June 10, 2025Diary. Alam ko na maguguluhan ka. Hmm.. Hindi ko alam kung paano sasabihin. Pero kasi hays ano ba naman ako huhuhu
DIARY GANITO KASI IYON OKAY ANO KASI DIBA NGA AISHHHHH
Heto na talaga. Last na. Promise. Soo... meronnangyarisaminnimarcusnoongisanggabiatnaulitpaiyonngilangbesesjuskoday!
ay. sorry. Masyado crumpled sulat ko. Sobrang kaba ko kasi Diary. Sorry.. Sorry. Hayy. Ang ewan ko huhu
Pero alam mo.. Sobrang saya ko na simula nung unang may mangyari samin ni MARCUS, tama Marcus nalang kasi ang weird pa kung tawagin kopa itong Sir. Anyway, meron lang namang nangyari sa amin ni Sir nung umuwi ito ng lasing tapos hayy ayoko na ng detailed Diary! Ang lakas ng tibok ng puso ko. Juskoo.
At Diary, alam mo ba na simula nung gabing iyon, may nagbago na talaga kay Marcus. Ibig kong sabihin.. Kung dati na hindi ito madaldal at sobrang cold nito at snob, ngayon naghalo na yata ang buwan at araw, ang asin at asukal! Dahil sobrang nangangamusta ito ng lagay ko. Ang sabi pa niya ay wag kong papagurin ang sarili ko at wag ng maglinis dahil kukuha nalang siya ng house cleaner tuwing sabado, pero hindi ako pumayag! Alam mo naman Diary. Nakakahiya ng sobra.
At tsaka.. Alam mo ba na ang dami ring confessions na naganap?
"I don't regret sleeping with you.. I don't regret getting drunk and having that over flowing confidence that drove us on the next level. Because seriously, Venus.. The first time I saw you at the bar, made me instantly go crazy over you." Sinabi niya iyan habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.
jusko day! Nahulog yata ang puso ko Diary, at nasalo iyon ni Marcus. At ngayong nasa trabaho siya ay dinala na niya yata ang puso ko kasi grabee namimiss ko siya. Huhu.
Anong gagawin Diary? Alam mo yung.. natatakot ako? Kasi langit siya, lupa lang ako hayy At balang araw.. Say hello na din ako sa langit. Mali ito Diary. Kailangan kona itong itigil. Dahil si Marcus lang din lalo ang mahihirapan. Iisipin ko palang.... Grabe ang sakit sa dibdib Diary. Parang. hayy. Sige sa susunod nalang ulit. Sumasakit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 3: Dear Diary
RomancePaano nalang kung bilang nalang ang mga araw, buwan o taon mong ilalagi sa mundo? At bakit ba kung kailan naman tanggap mona ang kapalaran mo ay tsaka pa susulpot bigla si Cupido para panain ka? Buhay nga naman.. Natagpuan niyo nga ang isa't isa upa...