-
-
-
Vice
-
-
-
It's just 4:00 am or something pero gising na ako.
Actually I don't even know kung nakatulog ba ako or what. Being in this stinky hell hole makes me sick.
I shouldn't be really in this place. Dapat nasa beach house ako with Karylle, enjoying every moment with her, feeling the love that she's giving to me as well as her. Pero hindi...nandito lang ako sa kulungan for no fucking reason. Kung sino man talaga ang may kasalanan, dapat siya ang nandito.
I heard a sudden noise na para bang inuuga yung metal na nakaharang sa akin.
"Oy pogi!" the same police officer called me. Pogi? Nawi-weirdohan ako sa tawag niya sa akin pero ganun lang ata talaga ang trip niya.
Napatingin ako sa kanya, naka-upo pa din dahil wala naman talaga akong balak na lumapit sa kanya. Tinaas ko ang dalawa kong kilay, practically asking him the question 'what?'.
"Importante 'to. Tumawag na sa amin yung chief, at mamayang hapon pupunta ka na sa korte."
Nanlaki ang mata ko, no. "H-Ha? Bakit naman ang bilis?" I asked him stuttering, why is this so sudden?
Ngumisi sa akin yung pulis, "O? Bakit ka kinakabahan? Kung hindi ikaw yung gumawa ng kasalanang binibintang sa'yo, hindi ba dapat natutuwa ka?" he asked me in a teasing manner.
Asshole.
The truth is...kaya ako kinakabahan kasi hindi ko alam kung maipagtatanggol ko ang sarili ko. And hours before that isn't enough para maghanda! Saka dahil lang sa isang maling akusasyon mapupunta na agad sa korte?
I ignored his statement at tumingin sa kanya, "Alam na ba ng mga kaibigan ko?"
"Oo, tinawagan na namin. Nag-okay naman sila, may abogado ka na daw." I nodded while sighing in relief. Pero naalala kong nasabi na nga pala ni Billy sa akin 'yon kagabi...
"Oy ikaw pretty boy," he said tapos sumandal sa rehas na nasa pagitan namin. Tumingin ako sa kanya, "Iyon na ang oras mo. Kumbaga ang judgement day mo, kung guilty...patay ka na. Mukhang araw-araw kitang makikita. Kung not guilty naman..." he stopped then laughed pathetically. "Himala!"
fucking asshole.
Umiling na lang ako at bumalik ulit sa kinauupuan ko, while the police officer laughed walking away. Police Officer Cedric ata ang pangalan, hindi ko alam. Wala akong balak na alamin ang pangalan ng lalaking 'yon.
I can't stay in here. I have got so many reasons kung bakit hindi pwede akong magtagal dito. Una, marami akong plano para sa future ko, maniwala kayo o hindi meron akong plano, at kasama na si Karylle sa future ko. Pangalawa, I don't want that asshole walking around me. Oo, yung pulis. Hindi ko makakayang makita araw-araw 'yon. Third, I don't deserve staying in here. Fourth, hindi ako ang may kasalanan sa binibintang nila sa akin.
At panglima, kailangang mahanap ko kung sino ang suspect...ang main suspect at ang may ari ng sasakyang 'yon.
I mean, I perfectly remember na prize ko yung sasakyang 'yon sa contest. Oh wait, that's it! Kailangan kong malaman kung sino yung nagbigay sa akin nung sasakyan.
But the thing is...hindi ko alam kung sino. At hindi ko maalala kung anong contest yung sinalihan ko - kung meron man, or kung saan ako nag-grocery.
BINABASA MO ANG
Yours Truly • ViceRylle
FanfictionWaking up in the year 2014, pero ang nasa isip ni Karylle it's still 2012. Slept single, but woke up being married. Slept being chubby, kulot at may salamin, woke up being all sexy, pretty and slim. But when she met a boy, will she ever handle it...