part 2

3.1K 26 2
                                    

"Pain makes you stronger, fear causes you to become more braver, heartbreak makes you wiser"

Parang gumuho ang mundo ko sa nakita hindi mo aakalaing magagawa nya sakin to. Ang asawa ko at ang babae nya magkadikit ang mga katawan at naghahalikan ng mapusok.

"Mga walang hiya kayo! " sabay hablot ko sa buhokng babae nya. "Pot*** inamo! Demonyo! Hayop! " diko alam saan ako kumukuha ng lakas para gawin yon ,dala na marahil ng galitko .

"Chelle mag hunos dili ka!"sigaw ng asawa ko "respeto naman" wow ha? Ako pa dapat rerespeto sa kanila? Kapal mukha nitong mga u*** nato."anak ng business partner ni Daddy yan! Mag usaptayo ng formal!" Sabay hawak sa mga kamayko. Pakialam ko kung anak? Pwede na ba nila akong pagtaksilan dahil dun?

"Respeto? Bakit?  Kayo ba may respeto sakin? Ikaw?" Duro ko sa asawa ko . "Asan respeto mo sakin sa ginawa mo ngayon?" Namumula na mukha ko sa galit.

"Ikaw!" Duro ko sa babae. "Mayaman ka, maganda pero wala kang respeto sa sarili mo at sa ibang babae" nakayuko lang ang babae na akala mo sya victim dito. Pinagtitinginan na kami ng mga employees nila.

"Yan yung ayaw ko sa ugali mo napaka eskandalosa mo!" Sigaw nya sakin. Wow ha? So kasalanan ko pa ngayon?  Bat parang Mali ko pa? Mali bang bugbugin ko babae nya?

Plakk. . Plakk. . 2 sampal sa mukha nya.

"So ngayon mamili ka samin ng kabit mo?" Tanong ko sa kanya hoping na ako piliin nya.

"Ayoko ko na sawa na ako sa ugali mo, napaka eskandalosa mo, palagi no nalang akong pinapahiya " sagot nyangdi tumitingin sakin.

"Mackey! Di ka mapaphiya kung wala kang ginagawang masama!" Sabay Sabunot sa buhok ko dahil sa frustration. . Bakitparang ako ang masama dito? "Tayo na umuwi tayo sa bahay at mag usap ng maayos" malumanay Kong sabi.

"Hindi magkaliwagan na tayo dito!" Giit nya. "Umuwi na kayo dahil wala KaNang asawa dito" wow ha! Ang galing. "Ayoko na ,taposin na natin to" final nyang sabi.

"Ipagpapalit mo ako sa kanya? Sasayangin mo 5years na pinagsamahan natin para sa ilang buwan mo lang nakilala?"  Halos tumulo na luha ko sa sakit. Di sya sumagot.  Niyakap ko sya. "Hon wag kang ganito please, ayusin natin to kung may pag kukulang ako pupunuan ko pa, sabihin mo lang" pakiusap ko pa sa kanya habang tumutulo ang aking mga luha .kulang nalang lumuhod ako sa harapan nila.binabaan ko na pride ko at nagmakaawa. Do parin sya sumagot, hindi Ron sya tumitingin sakin.

"Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad sa guardya." Walang puso nyang saad.

"Okay fine! Kung yan ikakaligaya mo pag bibigyan ko kayo. Sana maging masaya kayo." Sabay talikod ko ay pagbuhos ng napakarami kong luha..

Sabi ni Ellen adarna "I just left,gwapa ko!" PerO sakin "I just left, kasi di pinili" ang sakit sakit kasi yung taong para mo ng kaibigan, sandalan sa lahat ng bagay at minahal mo nang lubusan eh sa isang iglap.. mawawala lang pala . Umuwi na kami at c kring na ang nagmaneho kasi hindi ko kaya. Habang sa daan iyak ako ng iyak . Pagdating namin sa bahay deretso kwarto na ako kasi ayaw ko muna makipag usap kahit kanino.  C kring na nag explain sa pamilya nya.

Kinabukasan mugtong mga Mata ang bumungad sa kanila sa hapag kainan. Makikita mo sa mukha ng daddy Erick (father in law) ang pag aalala. Tahimik lang kaming kumakain, walang gustong magsalita.

Aherm."iha ako na humihingi ng paumanhin sa ginawa ng anak namin" panimula ng father in law ko.sabay tango ng mommy Anna(mother in law)
"Hayaan mo babalik din yun. Tatawagan ko sya mamaya" saboy abot ng kamayni mama Anna sakin. Dun tumulo ang luha ko kasi Napa ka swerte ng may mabait kang in laws pero malas kasi ganito nangyari sa sitwasyon mo.

" wag na po natin syang pilitin. Siguro po may nakita sya sa babae nya na wala po sakin. Hayaan na po natin sya ,ako nalang po magpaparaya". Tabang ko sagot. Ayoko ng Mag makaawa pa. Sigurado ako lang din ang masasaktan.

" iha baka gusto mong sumama kang kring next week paluwas ng maynila, buti pa mag Aral ka nalang ulit, ituloymo yung kurso mo na Hindi na tapos ng sa ganon eh Malibang ka at nakalimutan mo yung tarantado Kong anak "  may halong galit at dismaya ang bosses ni papa Erick.

"Oo nga ate sumama kanalang kaya sakin sa manila ng may kasama naman ako sa condo . Gusto mo classmate pa tayo para mas enjoy" palubag loobna hikayat nya sakin.

Sumama nalang kaya ako sa kanya? Makakaalis pa ako dito sa Lugar namin at makakalimutan Kong demonyo Kong asawa.

"Ako ng bahala sa lahat" dagdag pa ng father in law ko. "Wag mo na iisipin ang gastos,  total kulang pa yang kabayaran sa ginawa ng anak ko".

" Ok po mag aayos po ako ng gamit ngayon."  At ngumiti silang lahat sakin. Opo  dito po ako nakatira sa bahay ng in laws ko kasi ang magaling Kong asawa ayaw umalis sa poder ng parents nya. Oh diba! Napaka walang kwenta talaga. Rason nya bat daw kami aalis eh wala naman kaming anak tapos ang laki pa daw ng bahay nila. Saka nadaw kami bumukod pag may anak na kami.

Pinuntahan ko parents ko sa Lugar namin para magpaalam at mag explain sa nangyari. Actually mag kalapit lang lugar namin isang baryo lang ang pagitan. Iyak ako ng iyak habang kinukwento ko sa kanila ang lahat.Di sila makapaniwala sa nangyari kasi mabait naman dati  yung ex ko, yung tipong akala mo di makakgawa ng kasamaan. Mas kinakampihan pa nila pag mag aaway kami kasi nga ako daw masama ugali ex ko mabait. Pumayag namn sila. Mag iingat lang daw ako sa manila kasi maraming manloloko. Panatag naman loob nila kasi may kasama naman ako doon. Iniwan ko na lahat ng gamit ko sa kanila, kinuha ko mga gamit ko sa bahay ng in laws ko. Wala akong ibang dadalhin kundi  importanteng mga dokomento lang.

Manila

"Ate ilagay mo lang gamit mo dyan sa kabilang kwarto" sabi ni kring ng makarating kami sa condo nya. Katamtaman lang ang laki ng condo nya. sakto  tirahan ng 2 Tao kasi 2 bedroom lang. Malinis naman at maaliwalas . Regalo to ng papa nya para daw umayos na ng pag aaral kasi parang walang derksyon ,pagpalit palit ng course at school . Rent to own condo oh diba sosyal.

"Ano bang kukunin mong course bukas pag enroll natin?" Tanong ko sa kanya.

"Depende kung anong Makita dun" parang timang na sagot sabay ngisi.  Nako duda na naman ako sa babaeng to. Lord bigyan nyo po ako ng lakas ng loob para ma guide to sa tamang daan.

"Hoy babae umayos kana nga,  Di ka na bata .. imagine 23 kana tapos wala kapang plano sa buhay. Ayusin mo na pag aaral mo dapat matapos natin to. Magtulungan tayo". Mahabang payo ko.

"Oo na, cge na magpapahinga muna ako sa room" sabay pasok sa kwarto nya. Pumasok nadin ako sa kwarto ko para mag ayos ng gamit. Habang nagliligpit bigla nalang tumulo luha ko kasi Sumagi nanaman sa isip ko ang manloloko Kong asawa. Ayun di ko na napigilang humagulgol.

Boooooo!

"Ay po** ka" napamura ako sa gulat.

"Sabi ko na iiyak kana naman, hay naku Tara na nga mamalengke na tayo para naman Di kana mag eemote dyan".

"Gaga ka talaga! Bat ka ba nang gugulat? Buti nalang wala akong sakit sa puso! " sabay himas sa dibdib kung kumakaba.

"Hahaha emote pa! Tara na may taxi ng naghihintay sa baba"  bully pang sagot nya. Sira ulo talaga tong babae to. Kala ko magpapahinga binabantayan lang ata ako nito eh.

To be continued. .

Thanks for reading hope you enjoyed it. Sumubaybay lang po kayo mas marami pang kaabang abang na mangyayari.

Love you guyz.



How You ruin meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon