They were all dumbfounded about the news that came to them. Everyone were baffled, not knowing what to do. They have to choose.. Marcus have to choose between Venus and his unborn child. Pero bago pa man siya makasagot ay ang hagulgol na ni Venus ang namayani sa buong sulok ng kwarto."Marcus, iligtas mo ang anak natin parang awa mona!!" Hawak hawak nito ang maimpis na tiyan.
Naiiyak siya. Nanlalamig ang mga kamay at namumuo ang mga pawis sa noo sa kabila ng air-conditioned na silid. Nilapitan niya si Venus at niyakap. Tahimik na nahulog ang mga luha sa mga mata niya. Wala na siyang pake kung makita man siya ng mga kaibigan niya, o mga kamag-anak ni Venus sa ganoong sitwasyon. Wala na siyang pake kung nandoon ang Dad niyang sinabihan siya noon na hindi pwedeng umiyak ang mga lalaki.
Hindi na niya kaya yung sakit na pigilan pa. Wala na siyang ibang alam na gawin. Wala na. Kundi ang umiyak nalang at magmakaawa sa Panginoong palipasin ang problemang kinakaharap nila ngayon ng kasintahan.
"Shh.. Hush, my love." Sa garalgal na boses na aniya. "Tahan na, mahal ko.."
"Marcus, Marcus.." may tinig ng pagmamakaawa, "Ang baby natin.." at humagulgol na naman ito.
"Mr and Mrs Centeno, we cannot possibly save the baby in the womb of the Mother. Mrs Centeno's body is so weak and fragile at the moment. We don't have any choice but to remove the baby in her womb."
Parang pinilipit ang sikmura niya sa narinig. My first baby. Mas niyakap niya si Venus. Alam niyang mas masakit para rito ang narinig. At tama ang hinala niya dahil biglang nawalan ng malay si Venus sa kaniyang mga bisig. "Venus! Venus!"
Nataranta ang lahat. Ang mga Tiyo at Tiya ni Venus ay mabilis na lumapit sa kinaroroonan nila, may mga luha rin ang mga ito at namumugto ang mga mata ng kaniyang Tiyahin. "Panginoon ko, kaawaan mo ho sana sila!"
"Calm down Mr Centeno. Excuse us for a moment, you can wait for her after we examine her. I'll ask again about what your decision about the baby will be." huling sabi ng banyagang Doctor bago sila tuluyang pinalabas.
Inalalayan siya ng kaibigang si Herman palabas ng kwarto. Si Tyron ang gumiya sa Dad niya. Ang Tiya naman ni Venus ay kaagapay ang asawa nito. Si Vincent ay nasa labas lang kasama ang kapatid ni Venus na si Justin dahil hindi ito pinahintulutan ni Venus na makita siya sa ganoong sitwasyon.
"Uminom ka muna, bro." Ani naman ng kadarating lang na si Andrew.
Umupo siya sa silya at ininom ang binigay na bottled water ng kaibigan, "Salamat." Bumuga siya ng malalim na paghinga dahil sa nanikip na dibdib.
A lone tear escaped his tired-bloodshot eyes.
"Embrace yourself, iho. It is still a long way. Be brave for your beloved girlfriend and for your future together. You can pass this, son." Tinapik siya ng ama at nanghihinang niyakap niya ito bago ito nagpaalam sa kaniyang uuwi na muna ng Greece upang asikasuhin ang negosyo nila. Hahayaan muna siya nitong ituon ang atensyon sa kasintahan at ang ama muna daw ang bahala sa mga naiwang trabaho.
"Ingat po kayo, Tito."
"Have a safe trip, Uncle Marlon!"
Hindi na niya tinignan pa ang ama. Matapos niyang magpasalamat rito ay bumigay na ang mga tuhod niyang kanina pa nanlalambot at nanginginig. Halos hindi na niya maramdaman ang paligid niya. Pakiramdam niya ay umiikot ang mundo niya ngayon sa mga problemang sunod-sunod dumarating. Pero gaya ng sabi ng ama, mahaba pa ang pagdadaanan nila ng kasintahan. Kailangan niya pang lakasan ang kaniyang loob.
"What will be your decision now, bro?" Tanong ni Tyron na narinig rin ang sinabi ng Doctor.
"I don't have a choice, do I?" His eyes were focused on the wall, staring at nothing. He's silently begging. Begging to renew the events in his life. Na bumalik sila sa panahong masaya lang sila ng mahal niyang si Venus.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 3: Dear Diary
RomansaPaano nalang kung bilang nalang ang mga araw, buwan o taon mong ilalagi sa mundo? At bakit ba kung kailan naman tanggap mona ang kapalaran mo ay tsaka pa susulpot bigla si Cupido para panain ka? Buhay nga naman.. Natagpuan niyo nga ang isa't isa upa...