124

43 1 0
                                    

"Okay ka na?" nagulat pa si Dave dahil lumabas ako ngayong dinner na. Tumango ako sa kanya habang kagat kagat ang labi ko. "Sorry" he did just smiled a bit.




"Kain ka na" tumango naman ako at naupo sa harapan n'ya. Tahimik lang ako buong dinner at nagprisinta na maghugas ng plato.



Pumayag agad si Dave dahil lugi na daw s'ya. "Gusto mo ba manood ng movie?" aya ko sa kanya. Nagulat pa s'ya, pero tumango din naman agad.



"Sure" ngumiti ako bago binalik ang tingin sa hinuhugasan ko.



I don't know what should I act. But if this will be the last day that I can see him like this close, I would rather spend it like this. Hahawakan ko s'ya ng mahigpit, yayakapin, aasarin s'ya, at makikipagtawanan sa kanya.



"Anong maganda na panonoorin natin?" I asked him while browsing on my movie list.





"Ikaw. Ikaw ang magandang panoorin" ng tingnan ko s'ya ay nakatitig na s'ya sa akin. "Adik ka ba?" akmang hahampasin ko na s'ya ng remote na hawak ko pero natigil ito dahil sa nagbukas ng pinto.





"WHAT THE FUCK?!"



"HULI PERO DI KULONG!"




Si Alli at Jak 'yan, napatigil din ako at biglang kinabahan. Bakit nandito silang lahat?!



Si Jak, Alli, Toby, Ford at Sariyah.




"Evelyn.." maawtoridad na tawag sa akin ni Sariyah. I heard Dave sighed. Tumayo s'ya at pinatuloy silang lahat.




"Explain" kahit si Ford ay seryosong nakatingin kay Dave.




"We are married" sabay naming saad ni Dave. Napasinghap silang lahat.





"Waitㅡ ANO?!" napatayo pa si Alli.



"Dahㅡ" di ko natuloy ang sasabihin ko kasi tumayo din si Sariyah. "Teka kukuha lang ako ng chips hehe"




Nakita ko ang pag iling ni Ford bago sundan ng tingin si Sariyah. I felt Dave's hand on mine and squeezed it a bit.





"Game na. Hehe"




"Alam nyo naman kasi kung ano ang meron sa pamilya koㅡ"




"Hindi namin alam," pagsingit ni Alli. Gusto ko sana s'yang sigawan na patapusin muna ako eh. "Dahil kahit kailan Eve, hindi ka naman nagsasabi sa amin" tumungo sa seryoso n'yang sinabi.





"I know" tumahimik ang lahat kaya pinagpatuloy ko ang pagkwekwento. "And then, matagal ko naman na alam na naka arrange marriage na ako sa isang tao. Hindi ko lang alam na si Dave pala 'yun" pagpapatuloy ko.




"Tekaㅡ alam mo ba Dave?" tumango s'ya kaya nagulat din ako.




Alam nya? "Bakit ka umalis?" pagsingit naman ni Toby.




"For business," maiksing sagot n'ya bago ako tiningnan. "At may tamang oras ang bawat bagay"




"Korni" kunwari pa na naubo si Jak.




that evening (jungri ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon