"Sometimes, you just need a break . In a beautiful place. Alone. To figure everything out."
Nawawalan na akong gana pumasok sa school. Gusto ko ng umuwi sa probinsya namin para kalimutan ang lahat ng nangyari. Tinatanong ko c God bakit nangyari sakin to? Wala na bang katapusan binibigay nyang problema sakin. Parang di ko na kaya at nakakapanghina.
Ding.. dong .. Ding dong..
Sino kaya to? Wala akong eneexpect na darating, asan kaya c kring baka bisita nya yun. Matamlay akong tumayo dahil di pa tumitigil ang doorbell. Paglabas ko ng kwarto bigla akong nanlamig sa kinatatayuan ko parang may malaking yelo ang bumagsak sakin na ikinahinto ko sa kinatatayuan.
"Kring please para mo ng awa kahit para nalang sa anak natin . Nag aalala ako sa ginagawa mo" boses ni john ang narinig ko na nakayakap ng mahigpit kay kring sa may pintuan.
" a-anong ibig sabihin nito?!" Utal kong sabi ng makabawi sa pagkabigla. Akala siguro nila wala ako dito sa bahay dahil kahapon pagkagaling ko sa hospital dretso ako sa kwarto at natulog. Nakalimutan ko na ngang e on ang mga ilaw at aircon.
"A-ate!" Namutlang mukha ng lumingon c kring sakin.
"Mga walang hiya kayo!" Pumatak ang mga luha kong sabi. SAbay talikod sa kanilang dalawa. Gusto ko man saktan silang dalawa pero wala akong lakas ng loob para gawin yun. Ang sakit ng dibdib ko, dobleng sakit ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
Kaya pala lumalayo na ang loob ni kring sakin dahil pala may pagkakaunawaan na sila ni john. Ang sakit lang dahil para akong tanga sa pinaggagawa nila. Kailan pa? Kailan pa nila ako niloloko? Bakit di ko alam? Saan? Saan ako nagkamali at ginawa nila sakin to? Ang mga baboy nila, porket ba mahirap lang ako ganito na gagawin nila sakin.
"Ate please let me explain please, mag usap tayo" kumakatok si kring sa kwarto. Ayoko ayokong Makita sya, galit ako sa kanya. Tinuring ko syang kapatid tapos ganito gagawin nya sakin. Parehas lang sila ng kuya nya manloloko, singungaling at napaka walang hiya. Iyak ako ng iyak. Para na akong mamamatay sa sobrang sikip ng dibdib ko.
Lord ano pa? Ano pang gusto nyong mangyari sa buhay ko? Tama na Lord please Parang di ko na kaya ang lahat. Nauunawaan ko na lahat ng binibigay nyong pagsubok eh parte ng buhay ng isang tao pero bakit naman ganito? Ang dami dami nyong binigay na problema kaya ko pa ba to?
Nagising akong madilim na ang paligid. Gusto ko mang umalis aa condo na to pero di ko alam kung saan ako pupunta. Kung titigil naman ako sa pag aaral paano naman ang pamilya ko na ako Lang ang inaasahan nilang makaahon sa kahirapan. HIndi dapat kung tapusin to alang alang sa pamilya ko na umaasa sakin.
Lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Nadatnan ko c kring na naghahanda ng pagkain sa mesa Dali dali akong tumalikod dahil sa tuwing nakikita ko sya sobrang kirot sa puso ang nararamdaman ko.
"Ateee sorry" di ko namalayan nakita nya pala ako at agad nakalapit sakin sabay yakap muli sa likuran ko. "Sorry sorry sorry" umiiyak nyang sabi. Tumulo na rin ang mga luha ko pero wala pa akong lakas ng loob harapin sya at malaman ang nangyari.
"Kring please wag muna ngayon! Di ko pa kaya, di ko pa kayang malaman ang lahat" pilit kung inaalis ang mga kamay nyang mahigpit na nakapulupot sa bewang ko.
"Ate... hek .. Di ko sinasadya hek. . Patawarin mo ako hek " humihikbi nyang sabi. Basang basa na ang damit ko sa likod dahil sa mga luha nya pero di ko pa rin sya mapapatawad sa ngayon. Malakasan kung tinanggal ang mga kamay nya at tumakbo sa loob ng kwarto.
Hindi! Hindi ko pa kayang malaman ang buong katotohanan. Mapapatawad ko lang siguro sya pero hindi pa sa ngayon.
Tot..Tot..Tot.. May narinig akong nagtext sa cell phone ko. PerO wala akong panahon basahin kung sino ang nag text. Ayoko muna humarap ko maki pag usap sa kahit na sino.
