Her Sickness 3

113 9 0
                                    


07-27-25

Madaling araw ay napabangon si Marcus mula sa higaan ng marinig ang pagduwal ni Venus sa loob ng kanilang banyo. Nagmadaling tinungo niya ito at inalalayan ang kasintahang nakadukdok sa lababo.

"Venus baby.. Fuck anong gagawin ko? What's happening to you? Fuck!" Natatarantang aniya habang hinahagod ang likod ng kasintahan.

Natapos ang ilang sandali ay humupa na rin ang pagduduwal ni Venus. He, then, brought a damped face towel and wiped Venus's pale face.

"Are you okay? Fuck. No don't answer that." Mabilis na aniya. "Let's go to the hospital now, baby. Hindi ako mapapakali na ganyan ang itsura mo at wala akong magawa para sayo."

Gumuhit ang maliit na ngiti sa mukha ni Venus. Hinawakan nito ang kamay niyang pumupunas sa mukha ng babae at masuyong pinisil iyon. Tumitig ito sa kaniya at ganon rin siya na napatigil sa ginagawang pagpupunas kay Venus.

"Ayos lang ako, Marcus.." Mahinang sambit nito. "Ayoko sa hospital, please?"

Umiling siya. "No! We.need.to.go.to.the.hospital."  Mariing usal nito sa babae.

Huminga ng malalim si Venus na walang naitugon sa kaniya. Kaya madali ay inakay niya ito papasok ulit sa kanilang kwarto. Pinatungan niya ng makapala na jacket ang suot nitong t-shirt. Matapos niyon ay nagsuot muna rin siya ng kaniyang pangitaas na damit at kinuha ang wallet at cellphone na nasa bed side table nila.

Tumipa siya sa cellphone. "Hello?"

"Marcus, bro!" Bati ng nasa kabilang linya. Rinig niya pa ang kasama nitong babae na umuungol na siguradong bagong kasiping na naman ng babaerong kaibigan.

Sumulyap siya kay Venus bago sumagot rito at hindi pinansin ang mga naririnig sa kabilang linya. "I need a little help. Could you please set an appointment to Ms. Dominguez for me, bro? It's urgent. Thank you."

"Wait--"

Pinutol niyang agad ang tawag at dinaluhan ang nakaupong kasintahan na nakatitig lang sa kaniya.

"Hindi naman na kailangan, Marcus..."

Pinangko niya ito. "Let's Go."

NANG makasakay sila sa kaniyang kotse ay sakto ring nagtext ang kaibigan niyang si Andrew at sinabing okay na ang lahat. Hindi na siya nagreply rito at inisip na pasasalamatan niya nalang ito sa susunod. Mabilis siyang nagmaneho papunta sa hospital habang hawak ng mahigpit sa kabilang kamay ang palad ng kasintahan.

Wala pa ang bente minuto ay narating na nila ang patutunguhan. Pinangko niya na naman ang kasintahan hanggang sa mismong office ng Doctor na kilala niya. Madali silang nakapasok rito at malugod naman siyang tinanggap ng kilalang Doctor. Tumayo ito at sinalubong sila.

"Marcus! Long time no see.. Oh." Napansin nito si Venus na karga niya. "Is she your wife? Your girlfriend?" Tanong ng may edad na babae.

Tumango siya. "Yes, she's my girl. So, please check her thoroughly. I am so worried about her, Doc."

Ngumiti at tumango naman ang Doctor. Wala pa ding tugon ang kasintahan niya at tahimik lang siya nitong pinagmamasdan. Sinundan nila ang doctor na nagtungo sa table nito at pinaupo naman sila sa kaharap na silya. Binitawan niya ang kasintahan at pinaupo sa katabing upuan.

"How are you feeling, Ms. Centeno?" Tanong ng doctor.

Naramdaman niya ang pagkislot ni Venus at pagbaling ay nakita niya ang pagpula ng buong mukha nito dahil sa inaddress sa kaniya ng Doctor. Nangiti naman siya at namula rin ang tainga dahil sa bumagay ang apelyido niya para sa babaeng minamahal.

Bachelor Series Book 3: Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon