" Everything is temporary; emotions,thoughts, people and scenery. Do not become attached, just flow with it"
2weeks have passed wala namang nangyari, happy sa school dahil naka meet ng ibat ibang friends. C john ayun di na nagparamdam, na turn off guro okay naman yun atleast narealize nya na di ako pwedeng guluhin kasi focus ako sa pag aaral ko. Nag meet naman kami sa school pero hanggang tango lang pag nakakasalubong, as if naman kung may pakialam ako buti nga walang istorbo.
"Ate labas muna ako nag aya lang kaibigan mag bar" paalam ni kring sakin habang gumagawa ako ng assignments.
"Okay uwi ng maaga ha?! Ingats!" Pumayag naman ako kasi Friday night naman walang Pasok bukas. Ewan ko kung nagkikita pa ba sila ni Claude kasi nung minsan tanungin ko kung kumusta na sila sabi nya lang busy daw yung Tao. Yan na sabi ko diba sa umpisa lang yung mga batang yun. Syempre di siguro makuha agad ang gusto ayun nagsawa.
"Matulog kana lang wag mo na ako hintayin kasi magdadala ako keys! Sure ka ayaw mong sumama?" Aya pa nya sakin.
"Hindi na. May ginagawa pa ako" nakafocus kung sagot
"Okey" at yun pabango nalang natira sa sala. Nkaramdam naman ako ng lungkot.hay naku self focus ka na lang sa school wag mo na isipin ang mga nangyari. Paiyak na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Oh! Bat bumalik ka?" Gulat kong tanong
"Dito nalang daw kami sa condo mag inuman para makasali ka samin. Halikayo pasok" kasunod nyang pumasok sina claude at john.
"Oy buhay pa pala kayo!?" Biro ko sa kanila.
"Eto naman busy lang kaya di nakakapasyal dito, bakit namiss mo ba kami?" Biro pa ni John sakin
"Hahaha asa kapa!" Sabay tawa .tatayona sana ako para lumipat sa kwarto.
"Oh San ka pupunta? " tanong ni claude
"Sa kwarto tatapusin assignments namin" pa inosente kong sagot
" bukas na yan, samahan mo na kami dito. Sabado naman bukas walang pasok ". Pamimilit pa ni Claude
" oo nga! Paminsan minsan lang namn to kasi busy sa school alam nyo na thesis!" Dagdag ni John. Cge na nga pagbigyan ko na total namiss ko rin naman tong mokong nato. 'Hoy self anong namiss?! Kalma ka nga wag kang malandi'
" mamaya na ako sasama pag tapos ko na to" iling iling kong sagot.
" Oh sige ha, 30 mins. Labas kana dito." Pa beautiful eyes pang pakiusap ng mokong.
Nag umpisa na silang mag inuman sa sala pero para narin kasama ako dun kasi ba naman salit salitan sila sa pag bigay ng inumin sakin .dina tuloy ako maka pag focus sa pagsagot kaya ayun lumabas na rin ako at sumali sa usapan nila.
"Tanong ko lang! Bat ba ang loner mo?" C john na namumula na
"Hindi naman ako loner may problema lang na pinag dadaanan" sabi ko
"Ano bang problema mo?" Kami nalang dalawa nag uusap kasi busy din yung dalawa sa moment nila.
"Wag mo ng tanung-
"Tanungin kasi masyadong personal ?" Putol nya sa sinasabi ko. Tango lang sagot ko.
"Alam mo Hindi mo makakalimutan yang problema mo pag di mo shinishare" sabi pa nya sakin. Sabihin ko na kaya para mawala ang curiosity nito.
" ganito kasi yun blah..blah.. blahhh..blahh.." at sinabi ko na sa kanya ang buong buhay ko . With matching teary eyes pa. oh diba na shock na naman sya.