May 24, 2025Ang tagal rin simula nung huli kong sulat, ano? Nag-alala ka ba sa akin, Diary?
Ganito kasi ang nangyari.. Mayroong buwisit na lalaki! Porke mayaman, kung makaasta ay parang pag-aari na niya ang buong mundo! Halata ba na sobra ang sama ng loob ko sa taong yon, Diary? Tsk!
Dalawang gabi ang nakakaraan, habang nagmamop ako sa flooring ng bar na pinagtatrabahuhan ko, ay biglang natapunan ako ng malamig na alak ng isang customer. Ang lagay ay nasagi ko ito sa dulo ng mop na hawak ko kaya't ang dala nitong alak ay tumapon sa akin. Basag rin ang baso nito at halos umusok ang ilong sa galit ng lingunin ako.
Nataranta akong pinunasan ang kamay nitong may kakaunting alak, imbes na ang sarili ang unahin. May patakaran kasi na dapat unahin ang customer.
Ngunit sa sobrang gaspang ng ugali! Argh! Ano ba iyan Diary, baka mabutas kita sa sobrang inis ko roon sa lalaking iyon. Hays!
Heto na. Sa sobrang pangit, baho, gaspang, sama, at kung anu-ano pang negatibong salita na katulad ng mga salitang iyon ay, matapos kong punasan ang kamay nito, bigla niya akong hinila sa manager's office.
Inireklamo nitong tatanga tanga daw ako! Hindi maayos ang pagtatrabaho! At nakaka-agrabyado ng sobra sa mga customer!
Panay ang hingi ko ng tawad at naiyak pa ako sa harapan nila para lang hwag akong alisin sa trabaho. Pinaki-usapan ko ang manager na sana ay hwag akong alisin. Pero mukha itong hindi alam ang gagawin dahil sa lalaking kaharap.. Ang nakakabadtrip na customer na hindi marunong makaramdam ng awa sa kapwa! Napakasama ng ugali! Tinitignan lang ako nito sa kabila ng mga iniluha ko! Walang puso!
At sa huli ay nasisante rin ako.. Unang araw ko ngayon na tambay lang sa bahay at nakatulala mula kanina sa isang tabi. Muntik ko ng malimutan na andyan ka pala, Diary. Pasensya ka na dahil ang dami kasing nangayari nitong mga nakaraan. Hindi kona alam ang iisipin ko. Hayy.
At akala mo ba iyon na iyon? Mali ka dyan, Diary. Dahil ang mas nakakashookt ng lahat ng mga cells ko sa katawan ay ito..
Ang lalaking hudas, na customer nung nakaraang araw, ay biglang sumulpot sa labas ng maliit kong apartment kagabi. At dahil sa buwisit ko dito ay nasampal ko ito. Jusko day, Diary.. Mabuti at kahit magaspang ang ugali niya ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay. Huhu! Sa laki ng katawan niya ay siguradong mapipipi lang ako.
Bumakat pa ang kamay ko sa pisngi niya ngunit nakatitig lang ito sa akin gamit ang malamig na mata. Nung kumalma ako ay nagsalita ito ng parang walang nangyari.
Alam mo kung anong sinabi niya? Ang sabi lang naman niya ay.. "Be my maid."
Oh diba? Matapos niya akong ipasisante nung isang araw sa trabaho ko ay bigla ganoon ang sasabihin niya! Halos magbuhol-buhol ang utak ko sa mga kinikilos nito ngunit parang mapuputulan na ko ng ugat kapag nagisip pa ako lalo. Kaya ang ending?
Eto, mag-aayos na ako ng iilang damit na dadalhin mamaya. Dahil susunduin na ako ni Sir Marcus dito sa apartment ko. Hayy. Hindi ko inakala ito. Na ang bwisit na iyon ay magiging amo ko. Ano pa ba ang choice ko, Diary? Kahit magmataas ako ay wala rin akong mapapala. Isa pa ay, palay na ang lumalapit aayawan kopa ba? Siya naman ang may kasalanan ng pagkawala ng trabaho ko noon! Kaya okay lang siguro na atleast, mabigyan niya ako ng trabaho.
Kahit papaano ay nagpapa-salamat rin ako sa kaniya.
Siguro mabait din iyon? Kumbaga e panlabas na anyo niya lang ang ganoong itsura? Cold? Snob? Walang emosyon ang mukha? Hmm... Anong sa tingin mo, Diary?
Naku, wag ko na ngang isipin yon! Ba-bye!
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 3: Dear Diary
RomansaPaano nalang kung bilang nalang ang mga araw, buwan o taon mong ilalagi sa mundo? At bakit ba kung kailan naman tanggap mona ang kapalaran mo ay tsaka pa susulpot bigla si Cupido para panain ka? Buhay nga naman.. Natagpuan niyo nga ang isa't isa upa...