June 11, 2025Hello Diary! Sobrang laki ng ngiti ko ngayon. Umagang umaga pa lang at paggising e naguumapaw na ang puso ko sa saya.
Kasi Diary, kagabi nagtabi kami sa pagtulog ni Marcus. At.. May nangyari na naman sa amin. Hindi ko alam Diary. Pero hindi ko magawang pigilan siya kasi mismong katawan ko na ang sumusuko. At isa pa Diary, hindi ko man lang din napigilan ang puso kong tuluyan ng mahulog kay Marcus. Lalo na sa matatamis nitong salita.. Sa mga bagay na kinikilos nito.. Lalo akong nahuhulog sa kaniya.
"Let's go to bed together." Sabi niya yan ng nakangiti.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagisip.
"Don't do that, Venus. You're turning me on."
Napatingin ako sa kaniya at nagtaka sa sinabi niya.
"Ha?"
Pero tumawa lang siya at niyakap ako. Sobrang namula ang mukha ko at nagtumbiling tumbling pa yata yung puso ko sa biglaang pagyakap niya.
"Ang sabi ko.. Hwag mong kakagatin yang labi mo kasi may nagagalit sa ibaba." Bulong niya sa'kin.
Humiwalay ako sa pagkakayakap at tinignan ang sahig. Pero natuon ang pansin ko sa pagkalalaki niyang nakaumbok at halata ang pagtigas. Jusko day! Akala ko hihimatayin ako sa sobrang init na naramdaman ko.. Hiya at, pagnanasa. Aish. Ano ba tong ginagawa ni Marcus sa'kin.
Hinampas ko ito sa dibdib at tumalikod sa sobrang hiyang naramdaman. Tinampal tampal ko ang pisngi ko para kumalma habang naririnig ko naman siyang humahagalpak ng tawa. Nangingiti rin ako kasi nakakahawa yung pagtawa niya. Ngayon ko lang itong narinig na ganoon tumawa.
"Show your face to me. I love looking at your beautiful face, my Venus."
Lumunok ako at hinawakan ang dibdib bago lumingon sa kaniya. Bigla ay niyakap ko ito. Nahilo kasi ako nung mga oras na iyon. At alam kong masama ang ibig sabihin non Diary. Kaya bilang pagtatago ng nararamdaman kong sakit, niyakap ko nalang ito ng mahigpit. Wala naman siyang kamalay malay na yumakap din pabalik sa'kin at hinalikan yung tuktok ng ulo ko.
Natapos ang gabi na iyon na kapwa kami hubad sa ilalim ng kumot. Nagising akong may ngiti sa mukha dahil pagmulat ko ay nakita ko ang mukha niyang nakadungaw sa'kin.
"Goodmorning."
Hinalikan niya ako sa labi na tinugon ko. Matapos maghiwalay ang mga labi namin ay nginitian ko ito at ikinawit ang mga braso ko sa kaniyang leeg.
"Goodmorning din Marcus."
Sinabihan niya akong maligo na, matapos niya akong dampian muli ng halik sa mga labi. Bumangon ako at nagtungo sa banyo. Nang sakto ay marinig kong nakalabas na siya ng pinto ay biglang sumigid ang napakasakit ng kirot sa ulo ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa lababong nasa loob ng banyo. Pumikit ako at pagmulat ng mata ay nakita ko ang dugong pumapatak mula sa ilong ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin ang nakita doon ang masaganang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. Umikot ang paningin ko at napaupo sa sahig ng banyo.
"Venus! Venus!"
Narinig ko ang pagtawag ni Marcus mula sa malayo na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahang sumigaw ako pabalik rito at sinabing naliligo pa ako. Binuksan ko ang shower at hinayaang umagos ang dugo papunta sa drainage. Nanghihinang pinilit ko ang sariling tumayo at inumpisang maligo.
Maswerte ako at ilang sandali lang bago ako matapos ay unti unting bumalik sa normal at paningin ko na kanina'y nanlalabo. Tumigil na rin ang pagsakit ng ulo ko at pagkahilong naramdaman. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto matapos magbihis. Ngumiti ako at sinimulan ang pagbaba sa hagdan.
Naabutan ko si Marcus na nakangiting naghapag ng pagkain sa mesa at sinalubong ako sa ngiti ng mapansing pababa na ako.
"Come here. Let's eat breakfast."
Natunaw ang puso ko sa ipinakitang effort nito. Kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa gilid. Tumingala ako at ngumiti ng malaki.
"Maraming salamat, Marcus."
Hinalikan niya ang noo ko. "Anything for you, Venus."
Hindi niya man nasasabi ang mga salita na mahal niya ako pero sapat na sa'kin ang ipinapakita niyang effort ngayon at sa mga salitang sinasabi niyang nagpapagaan ng puso ko.
Umupo kami at inumpisahang kumain.
"Wait.. You look pale."
Nagulat ako sa tanong niya ngunit tinakpan ko iyon ng ngiti. Hindi ko pinahalata sa kaniya ang pagsisinungaling sa mga sunod na sinabi.
"Hmm.. Baka napagod lang ako sa ginawa natin kagabi."
Namula ang pisngi ko sa sariling sinabi. Nanliit ang mga mata niya na parang nagiisip.
"I can't stop myself doing that with you. Pero hindi na kita papagurin masyado if that's the case."
Lumunok ako at umiling. "Ayos lang iyon. Kung doon ka masaya. Masaya rin naman ako na ikaw ang gumagawa niyon sa'kin."
Nakita kong pumula ang tenga niya.
"How could you make my heart thump like this.." Nanghihinang boses na aniya.
Tumayo siya at lumapit sa'kin. Niyakap niya ako sa baywang at pumagitna sa mga hita ko. Tinitigan niya ang mga mata ko ng may sinserong mga ngiti sa labi.
"I fell deeply in love with you. Only you. Don't ever leave me, Venus."
Naluha ang mga mata ko at niyakap ito ng mahigpit. Naiyak ako sa mga salitang nasabi niya. Sobrang nasaktan ako.. dahil alam ko na mali itong ginagawa ko. Makasarili ako. Alam kona na masasaktan siya, na maiiwan siyang mag-isa. Pero hindi ko magawang magtapat sa kaniya. Natatakot ako. Gusto kong maramdaman pa siya sa mas matagal na panahon. Napakamakasarili ko.
"Hey.. Don't cry, my Venus. Tahan na."
Inalo niya ako hanggang sa tuluyan akong makalma. Hinalik niyang muli ang mga labi ko ng maghiwalay kami mula sa pagkakayakap. Matapos ay pinagpatuloy namin ang naudlot na pagkain.
Bago ito umalis patungong trabaho niya ay nagbilin ito na magpahinga lang ako dahil sa gabi ay lilipad na kami pabalik sa bahay. Tumango ako at nagpaalam sa kaniya matapos niyang humalik.
At ngayon.. Parang nasasakal na naman ang puso ko sa pag-iisip ng mga salitang sinabi niya kanina, at ng mga bagay na maaring mangyari matapos ang ilang buwan. Kung sana ay kaya kong sabihin sa kaniya ang lahat. Kung sana..
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 3: Dear Diary
RomancePaano nalang kung bilang nalang ang mga araw, buwan o taon mong ilalagi sa mundo? At bakit ba kung kailan naman tanggap mona ang kapalaran mo ay tsaka pa susulpot bigla si Cupido para panain ka? Buhay nga naman.. Natagpuan niyo nga ang isa't isa upa...