"Maturity is learning to walk away from people & situations that threaten your peace of mind, self respect, values, morals or self-worth"
Paggising ko medyo mabigat ang pakiramdam ko, pero pinilit kong bumangon para mag prepare ng breakfast at kumain mag isa. Pag ganitong walang pasok di ko ginigising c kring kasi para mkapagpahinga ng maayos alam ko naman na matagal yun natutulog kasi napaka addict sa social media. Pagkatapos kung kumain nilinis ko buong kwarto ko, di pa ako nakuntento nilinis ko rin buong sala at kusina. Kasalukuyan akong naglilinis ng banyo ng magising c kring.
"Oy! Anong nakain mo?!" Bungad nya sakin, gulat sya kasi nag linis ng buong bahay.
"Breakfast lang kinain ko!heheh wag ka munang pumasok sa kwarto mo dyan ka muna sa kusina kasi isusunod ko yung linisin pagkatapos dito". Tumatagaktak na pawis ko. Tama tong ginawa ko para naman mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi.
"Nahipan ka ata ng masamang hangin!" Biro pa nya sakin.Minsan lang kasi ako mag linis pag NASA mood lang.
"Kumain kana dun, wag mo na akong intindihin dito". Pagtatabuyan ko sa kanya. Ng matapos ako sa banyo lumipat ako sa room nya. Naku napaka kalat, napakaburara talaga nitong babaeng to palibhasa may yaya kaya ayun di na natuto ng gawaing bahay. hugas Plato lang alam gawin. Focus ako sa paglilinis di ko namamalayan alas12 na pala. Nang matapos kung linisin nilabas ko lahat ng labahin. Maglalaba naman ako pag katapos kung kumain.paglabas ko sa kusina NakA cellphone na naman c kring. Di na ata mabitawan yang cellphone nya.
"Text ng text c john tinatanong kung nasaan ka!" Bungad nya ng makita ako. Ano na naman gusto ng lalaking yun. Nakuha na nya gusto nya bat pa sya nagpaparamdam.
"Anong sabi mo?"
" di ako nag reply, anong sasabihin ko?". Nkaready na kamay nya sa pag type.
"Sabihin mo wala umalis ako, pag nagtanong kung nasaan sabihin mo di mo alam kasi kakagising mo lang". At nag send na sya.
"Nag reply sabi nya pag dumating ka daw tawagan mo daw agad sya importante daw". Naku importante? Bobolahin lang ako nun! Bahala sya manigas sya.
"Replayan mo lang ng okay" sabay kuha ng Plato at umupo sa tabi nya para kumain.
"May problema ba kayo?" Napahinto ako sa pag subo.Lagot baka malaman nya at magalit to sakin. Kinakabahan ako.
"Wwala nnaman" nauutal ko pang sagot. Ay potik!
"Ikaw kung ayaw mong sabihin basta andito lang ako para sayo. Alam mo na karamay mo ako." Pangongonsenya nya sakin. PerO pinigilan ko self ko para magtapat. Nakakahiya kaya baka sabihin nya wala akong respeto sa kanya dahil sa ginawa ko.
"Wala talaga! Ayoko lang makipaglapit sa kanya kasi kilala mo naman reputasyon nya sa school diba? Baka makahanap pa ako ng kaaway! Kung pwede ako na ang mag aadjust"mahabang paliwanag ko.
"E pano kung gusto ka talaga ng tao? " tanong nya pa sakin.
"Hoy! Ano kaba!" Hampas ko sa kanya." Ayoko muna, masakit pa nangyari sa akin, ayoko munang dumagdag ng problema ".
"Sabagay! Basta kung kailangan mo lang ng payo wag kang nahihiya sabihin sakin!" Assurance nya sakin.
"Oo, cge na maglalaba pa ako, hugasan mo nalang to " konti lang nakain ko kasi baka saan pa makarating usapan namin eh masabi ko sa kanya lahat.Tumayo na ako at pumunta sa banyo para maglaba. Mga30 mins. sumunod sya sakin.
"Tulungan na kita baka sabihin mo inaabuso kita" hahawak na sana sya sa mga damit.
"Wag na kaya ko na to. Malapit rin naman matapos to" Syempre washing kaya gamit tapos konti lang labahin namin so mabilis talaga matapos.umalis naman sya pumasok sa kwarto nya. Nang matapos akong maglaba nakaramdam ako ng pagod at nakatulog sa kwarto.