Page 11

110 8 0
                                    


12.25.26

Hey. So, you're the Diary, huh? If you're wondering, I am Marcus Centeno. The boss she mentioned here before. The man she once hated and the man who eventually made her fall in love.

A week ago, I came back here in the Philippines. Para ayusin ang lahat. Ibenta itong bahay at magsimula ng bagong buhay. I never expect that I'll get to write here in her Diary. It was yesterday night when I found it inside the drawer of her bedside table. And I also get to read all the pages. Nakatulog ako ng may luha sa mga mata at munting ngiti sa mga labi.

Kahit kasi nakalipas na iyon at nasa ayos na ang lahat ngayon, masakit pa din pala kasi talaga. Kahit nasa dalawang taon na ang nakalipas, sa tuwing nababalik balikan ko yung mga oras na naghirap kami, lalo na siya, sobrang bigat pa din sa dibdib. Napakaraming kailangan naming lagpasan na mga pagsubok. May nawala. Puro pighati, lungkot at pangungulila sa mga nakalipas na buwan.

Anyway, It's Christmas now. And you, Diary, dadalhin din kita patungong ibang bansa. Ngayong maayos na ang lahat, napagdesisyunan naming doon nalang din manirahan. We will just visit here from time to time. Lalo't nandito rin ang mga naiwang kamag-anak niya. Justin, her younger brother, ay isasama kong magsimula ng panibagong buhay. Mas may isip na ito ngayon, mas nakakaintindi na ng mga sitwasyong gaya nito. At sa ilang taong nakasama ko si Justin ay naging malapit na din kami sa isa't isa. At isa sa mga pinangako ko sakaniya ay ang alagaan at mahalin din si Justin na parang tunay na kapatid. Given that I am an only child of my parents, itinuring kona nga talagang parang totoong kapatid ang kapatid niya.

-- Oh. Ngayon na rin pala ang lipad namin ni Justin patungong U.S. I am just gonna fetch him sa bahay ng uncle nila. Nakilala ko na rin ang mga ito at ipinagkatiwala na rin nila sa akin ang kanilang pamangkin na si Justin. All is well. Alam nilang doon ko ito pagaaralin at natutuwa at nagpapasalamat silang tumulong ako sa pamilya nila.

Sa pag-iisip na sana ay matagal ko na itong nagawa, ay may nalasahan akong pait sa bibig. If only.. Edi sana mas maaga ko ring nalaman ang lahat tungkol kay Venus.

So, yeah. Good bye Diary. This will be the first and last na susulat ako sa'yo, I guess.

But forgive me, my Venus, sa ibang pages na nasulatan ko. I can't help but to comment. Umaasa na mabasa mo soon.

Ps. I love you. will always will.. for eternity.

'till death do us part.

See you soon, my love.

Bachelor Series Book 3: Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon