"Sometimes,the worst thing a person can say is nothing at all"
Simula ng gabing yun, palagi na ako kinukulit ni john. Pag nakikita ako sa school lalapitan at sunod ng sunod kahit saan ako mag Punta pag break time pero napupuno din ako ng pambabatikos kasi naman kilalang syang playboy so ano pang eneexpect na habol sa kin diba?
"Ay sya ba yun?! Di naman kagandahan!" Rinig kong bulalas sa kabilang table. Kasalakuyan kaming kumakain ni kring sa canteen.
"Oo, naku pustahan tayo 1sang buwan lang tatagal yan! Alam mo na flavour of the month" bungisngisan pa sila kala mo di mo naririnig .
"Naku ate wag mo ng pansinin ang mga yan!" Pampalubag loob nyang sabi. Di ko naman kasi masisi ang mga schoolmates ko Syempre may record c John na manloloko . Wala pa atang sineryosong babae yun eh.
" ha?! Ako affected? Para saan? Di naman kami!" Pang dedepensa ko. Bat ba ganun ang mga Tao magkasama lang palagi may meaning na agad. 1month pa nga lang simula nung makilala ko sya pero ang dami ng issues.
"Tayo na nga sa room baka may masapak pa ako dito" nang gagalaiti nyang sabi sabay tayo. Sumunod na rin ako pero binigyan ko muna ng middle finger sign yung nag chichismisan sa kabilang table. Hahahah! akala nyo ba pa victim effect ako dito. Di ako ganun! Tumatawa akong sumunod kang kring ng makita ko mga mukha nila sa gulat.
July 18,2020
Birthday ko ngayong araw na ito pero Syempre dahil private akong Tao c kring lang nakakaalam. Napag usapan namin kakain nalang kami sa labas kasi wala naman kaming bisita. Palabas na kami ng gate ng huminto ang sasakyan ni John sa harap namin.
"Tara na!sakay na kayo. Hatid na namin kayo" aya nya samin. Tumingin kami sa isat isa ni kring at tumango sya. Sasakay na sana kami sa likuran ng bumaba c claude galing sa harapan.
"Dito kana sa harap, tabi na kami ni kring" sabay kindat pa sakin. Nang makaupo na ako sa harap may iniabot na isang paper bag c john.
"Happy birthday " nagulat ako. Sabay tingin ko kay kring na naka peace sign sa likuran.
"Sorry ate nadulas bibig ko kay claude". Rason nya sakin.
"Happy birthday chelle, Tara kain muna tayo sa labas. Treat ni John " ngising dagdag ni Claude.
"Salamat sa pag greet, pero bakit nag abala ka pa ng regalo? Teka ano ba to?" Sabi ko habang binubuksan. Napahinto ako ng makita kong cellphone ang laman. "Diko matatanggap to" sabay lagay sa harapan ni john.
"Bakit di mo ba nagustuhan?" Napahinto sya saglit sa pagmamaneho.
" Hindi naman sa ayaw pero parang sobra naman yan" sabi ko.
" teka ano ba kasi yan?" Sabay hablot ni Claude sa paper bag. "Wow iPhone 10!" Manghang bulalas nya.
"Cge na tanggapin mo na" kinuha ulit ni John ang cellphone at nilagay sa kandungan ko. "Kung ayaw mong tanggapin at gamitin, itapon mo nalang". NakA focus nyang sabi habang tinutuloy ang pagmamaneho. Bat parang naging seryoso mukha nya ?
"Cge na nga tatanggapin ko na, wag KaNang umiyak dyan!" Pang jojoke ko para mawala ang tensyon. Magiging choosy pa ba ako? Pasalamat ka nga may nag bigay sayo ng iPhone 10. "Salamat ha"
"Welcome" tipid nyang sagot. Walla na kaming kibuan hanggang sa makarating sa restaurant.
"Ano sayo?"tanong ni John ng makaupo kami sa table. Mukha okay na sya kasi nagsasalita na.
" kahit ano lang, ikaw na bahala mag order" sa totoo lang Hindi naman kasi ako sanay sa pag kain ng mayayaman. Hindi rin ako maselan sa pagkain so kahit ano kinakain ko.
