Part 7

1.4K 17 1
                                    

"Sometimes you just need to distance yourself from people and their drama"

Nagising ako ng 5am dahilan narin siguro maaga ako nakatulog kagabi. Nakauwi na kaya c kring? Tanong ng isip ko. Dali dali ako lumabas ng kwarto at pinihit ko ang door knob nya. Nka lock , pinakinggan ko kung umaandar ba aircon nya. Hay salamat umuwi naman sya. Minsan nag aalala ako sa batang yan kasi ang dami daming friends. Madaming umaaya ng gala palibhasa mayaman tapos npakagalante pa. Nag prepare na ako ng breakfast namin kasi may pasok kami ng 7am. Ng matapos ako bumalik ako sa kwarto para mag prepare maligo. Pagdaan ko sa lamesita na katabi ng kama ko ,nakita kong umiilaw yung cellphone ko. Kinuha ko at na shock sa nakita.

32 missed call
14 messages

Lahat yun galing kay John. Binuksan ko isa isa

Babe tulog kana? Di kana nagreply
Babe?
Babe? Tulogka ba talaga or ayaw mo lang akong kausap
Nasa galaan ka ata eh, may nakapagsabi sakin nag bar daw kayo ni kring
Hoy
5pm kapa tulog wag mong sabihin di ka pa gising
Hay naku!
Di ako makatulog
Asanka ba talaga?
Sure ka tulog ka talaga?
Cge tawagan mo ako bukas paggising mo
Di ako makatulog
May simcard kana, may load pa tapos di man lang makareply
Kaasar

Praning ata to. Napaka kulit. Di ko na nireplyan wala rin naman akong Plano mag explain. Naligo na ako at nagbihis. Ginising ko si kring para sabay kaming kumain.

Tok tok tok "kring?" Tawag ko habang kumakatok. ang tagal sumagot kaya nilakasan ko pa ang pagkatok. "Kring ?" Maya Maya bumukas ang pinto at lumabas ang mukha nyang sabog ang buhok at mugto ang mata.

"Te. Di muna ako papasok masama pakiramdam ko." Matamlay nyang sabi.

"Ha? Bakit? Anong masakit sayo?" Sunodsunod kong tanong sabay dampi ng kamay ko sa noo niya. Di namn sya mainit.

"Wala akong lagnat, wala lang ako sa mood pumasok." Iwas nyang tingin sakin.

"Eh bakit mugto Mata mo?" Usisa ko . "Hindi narin ako papasok, dadamayan nalang kita baka ano pang mangyari sayo dito".

"Wag na ,pumasok ka kasi baka anong ipagawa ni ma'am . Mas mabuti ng isa sa atin May alam. Okay lang ako promise. Tulog lang ako tapos okay na to mamaya" pamimilit pa nya sa kin.

"Cge text ka nalang sakin pag di bumuti pakiramdam mo at uuwi ako agad" sabay abot ko sa cellphone para ilagay # nya. Pumasok na sya ulit sa kwarto at nagpahinga. Kumain na rin ako at bumaba na para pumara ng taxi. Habang sa daan tinext ko sya.

Kumain ka muna tapos uminom ka ng gamot.

Okay, reply nya.

Habang nagkaklase di ko mapigilang mag alala kay kring. Uuwi na sana ako ng maalala kong importante pala ang next subject ko after break time.2 lang subject ko ngayong araw 7-9 am tapos break 1hour 10-12 naman ang next. SA hapon free ang schedule ko. Nang matapos ang 1st subject pumunta ako sa canteen para mag tambay. Nang may 2 kaklase akong lalaki ang lumapit sa kin sa table at nagtanong.

"Pwedeng makiupo chelle? Wala na kasi bakante". Sabay Lingon ko paligid.

"Sure" ang laki laki ng table tapos mag dadamot ako? Nag uusap silang dalawa at nagtatawanan kaya nakitawa narin ako. Mga palabiro kasi. Nalibang ako sa pinagsasabi nila kaya di ko namalayan na may Tao pala nkatayo sa gilid ko at bigla hinila ang mga kamay ko. Napatayo ako bigla.

"Andito ka lang pala , bat di ka nagrereply?" Medyo galit nyang mukha ang bumungad sakin. "Halika nga dito" at hinila nya ako palabas ng canteen papunta sa may likuran .

How You ruin meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon