08-31-25He's pacing back and forth in front of the ICU pero hindi pa rin nababawasan ang kaba at bilis ng tibok ng puso niya dahil sa takot. Pinapaupo na siya ng kaibigang si Andrew mula pa kanina ngunit hindi siya mapakali sa silya. Nagsialisan na rin ang iba pa nilang matalik na kaibigan dahil halos limang oras ng ineexamine ang lagay ng kasintahan niyang si Venus.
Fuck. They were having a good breakfast ng biglang humawak si Venus sa ulo nito. Mabilis itong namutla, naiyak, at natigagal siya ng may mga dugong lumabas sa ilong ng nobya. His mind went blank. Sinugod niya agad ito sa hospital. Ni hindi magawang makapagsalita ng maayos ni Venus at panay lang ang daing at iyak nito. Mabuti at kahit nanlalamig at nanginginig ang buo niyang katawan ay nagawa niyang magmaneho ng mabilis at ligtas patungong hospital.
A lone tear escaped his eye. "Fuck. Oh, god, please, don't take my Venus away." He whispered under his heavy breathing.
May tumapik sa balikat niya. "Bro, umupo ka na muna."
Sumunod siya sa sinabi ni Andrew. Ngunit ilang sandali lang ay sabay silang napatayo mula sa upuan ng lumabas ang Doctor mula sa ICU. Kasunod nito ang mga nurse na bitbit ang nobya niyang nasa hospital bed.
"Put her in her assigned room." Tumango ang mga nurse at bumaling naman ang Doctor sa kaniya. Binigay nito ang room number ng nobya niya sakaniya at nagsalita.
"Kailangan muna kitang makausap, Mr. Centeno." Anito.
Tinapik siya ni Andrew sa balikat. "Sige, bro, mauna na muna ako sa room ni Venus."
Tinanguan niya lang ito at sinundan ang Doctor. Pumasok sila sa office nito at umupo naman siya sa visitor's chair kaharap ng Doctor.
"Anong problema? Napaano ang girlfriend ko, Doc? Fuck. Is she okay?" Sunod-sunod at natatarantang tanong niya.
Malungkot ang bukas sa mukha ng Doctor at pakiramdam niya'y bibigay na ang mga tuhod niya sa kaba kahit pa nakaupo na siya. Gone the strong Marcus. Hindi niya kakayanin kung mawala sa kaniya ang pinakamamahal.
"I'm sorry to say this now, Mr. Centeno pero base sa test na nakuha namin sa nobya niyo ay malala na ang sakit nito." Bumuntong hininga ito. "Base sa reaksyon niyo ay mukhang wala kang alam sa kung anong pinagdadaanan niya.. She's suffering a Chronic Lymphocytic Leukaemia or CLL. Mas marami ang red blood cells niya sa katawan kumpara sa white blood cells. Matagal bago lumabas ang mga symptoms sa katawan ngunit ang kay Ms. Tayag, mukhang alam na niya ang sakit na meron siya ... Mabilis kumalat ang sakit sa buong katawan niya dahil na rin sa kakulangan sa pahinga ng kaniyang katawan, Mr. Centeno. I'm afraid, we cannot prolong her life for months. She barely have a month to last."
Pakiramdam ni Marcus ay namingi siya sa lahat ng narinig. Gusto niyang pagsusuntukin at sigawan ang Doctor na kaharap dahil sa pagtataning sa buhay ni Venus pero halos hindi siya makatayo o makakilos man lang. Kumakapos ang hininga niya at namalayan nalang niyang tumutulo na ang luha mula sa mga mata niya.
Tumayo siya, tinalikuran ang Doctor. Lumabas siya mula sa silid nito at walang buhay na naglakad patungong kwarto ni Venus.
Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang pinakamamahal niyang maputlang nakaratay sa hospital bed. Nilapitan niya ito, at naupo siya sa silyang nasa tabi nito. Narinig niyang bumukas-sara ang pinto na lumabas ang kaibigan niyang si Andrew na hindi man niya natapunan ng tingin kaninang pagpasok niya.
Hinawakan niya ang kamay ni Venus na mayroong nakasaksak na IV. At doon ay napahagulgol na siya ng iyak.
"Why? Why do you do this to me, my love? Bakit kung kailan mahal na mahal na kita? Bakit? Bakit hindi mo sinabi? Why did you hid it from me, huh?" Walang kapaguran niyang tanong sa kabila ng mga hikbing kumakawala sa kaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 3: Dear Diary
RomansaPaano nalang kung bilang nalang ang mga araw, buwan o taon mong ilalagi sa mundo? At bakit ba kung kailan naman tanggap mona ang kapalaran mo ay tsaka pa susulpot bigla si Cupido para panain ka? Buhay nga naman.. Natagpuan niyo nga ang isa't isa upa...