109

69 3 0
                                    

"Gago!" mura ko sa harap ng cellphone ko habang binabasa ang texts sa akin ni Dave.


"Tanga ka ba? Kanina pa ako dito sa labas ng bahay!" galit na galit na sigaw ko sa cellphone ko, habang nakaupo dito sa may gutter sa harap ng tinutuluyan namin.


Hindi ko itinuloy 'yung set up dahil baka kay Kevin at sa lalaki ko lang maibuhos ang galit ko.

Hindi din naman ako umuwi dahil gusto ko panindigan 'yung ayaw ko s'ya makita.

But at the same time, may malaki akong problema. 11PM na at kanina pa ako nilalamig dito sa labas. Sinisipon na nga ako eh. Winter season pa naman, bwisit.


"Argh! Fuck you Dave Vinx Clor!" mura ko at sinubsob ang ulo sa tuhod ko.

Ang sakit ng ulo ko at nilalamig na talaga ako. Nakasweater naman ako, pero cropped top naman ito. Minsan pala talaga parang gusto ko na lang maging si Elsa sa mga oras na ito.


Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig talaga ang rason ng sakit ng ulo ko. O dahil ba sa kakaisip kung gaano kagulo ng sitwasyon ng lahat ngayon.


Una kay mommy at daddy pati na kay kuya. How could I be tough enough na harapin sila at sabihin na pagod na pagod na ako sa lahat.

I looked so simp. Naalala ko when Alli had a big problem with Toby. Noong mga araw na 'yun, Alli was so confused. Natatakot din s'ya ilabas kung ano ang meron sa puso n'ya. Yet she did it fearlessly. Kaya masaya s'ya ngayon. Ganoon din naman si Sariyah. Well, she was born to blurted whatever her feeling is. And I admire my closest friends because they are like that. I wish I can do that too, masabi ko man lang ang mga gumugulo sa isip ko.



Too bad, kahit mapagsabihan.. wala naman ako.


Idagdag pa natin sa problema si Dave. Inintay ko s'ya para makakuha ako ng malinaw na sagot tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Well, oo.. nakakuha naman ako ng sagot.


Gusto ko s'ya. Oo, gusto ko s'ya okay?

Pero wala eh, gusto nya din ako pero noon lang 'yun. I want to stay with him, so much. But we need to end this too.


It was so sad. Ano ba talaga ang pag ibig? Bakit sa tuwing nakikita ko ito sa mga kaibigan ko, masaya naman sila?




Why I felt so unloved so much?



I wiped my tears away, ipitanong ko na lang ang ulo ko sa tuhod ko at ipinikit ang mga mata.



"Shit" I heard the gate opened kaya napatunghay ako at nakita ko si Dave na may dala pang jacket sa kamay.



I wiped my tears once again and he was now sitting beside me. "Let's go home" hindi na ako umangal dahil tinulungan n'ya ako tumayo matapos ilagay sa balikat ko 'yung jacket na hawak n'ya.



Hindi agad ako nakatayo dahil sa lamig, nahihilo din ako. "Fuck" rinig kong mura n'ya bago ako iangat sa lupa. He's carrying me now.




Ipinikit ko ang mata ko dahil sa hilo. After ng ilan n'yang lakad ay naramdaman ko ang malambot na kama. I opened my eyes and I saw him covering me a comforter, inabot pa n'ya ang remote para sa heater.



Nang maramdaman n'ya siguro na sinusundan ko s'ya ng tingin ay napalingon s'ya sa akin. "Rest" he whispered. "Did you eat?" umiling ako bilang sagot.



"Damn it. Rest, we'll talk when you are finally okay" tumango ako at tuluyan na ipinikit ang mga mata.


Nagising ako dahil sa malamig na bagay  sa noo ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Dave, "Hey" he greeted and helped me to sit.


that evening (jungri ff)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon