Part 10

1.1K 14 1
                                    

"Love is not certain, love is about taking the risks"

Isang buwan ang lumipas Simula ng nangyaring insedente sa birthday ng mama ni John biglang nag Iba ang ihip ng relasyon naming dalawa. Di na kami masyadong nagkikita at nagkakausap . SA umpisa ang kulit nya pa pumunta at Tumawag sakin pero ngayon bihiha na kung mag text. Gusto man ng isip ko na  kalimutan sya pero di  kaya ng puso ko. Pag nagtetext at tumatawag ako sa kanya para makipagkita palaging busy ang sinasabi nya sakin. So ngayon nilakasan ko na nag loob ko na Tumawag para e clarify ang sitwasyon namin. Mas mabuti ng magkaalaman keysa umasa pa sa isang relasyon na wala ng kasiguraduhan ang patutunguhan. Sakto naman at birthday nya ngayon. Aayain ko syang mag celebrate kaming dalawa at pag usapan kung anong Plano nya sa relasyon namin.

Calling babe... ring.. ring.. ring.. antagal sagutin.

"Oh! Babe?" Buti naman sumagot pa.

"Happy birthday babe!Busy ka? Pwede ba tayong magkita?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry babe busy talaga ako ngayon. May maliit na salo salo na inihanda sila mommy sa akin. Tawag ako sa bukas. Sorry talaga babe"  malumanay nyang sabi sakin.

"Okay lang babe cge enjoy ka sa party mo.bye" di ko na hinintay sagot nya. Alam kung di ako invited sa party nya kasi alam ko namang di ako gusto ng pamilya nya.

Ding dong.. Ding dong..

Napahinto ako sa pag iisip ng tumonog ang doorbell.. sino kaya to? Lumabas ako ng kwarto upang buksan kung sino ang bisita. Nagulat ako ng mabuksan ang pinto. Kapatid ni john ang nakita ko. Paano nya nalaman address ko?

"Hi." Bati nya sakin.

"Hello. Pasok ka. May kailangan ka ba?" Sabi ko habang binubuksan ng malaki ang pinto para makapasok sya.

"Hindi wag na.. May pinabibigay lang c mommy sayo" may kinuha syang card sa bag nya sabay abot sakin.

"Ano to?" Tanong ko sa kanya .

"Basahin mo nalang. Cge aalis na ako at may pupuntahan pa ako. Bye!" Umalis na ito  kaya pumasok ako sa loob sabay open ng sobre

You are invited to a birthday celebration of John Anwar
Saturday, February 9,2020
Time: 19:00 - till late
Venue: Anwar residence
Semi formal to formal attire requested

Anyari? Kala ko ba konting salo salo lang bakit may pa invitation?  Siguro gusto nya akong sorpresahin? Eto talagang boyrfriend ko ang hilig mang surprise. PerO TekA? Sabi nung kapatid nya pinabibigay daw ng mommy nya? Ibig bang sabihin nito tanggap na nila ako? Okay na sila sakin?  Nagtatalo ang isip at puso ko kung pupunta ba ako. PerO mas nanaig ang sigaw  ng puso ko. Dali dali akong nagbihis para pumunta ng mall at maghanap ng ireregalo sa kanya. Nag pa ayos at make up din ako sa salon para naman Di ako maging behind sa itsura ng mga bisita. Alam  kung maraming mayaman ang pupunta Doon ayoko kung maging katawa tawa.  Pumili narin ako nang susuotin. Sakto may nakita akong black dress na off shoulder kita ang cleavage ng malusog kung dibdib hanggang sakong ang taas nito na fit sa katawan kong slim makikita mo ang hubog ng katawan ko at May slit sa gilid nito na hanggang legs ang haba. Umuwi na ako para mag prepare ng sarili. Tiningnan ko ang orasan 5:30. Mag tataxi nalang ako kasi alam kung di ako masusundo ni john dahil busy ito. Muli kung tiningnan ang sarili sa salamin. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok kung lagpas balikat, may make up akong di naman makapal sakto lang para lumabas ang kagandahan ko Tinernohan ko ang damit ko ng sandal na silver with glitters at pouch bag na kulay black. Nang makuntento sa sarili Tumawag na ako ng taxi at bumaba sa building ng condo.

6:30pm na ako nakarating sa bahay nila dahil sa sobrang traffic . Pagdating ko andami ng Tao sa loob. Nakikita kung puro mayayaman ang bisita nila. Akala ko simpleng salo salo lang. Buti nalang at maayos ang suot ko. SA isip ko di na mapapahiya c john sa itsura ko.  Hinanap ng mga mata ko c John pero di ko sya Makita. Tinatawagan ko namn sya ayaw sumagot kaya Umupo nalang muna ako sa isang lamesa na malayo sa karamihan.

How You ruin meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon