"If you don't fight for what you want, don't cry for what you lost"
Smooth naman relation namin ni john, botong boto pamilya ko sa kanya. Sino ba naman ang hihindi eh sobra kung mag pa sipsip. Nagpagawa sya ng sarili naming kwarto kasi di talaga sya makatulog. Pinalagyan nya ng aircon at napakalaki ng nagastos nya sa pamilya ko. Kahit anong away at tanggi ko makulit talaga. 1year ang 6 months na ang lumipas at ito ako ngayon naghahanap ng mareregalo sa mommy nya kasi birthday ayoko ko sana pumunta kasi nahihiya ako pero makulit ang loko kasi ipapakilala na daw nya ako sa pamilya nya.
Hmmmm! Ano kayang pwedeng iregalo sa taong nasa kanya na ang lahat? Bulong ng isip ko habang namimili."Babe ano ba pwede e regalo sa mommy mo?" Di na ako nakatiis ang tinawagan ko sya.
"Kahit ano lang babe"
"Eh! Cge na tulungan mo na ako. Naguguluhan ako, parang nasa mommy mo na ang lahat." Pamimilit ko sa kanya. Natahimik sya sa kabilang linya parang may iniisip.
"Ah!alam ko na flowers nalang babe para sa garden nya kasi mahilig yun sa flowers."
"Sure?" Alanganin kong tanong Syempre mayaman so it means mahal yung mga bulaklak nya sa garden.
"Oo. Kung di ka sure wag kana lang mag regalo.heheh"
"Cge na nga! Thank you babe"
"Okay susunduin kita 7pm Sharp. Ingat love you"
"Okay babe love you too"Dumiretso ako sa flower shop at tumingin Kung anong pwede e regalo. Napahinto ako sa isang bulaklak.
"Juliet rose po yan ma'am fresh from UK. Sikat po ito na rosas. Napakamahal nga lang po." Pagbibigay information sakin ng sales lady.
"Magkano to?" Tanong ko kasi baka ma afford lang.
"10k po ma'am " nakangiti nyang saad. What sa 3 pirasong bulaklak yan yung presyo?. Pang one month kong allowance . "Pero maganda po ito pang regalo ma'am may kasama napong pot yan." Kumbinsi pa ng babae sa akin.
"Cge bigyan mo ako" bilhin ko na lang total para namn sa mama ng taong mahal ko. Mag bubudget nalang ako ng isang buwan. Nang matapos mabayaran lumabas na ako ng mall at umuwi ng condo para mag bihis. Wala n.a. naman c kring. Gumagala na naman ata. 6:45 ng dumating c John.
"Babe okay lang ba tong binili ko?" Agad kong pinakita sa kanya.
"Wow! Ang ganda, panigurado matutuwa mommy nito" salamat naman kung ganon. Mahal pa naman to. Bulong ng isip ko.
"Ano ready kana?" Tanong nya sakin. Tumango lang ako at sumunod sa kanya sa sasakyan. Wala akong imik habang nagbabyahe."Kinakabahan kaba?" Tanong nya ng mapansing tahimik lang ako.
"Oo. Baka di nila ako magustuhan". Nanlalamig talaga ako sa kaba.
"Magugustuhan ka nila, wag ka mag alala basta be yourself". Smile lang ang naging tugon ko at di na umimik. Di narin sya nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Napakayaman pala talaga nila. Pumasok kami sa loob at mas lalo akong namangha kasi kung anong ikinaganda ng labas mas lalong kamangha mangha ang loob. Pero wala doon ang atensyon ko kasi sobrang kabog ng dibdib ko.SA kusina kami agad tumuloy kasi sabi ng maid nila nag uumpisa na daw silang kumain. Walang masyadong bisita kasi yun narin ang gusto ng mommy nya. Pamilya lang daw sila na mag cecelebrate para daw may time sila sa isat isa. Alam nyo na mayayaman palaging busy.PerO makulit tong boyfriend ko kailangan ko daw sumama kasi magiging pamilya ko rin naman daw sila pagdating ng panahon.
"Good evening everyone!" Bungad ng boyfriend ko na ikinahinto ng mga taong nag uusap sa lamesa. 4 na Tao ang nandun. Mommy nya, daddy at dalawang babae. Agad na bumaba ang tingin nila sa kamay ni john na nakahawak sa isang kamay ko. Agad kung hinila ang kamay ko kasi nakak akward. "Happy birthday mommy!" Agad syang lumapit sa ina at hinalikan sa noo. "C chelle nga pala girlfriend ko" pakilala nya sakin.