"Bakit ba ang tagal ni Leam?" Reklamo ni Kris na kanina pa hindi mapakali kasi anong oras na.
"Nagmamake up pa siguro para may maakit na bebeboy sa kanya." wika ko.
Kasalukuyan kaming nag aantay sa plaza na dumating si Leam kasi unang araw ngayon ng pasukan sa kolehiyo. Sa wakas makakarelate na kami sa sinasabi nilang college life. Pero parang hindi maganda ang simula nito kasi late na kami.
"Hi guys! Lets go to CITU" Excited na sambit ni Leam na kakarating lang.
Nagkatinginan kami ni Kris at sabay na napairap dahil kay Leam. Wala na kaming oras magreklamo kaya dali dali kaming nag abang ng jeep at sumakay.
"Ang ganda talaga ng ating bagong unibersidad". Eksaheradang sambit ni Kris.
"Oo nga, ang ganda parang Central" pagbibiro ko sa dalawa.
Tumatakbo kaming tatlo papunta sa may bulletin board para makita kung saan kaming room naka assign. Pareho kami ng kurso na kinuha (Civil Engineering) kaya sabay kaming tumingin sa lista. Lumulundag kami sa saya ng napagtanto naming magkaklase kami. Salamat may cheatmates na naman ako.
Hinanap namin ang Room 3 dahil ito ang magsisilbing silid namin at ng nakita na ay agad kaming pumasok. Sinwerte kami na hindi pa nagsimula ang klase. Pagkaupo namin ay biglang pumasok ang isang napakapropesyonal tingnan na babae na may awrang pang guro.
"Good Morning everyone. Welcome to Cebu Institute Technology-University. I know that you came from different schools which made you unique with each other. I hope that you will slowly adjust in this new environment. Btw I will be your adviser in this school year. I'm Mrs. Gomez."
"Good Morning Mrs. Gomez." sabay na sabi naming magkaklase.
Hindi talaga mawawala ang introduce yourself sa unang araw ng pasukan kaya isa-isa kaming nagpakilala sa harap ng lahat. Ako ang huling nag introduce at ng pabalik na ako sa aking upuan, may biglang pumasok na lalaki na napakapamilyar sa akin.
"Good Morning Maam, Good Morning classmates. I'm sorry I'm late." hingal na hingal na sabi ng lalaki.
Nakanganga na napatingin sila Leam at Kris sa akin. Ako din ay naestatwa sa aking kinatatayuan dahil sa aking nakita. Bakit nandito na naman siya? Hindi to pwede. Kung kailan okay na ako magpapakita na naman siya sa akin? Hindi naging madali ang paglimot ko sa kanya at ngayon nandito na naman siya. Tanginang pag-ibig naman to Kupido.
Chaotic Twist of Cupid's Bow
@estoryaaaAbby
YOU ARE READING
Chaotic Twist of Cupid's Bow
Teen FictionHermione Anastasia Acain, a student who once had a relationship with his schoolmate Klein Aleir Ledezma. Everyone thinks that their love is perfect but Hermione decided to end their love story in an awful way. After they broke up, destiny always bri...