Page 6

115 9 0
                                    


May 31, 2025

Kamusta, Diary? Ilang araw na naman akong hindi nakapagsulat. Sa hindi inaasahan kasi ay biglang sinumpong na naman ang pagkahilo at sakit ng ulo ko. Ilang araw na panay ganoon, kaya hindi na ako nakapagsulat pa sa iyo.

Noong isang araw ay matapos kong maglinis, bigla akong nahimatay habang papunta sa kwarto ko. Mabuti at walang ibang tao sa bahay. Mas okay iyon para sa akin. Nagising ako non, halos ala'sais na ng gabi. Mabilis akong nagluto ng hapunan. Hindi ko ipinahalata kay Sir Marcus ang sama ng pakiramdam habang magkasalo kami sa hapunan. Naging natural na ata na magkasama kaming kumain tuwing gabi, Diary. Pero hindi rin naman kami naguusap. Mas mabuti, dahil hindi mahahalata ang sakit na nararamdaman ko nung oras na iyon. Nagpahinga ako agad sa kwarto non matapos ang lahat ng gawain, pero hindi rin ako agad nakatulog.

Kahapon ng umaga ay habang nagpupunas ako ng lamesa, napansin ko ang dugong pumapatak mula sa akin. Hinaplos ko ang ilong ko at nalamang doon nagmumula ang dugo. Umikot ang paningin ko at napaupo sa may sahig. Natabig kopa ang upuan na nagdulot ng malakas na pagkalabog. Ipinikit ko nalang ng mariin ang mga mata ko at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang ilong ko sa damit na suot dahil wala akong panyo sa bulsa.

Sa nanlalatang katawan ay tumayo ako. Inayos ko rin ang upuang natumba at tinapos ko ang lahat ng trabaho sa bahay. Hindi na rin ako nakakain pa ng almusal at tanghalian. Pakiramdam ko'y wala akong gana, Diary.

Sinilip ko ang sarili kanina sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa mabilis na pagbabago ng itsura ko. Sobrang putla ko na at ang dating malusog na hubog ng katawan, ay pumayat. Maganda pa ang naging hubog nito kumpara sa dati. Ngunit alam ko sa sarili kong iba ang ibig-sabihin niyon. Halata din ang panlalalim ng mga mata ko at ang pagdry ng labi ko. Bumuntong hininga lang ako at naglagay sa labi ng kaunting lipgloss para hindi mahalata ni Sir ang pamumutla at pagdry nito. Nagpolbo na din ako at inayos ang pagkakaipit ng buhok.

Nga pala, nagkaroon kami ng kaunting paguusap ni Sir Marcus kanina. Hindi yata umubra ang pagaayos ko sa sarili.

"Masama ba ang pakiramdam mo? Ilang araw ka ng ganiyan ang istura." Sabi niya ng nakatingin sakin. Kunot ang kaniyang noo.

Nabigla ako non, Diary. Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko naman alam na napapansin pala nito ang panlalata ng katawan ko. Akala ko ay wala itong alam sa mga nararamdaman ko. Ngunit ayokong magmukhang kawawa, Diary.

"Maayos lang po ako, Sir Marcus." at nagiwas ako ng tingin. Yumuko ako at tumingin sa pagkain.

Yan lang ang sinabi ko. Hindi siya sumagot. Narinig ko lang ang mabigat na pagbuga nito ng hangin. Hindi na rin ako nag-angat pa ng tingin kay Sir Marcus, at kumain nalang ng diretso ang tingin sa plato ko.

Pahirapan pa ako sa paglunok tuwing kakain, Diary. Wala talaga akong gana. Pero ayoko namang magsabi kay Sir na hindi ako kakain dahil baka magalit ito. Atsaka ayoko na ring magtanong pa siya kung bakit hindi ako kakain. Sa tingin ko kasi ay hindi ako nakakapagsinungaling sa kaniyang harapan. Hay. Pakiramdam ko alam niya ang nilalaman ng isip ko tuwing mariin ang titig nito sa akin.

Tanggap ko na ang mangyayari sa akin sa mga susunod pang buwan, Diary. Pero natatakot ako para sa kapatid ko. Ilang araw ko na rin itong hindi nakikita. Di bale, bukas ay kakausapin ko nalang si Sir Marcus para payagan akong magday-off sa makalawa. Bibisitahin ko ang kapatid ko, at ibibigay kona rin ang sweldo ko galing sa pagtatrabaho.

Iniabot rin pala ni Sir Marcus ang cash na sweldo ko kanina. Nagtanong ito kung may bank account ako, ngunit ang sabi ko ay wala. Kaya sa nakasobreng papel ay iyon ang iniabot niya sa akin. Gaya ng sabi niya noon ay naglalaman iyon ng sampung libo. Kahit alam kona na ganoon ang laman ay nagulat pa rin ako at hindi makapaniwala. Sobrang pasasalamat ko non kay Sir Marcus ngunit tipid lang itong tumango. Pero hindi ko na iyon inisip pa at nakangiting nagtungo sa kwarto.

Excited na akong makita ulit ang kapatid ko, Diary. Hayy. Osya, kailangan ko ng matulog ngayon. Mabuti at hindi naman na sumakit pa ulit ang ulo ko. Goodnight, Diary!

ps: Napansin kong ang sexy kumain ni Sir Marcus. Lalo na noong nakakunot ang noo nitong nagtanong tungkol sa lagay ko. Hehe. Wala lang.

Bachelor Series Book 3: Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon