"Don't rush things. When the time is right, it will happen. "
Isang linggo ang lumipas pero walang John na nagpakita, kahit tawag or text man ay wala din. Bakit ganon ang mga lalaki bigla bigla nalang di nagpaparamdam? Sana kung ayaw nyo na sa Tao sabihin nyo di yung nangangapa pa kaming mga babae kung anong dapat naming gawin. Masakit parin ang dibdib at kalooban ko dahil sa ginawa nya. Sana naman inayos nya at tinapos nya kung ano mang Meron kami Hindi yung basta nya na lang ako bibitawan. Akala ko ba mahalaga ako sa kanya? Asan na yung mga pangako at Plano nyang magsasama kami hanggang sa huli? Dapat kasi wag nalang magsalita ng tapos Hindi naman pala kayang Tuparin. Hays! Muli akong bumuntong hininga.
"May problema ba miss Mendoza?! Kanina pa kita napapansin nakatulala at bumubuntong hininga" galit na saad ng professor ko.
"Wala po sir. Sorry po" sabay yuko ng ulo ko dahil sa kahihiyan. Lahat kasi ng Mata ng kaklase ko nakatingin sakin.
"SA susunod kung ayaw mong makinig pwede kang lumabas" pangangaral nya pa sakin. Paano naman kasi di talaga mawala sa isip ko c john. Parang nawawalanna nga ako ng gana pumasok sa skwela. Kung Hindi lang dahil sa pamilya ko ayoko na sana pang mag aral.
Nang matapos ang klase agad akong umuwi para ayain c kring mkipag inuman sa labas. Kailangan kong uminom ng alak para maibsan ang bigat ng aking dibdib. Nakarating ako sa condo pero wala na naman c kring. SA dami ng problema ko di ko na Alam asan pumupunta c kring
Kring asan ka? Tinext ko nlang sya.
SA bahay ng friend ko. Why?
Ayain sana kitang uminom. Ano game?
Sensya na te busy kami ngayon . Next time nalang
Minsan napapaisip ako kung galit ba ito sakin or ayaw na akong makita. Feeling ko iniiwasan nya ako kasi ayaw na mkipag usap or makipag kita sakin .palagi nyang rason kesyo busy sya.hays! Wala bang gustong sumama sakin? Wala din akong friends sa school kasi nasanay akong c john at kring kasama ko lagi. Bahala na ako nalang mag isa iinom. Agad akong pumunta sa malapit na bar, umupo sa counter at uminom ng uminom.
"Hello miss pwede ba-
"Wala akong panahon makipaglandian" putol ko sa sasabihin sana ng isang lalaki na lumapit upang mkipag kilala.
"Sungit! Bitch!" Agad itong umalis. Lahat ng lumalapit di ko binibigyan ng chance na magsalita kasi una sa lahat hindi pakikipaglandian ang pinunta ko dito. Pangalawa ayokong makipag usap sa kahit sinong lalaki kahit sabihin pang pakikipagkaibigan lang ang sadya nito. Lastly ayoko ng pumasok sa isang relasyon enough ng dalawang beses kang masaktan. Sabi nga nila once is enough twice is too much. Pagod na akong masaktan siguro panahon na para sarili ko naman ang mahalin ko diba?
Nang mkaramdam ng paghilo nag decision na akong umuwi. Papalabas na ako ng bar ng may humarang sa harapan ko.
"Wala akong panahon sa kalokohan nyo!" Sita ko sa tatlong lalaki sa harapan ko.
"Alam mo miss ang tapang mo ah!" SAbay hablot sa mga braso ko palabas ng bar papunta sa madilim na dako.
"Aray!! Ano ba nasasaktan ako!!" Reklamo ko habang pinipilit tanggalin ang mga kamay nyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"Wag ka ng maarte miss! Alam naman naming ito gusto mo eh!" Nakangisi naman ang isang lalaki na mukhang unggoy ang itsura. Pilit kong nilalakasan ang loob ko dahil sa nararamdaman na kapahamakan.
"Sino ba kayo? Ano bang kailangan nyo? Pwede natin itong daanin sa maayos na usapan" pilit akong humihinahon.
"Kung sana inayos mo ako kanina! Ano bang ginawa mo? Diba binastos mo ako sa harapan ng maraming Tao?" SAbay hablot ng buhok ko na ikinaigik ko. Ang sakit sobra. Natatandaan ko na tong tukmol na to , ito yung lalaking lumapit sakin kanina na sinabihan ako ng bitch.