
"I want to meet Sofia bilang isang Maxielle, hindi ako nakapagkilala sa kanya kanina dahil natatakot ako," sa totoo lang natatakot ako dahil baka mas lalo siyang magsisi dahil ibang-iba na ako at dahil sa kanya 'yun.
"Do you want me to set a date para makapag-usap kayo?" Biglang sabi ni Kyzier kaya napatingala ako sa kanya.
"Gagawin mo?"
Hinalikan niya muna ako sa noo bago magsalita
"I will do everything for you baby girl,"
"Thank you baby boy, I love you,"
"No, I love you More," sabi niya at nilalikan ako sa labi ng mabilis.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit. I feel secure pag siya ang kasama ko.
Hinatid naman ako ni Kyzier nong uwian na. Hindi na rin siya nag tagal at umuwi na rin.
Pagpasok ko sa kwarto ay tinawagan ko si Breat.
"Hello Breat," bungad ko pagkasagot niya.
"Max, okey ka lang? Nagtatampo na ako sayo ha, hindi mo sinabi sa akin na kayo na pala ni Kyzier,"
"Sorry, ngayon ko nga sasabihin sayo dapat eh, teka sino nagsabi sayo? Si kuya Zen no?"
"Ahh, hindi ah, nahulaan ko lang, oo tama na hulaan ko lang," depensa niya. Alam ko naman na nag-uusap sila ni kuya Zen eh.
"Talaga? Okey, so ngayon alam mo na hindi ko na sasabihin pa," natatawa kong sabi sa kanya.
"Eh, paaano si Sofia Max?"
"Isa payan Breat kung bakit ako tumawag sayo, wala na akong galita sa kanya dahil sobra din pala ang pinagdaan niya nong naghiwalay kami," malungkot kong sabi.
"Haizzzt! Buti naman at naisipan mo na natigilan yan, maging masaya ka na lang kay Kyzier Max,"
"Yan na nga ang dapat kong gawin Breat,"
Nag-usap pa kami ng kaunti bago nagpaalam sa isa't-isa. Ang tahimik na ng bahay ngayon dahil wala na dito ang dalawa kong kuya, hindi pa naman umuuwi sina kuya Zen at Kuya kael. Sina mommy at daddy wala rin dito dahil my pinuntahan din. Kaya na-isip ko na lang na matulog ng maaga.
BINABASA MO ANG
I WAS A BOY ( COMPLETED )
Ficción GeneralBata palang si Maxielle ay kilos lalaki na ito kahit manamit ay ibang iba ito sa mga kaedad niyang babae. Kahit magulang niya ay hindi siya mapapasuot ng bestida . Dahil bunso siyang kapatid at nag-iisang prinsesa ng pamilya ay hinahayaan lang ng mg...