014

46 4 0
                                    

After informing my oh-so-kind-jurassic-park group mates ay nag ayos na ako ng gamit ko para pumunta sa 'Tea Bay' na usapan namin ni Sir Clor.



Oh, they owned the Clor Gamesoft Corp., Which was very famous among the gamers! Kahit ako ay lods ko sila dahil mahilig din ako sa games na niproduce nila!




Nagbihis lang ako ng white embroidered scoop neck cropped top at low denim pants, nag ankle boots ako bago hinayaan na nakalugay ang buhok.




Wala si Iyah today dahil may kikitain s'yang seller. Si Alli naman may work. Wala akong choice kundi ang mag grab papunta sa Tea Bay.




Dumating ako agad doon dahil hindi naman malayo sa condo. Naupo ako sa libreng upuan sa gilid at naghintay na lang muna.





I chatted Seina para malaman n'ya na nandito na ako. After few minutes of waiting ay may nag usod ng upuan sa gilid ko kaya napalingon ako sa kanya.





"Hi" he greeted. "Miss.. Evelyn?" tumango ako agad.




"Dave Vinx Clor?" he arrowed his hand and I accepted it.




"I'm waiting to my groupmates, if.. hindi ka busy? Antayin na natin sila?"




"Sure"



"Do you want something to drink?" umiling lang s'ya. Hinayaan ko na, di naman ako mapilit dahil syempre ako ang magbabayad!



Naghintay lang kami ng ilang minuto at dumating na si Seina kasama si... Marcus, and ex kong hilaw.




They greeted each other at nagsimula na kami sa interview tutal gusto ko na din naman makaalis dito.



"Tutal maaga tayo natapos, how about.. mall na din tayo?" napangiwi ako sa malanding suhestiyon ni Seina.



"Para naman hindi mukhang interview lang 'yung habol namin sa'yo Dave! Bilis" napataas ang kilay ko at sinipsip ang milktea ko. Napalingon silang lahat sa akin dahil wala na palang laman kaya gumawa ito ng nakakainis na tunog!



"If.. Miss Diaz will come" natigilan ako sa sagot ni Dave. Tinaasan ko s'ya ng kilay.



"Sumama ka na, hindi ako sasama. May iba akong pupuntahan" sagot ko sa kanya. He did just shrugged



"Hindi na din ako sasama. Ayoko maging third wheel" he laughed a little.



"Okay lang 'yun babe" babe ampotek. Kasuka!



"Sige, mauna na kami. Anyways, Eve. Get  Dave's number ah incase kailangan natin ng pictures sa documentary" tamad akong tumango.



Nag paalam na 'yung dalwa at wala akong ginawa kundi ang umismid hanggang sa makalabas sila ng shop.




"Luh, inano ka ng mga 'yon?" inirapan ko si Dave dahil sa pagsabat n'ya.



"Inahas" maiksing sagot ko saka tamad na inayos ang gamit ko. "Ay wow, hashtag legal wife" komento pa n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.


He inmediately raised his hand na para bang sumusuko na sa mga pulis.



"Alis na ako" paalam ko. Nagsisimula na din ako mairita sa presensya n'ya.


Bakit kasi hindi man lang n'ya sinama 'yung kaibigan n'ya na si Jak.



Lumabas ako ng shop at nagulat ako kasi sinundan n'ya ako hanggang sa bus stop. Hindi ko s'ya pinansin dahil baka sasakay lang talaga din s'ya ng bus or what.



Tumigil na 'yung bus ko so, tumayo na ako at akmang sasakay pero nagulat ako dahil hinawakan n'ya ang balikat ko.



"What?" iritang tanong ko sa kanya


"My number" tinaasan ko s'ya ng kilay dahil may inilapag s'yang calling card sa palad ko



"What is this? You are not my type" narinig ko napatawa s'ya ng mahina. He looked so amused.




"Incase you need something for me like documentaries just like Seina told you earlier" bigla akong napahiya. Oo nga pala.



"Okay" I pursed my lips and turned my back.



Humakbang na ako pero narinig ko na naman s'ya na magsalita.



"And hindi din kita type"

that evening (jungri ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon