31 | Face - Off

4.5K 169 11
                                    

Karylle

-

-

-

"Pwede ba tayong mag-usap, Karylle?"

I blinked once, twice, but yes this is real. Marie-Ann - the girl na hinalikan at posibleng minahal ng asawa kong si Dingdong. Wait, ng ex-husband kong si Dingdong.

Hindi ko alam kung okay lang ba na kausapin ko siya.

May part sa utak ko na nagsasabi sa akin na, 'wag na! Just think about Vice dahil siya naman talaga ang taong nasa isip mo simula't sapul ng dumating ka dito diba? But a bigger part of me is telling na give Marie-Ann a chance, naging isa siya malaking tulong sa hearing na 'to. Kung hindi niya ginawa yung ginawa niya, walang mangyayari sa ginawa ko.

Tumingin ako sa likod at nakitang nakatingin sa akin si George, Anne and DJ. Anne was looking at me worriedly at si DJ at Georgina naman ay mukhang parehong naguguluhan.

And then I remembered, hindi nga pala nila alam ang nangyari that consists me, Dingdong and Marie-Ann.

I faced Marie-Ann again at nakita sa mga mata niya na she's hoping that I'll say yes.

Napahinga ako ng malalim at pumikit, praying na sana madulot naman sa magandang pangyayari ang isasagot ko sa kanya. Once na nakabukas na ang mga mata ko, tumango ako ng isang beses and pursed my lips.

"Sige." I said while swallowing my spit.

Napangiti ng bahagya si Marie-Ann at nagbukas ang bibig niya, pero bago pa siya makapagsabi ng isang salita, pinigilan ko siya using my hand.

"Sa labas na lang, I think it's better if we talk outside." I suggested at lumabas na before her. I walked passed by Anne at nakitang nakangiti na lang siya sa akin, and I just smiled back lightly at narinig na tinatanong na ng dalawa sa kanya kung sino ba yung babaeng kasama ko at nasa likuran kong sumusunod sa akin - si Marie-Ann.

Once we got outside, I stopped near the door kasi hindi ko na planong lumayo pa dahil wala namang katao-tao dito sa hallway. And it seems like all the people who are working are on the lower level.

Nang mapansin na ni Marie-Ann na napatahimik ako at hinihintay ko na lang siya na mag-salita, she took a deep breath and licked her lips.

"Karylle..." she said silently at parang nahihiya pa siya sa akin. "I-I'm sorry." she croaked out.

Napatingin na lang ako sa kanya, crossed arms habang looking at her like I'm observing her words and actions.

"Sorry...iyon lang naman ang dahilan kung bakit kita gustong makausap." she said then paused, I just planned to remain silent until she's finished. Hihintayin ko na lang na matapos siya bago ako mag-salita or mag-react.

"Sorry talaga Karylle...I deserve to be in jail sa totoo lang sa mga ginawa ko. Sa kalandiang ginawa ko. H-Hindi lang kasi ako nag-iisip when I first met Dingdong sa office niya." sabi niya.

"Inaamin ko, hindi ko talaga alam na may asawa pala si Dingdong noon. Hindi ko alam na may asawa pala siya na nasa hospital na na-coma dahil sa aksidenteng siya mismo ang gumawa at may kasalanan. L-Lumayo ako, Karylle. Lumayo talaga ako..." she paused then her voice cracked.

"Pero mahirap iwasan ang isang tao lalo na kapag m-mahal mo na..." she said.

And to be honest, I was surprised. May isang taong nagkamaling mahalin si Dingdong kahit na ganun siya. Kahit na kung ano-ano ang ginagawa niya.

"Oo, minahal ko si Dingdong at sa totoo lang, mahal ko pa din siya. Kaya siguro iyon ang naging dahilan at hindi ako umatras sa deal namin. Pero ano lang ang natanggap ko pabalik? Ano lang ako sa kanya?" she stated, hindi ko alam kung tinatanong niya ba ako.

Yours Truly • ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon