Chapter 5

36 7 40
                                    

Pagkatapos ng klase ay hindi kami agad umuwi kasi may binigay na activity si Maam Mendaros na dapat ipresenta bukas. Dahil malaki ang mga props na dapat kailanganin, pumunta kami sa gym at inilatag ang mga karton sa sahig na magsisilbing back drop sa aming role play.

Oo, role play lang ang mangyayari bukas at napaka effort na namin. Iba kasi sa aming paaralan, ang laki ng expectations ng mga guro at dapat talaga best work niyo ang ipapakita niyo sa harap ng klase. Kaya nga sabi ng lahat iba talaga ang training ng Compre (proud Comprehensian).

Umupo na ako at nagsimula ng gawin ang naka assign sa aking trabaho. Habang kinukulayan ko ang mga karton gamit ang pastel colors, lumapit sa akin si Kris na may dala-dalang ruler.

"Hermione, Tignan mo sino ang pumasok sa gym." pabulong na sambit ni Kris habang tinusok-tusok ako gamit ang ruler.

"Wag ka ngang madaldal diyan. Wala na tayong oras. Dapat bilisan na nating gawin to." sabi ko habang patuloy lang sa ginagawa.

Bumalik sa pwesto niya kanina si Kris. Habang pinagpatuloy kong kulayan ang karton ay biglang may narinig akong tunog ng bola na dinidribble sa aking likuran. Unti-unti akong nagagalit hindi dahil may naglalaro ng basketball kundi kasi yung mga alikabok ay nagliliparan na at magkakadumi na naman itong ginagawa namin.

Habang nakaukit sa pagmumukha ko ang galit ay lumingon ako at hindi napigilang napasigaw.

"Pwede bang huwag kayo ditong maglaro? Kita niyo bang may ginagawa kami dito?" sigaw ko.

Hindi ko masyadong maaninag kung sino yung mga naglalaro dahil nasa ibang ring sila at hindi din ako naka eyeglass ngayon. Alam niyo naman malabo na talaga ang mata ko. Walang sumagot sa akin kasi baka hindi nila ako narinig o nagbingi bingihan sila.

Tatayo na sana ako sa aking inuupuan para sugurin sila ngunit may lalaking lumingon sa akin pagkatapos niyang mag 3 point shot.

"Ba't mo kami papaalisin dito? Sa inyo ba tong gym?" sagot ng lalaki sa akin pero hindi ko pa din siya talaga makita.

"Hindi pero kami yung nauna dito." naasar kong sagot.

Lumapit sa akin ang president namin at pinakalma ako. Sinabihan niya ako na hayaan nalang sila kasi malapit na naman kaming matapos kaya wala akong ibang magawa kundi magpatuloy na lang para matapos na to at makauwi na ako sa bahay.

Kinuha ko ang mga pangkulay at ng aksyong papaupo na ako ay biglang may tumama sa aking likod. Nadapa ako sa karton dahil sa nangyari at nakita ko na lang na may isang lalaking tumatakbo sa direksyon ko para habulin ang bola na nakatama sa akin.

"Sorry, sinadya." sambit niya habang nakangiti.

Doon ko lang napagtanto na si Klein pala yon. Dahil sa inis ay ibinato ko ang pangkulay na nasa kamay ko pero nakailag siya. Tumakbo siya pabalik sa kanyang mga kalaro na para bang walang nangyari. Tatayo na sana ako ng biglang may umalalay sa akin.

"Miss, okay ka lang ba?" mahinhin na tanong sa akin ng babae na di ko kilala.

"Ay oo okay lang ako." sabi ko habang pinagpag ko ang aking mga damit.

"Pasensiya kana sa boyfriend ko. Halika tumayo ka na." sambit niya at inalalayan akong tumayo.

Napatitig at namangha ako sa pagmumukha niya. Ang ganda at ang puti niya. Sa kanyang pananalita din ay mukhang ang amo at ang bait niya. Swerte naman ng tarantadong Klein na yon. May nagtitiis na mahalin siya kahit hindi niya deserve makaramdam ng pagmamahal.

"Salamat." ito lang ang nasabi ko sa kanya.

"Nako wala yon. Niña pala. Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya habang nakalahad ang isang kamay.

"Hermione." sagot ko at kinamayan siya.

"Nice meeting you Hermione. Sige babalik na ako doon." nakangiti niya sabi.

Tumango lang ako sa kanya kaya umalis na siya at lumapit kay Klein. Nakita kong may dala-dala itong panyo at pinupunasan ang pawisang boyfriend pero umiiwas si Klein sa mga punas na ginagawa sa kanya. Napakawalang kwenta niya talaga.

Sa wakas natapos na din kami kaya binuhat namin ang mga props at inilagay sa aming silid para hindi ito madumihan at maulanan. Mag-isa nalang akong naglalakad sa daan pauwi ng may tumawag sa akin sa likod.

"Hermione." sigaw ng babae sa akin.

"Ikaw pala yan Lu. Bakit nandito ka pa?" tanong ko.

Siya nga pala si Lu. Magkaklase kami sa TVE (Computer System Servicing). Isa din siya sa matalik kong kaibigan dahil magkatabi kami ng unit sa computer lab. Hindi kami palaging magkasama dahil taga section Robin siya habang ako ay Mynah.

"May tinapos lang akong proyekto. Hindi ba..." hindi niya natapos ang kanyang sinabi kasi may biglang dumaan sa gilid namin.

"Klein! Dalhin mo bukas ang tinugon ko sayo ha." sambit ni Lu sa dumaan at napag alamang si Klein na naman.

"Wag kang mag-alala. Makakaasa ka sa akin." yun lang ang sagot ni Klein at naglakad ulit.

Kasama niya si Niña ngayon at nakita niya ako kaya nginitian ko siya. Magkasama silang naglalakad pero kung tignan mo sila ay parang hindi sila magka ano-ano. Nasa likod lang niya si Niña na nakayuko habang si Klein ay patuloy lang na naglalakad ng hindi lumilingon. Baka nag-away lang sila o may hindi pagkakaintindihan.

Pagkatapos naming mag-usap ni Lu ay nagpaalam na siya sa akin. Naglakad ako patungong kanto para mag-abang ng masasakyan. Madali lang akong nakasakay at nakadating sa aming bahay. Dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos ay humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Hindi ko alam pero ang bigat ng aking pakiramdam. Anong nangyayari sa akin? Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buong buhay ko. Ibig bang sabihin nito may nag-iba sa akin?

Chaotic Twist of Cupid's Bow
@estoryaaaAbby

Chaotic Twist of Cupid's BowWhere stories live. Discover now