Chapter 6

43 7 37
                                    

Klein's POV

Pagdating ko sa mall ay dumiretso kami ni Niña sa Chowking at nag-usap tungkol sa mga naging araw namin. Mahinhin siya pag nasa paaralan pero kung magkasama na kami ay napakatalakera niya kaya palagi lang akong nakikinig sa mga chika niya. Pinasyal ko din siya saglit para makabawi naman ako kasi late akong dumating sa date namin.

Pagkatapos nito ay hinatid ko siya sa kanto para makauwi na siya. Hindi kami magkasabay kasi ibang jeep ang sasakyan niya. Nauna siyang nakasakay kaya nagpaalam na kami sa isa't isa. Ako naman ay nag-antay pa ng ilang minuto pero kalaunay nakasakay na din at nakarating sa bahay.

"Kumain ka na anak." salubong sa akin ni Mama.

"Kumain na po ako sa labas Ma. Matutulog na lang ako." sagot ko kay Mama habang hinuhubad ko ang aking damit pang itaas dahil basa pa din ito sa ulan.

"Sige anak at magbihis ka na baka magkasakit ka pa diyan." sabi ni Mama.

Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis ng pantulog. Lumundag ako sa kama at ng papikit na ang aking mga mata ay tinawag ako ng nakababata kong kapatid na si Sed.

"Kuya? Ba't daw ang basa ng bag mo? May dala ka naman dawng payong." sabi sa akin ni Sed.

"Nakalimutan ko." palusot ko.

Napakabasa talaga ng bag ko. Inuna ko kasing hindi mabasa yong bag ng babae at pinanindigan ko nalang dahil ako naman ang nag-alok sa kanya ng tulong. Huli na din ng napagtanto ko na nakalimutan ko palang iharap ang bag ko para hindi mabasa.

"Anak, gumising ka na. Anong oras na mahuhuli kana sa klase niyo." rinig kong sigaw ni Mama habang niyuyugyog ako.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ng nakita ko ang orasan ay 6:30 AM na pala. Tumayo ako agad at tumungo sa cr para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako at nagpaalam na kay Mama. Hindi na ako nakapag almusal dahil 7:00 AM ang klase namin.

Umabot ako sa oras sa aming klase. Ang daming naganap ngayong umaga. May bellworks, exam, at reporting na hindi ko masyadong naintindihan kasi gutom na ako. Hindi pa naman ako nakakain kaninang umaga.

Lunch break na at mag-isa akong tumungo sa canteen dahil sumasakit na ang aking tiyan sa gutom. Nadismaya ako dahil ang taas ng pila. Babalik nalang sana ako ng silid para humingi nalang ng pagkain kay Khen ng nakita ko ang babaeng suplada na malapit na sa pila. Diretso akong naglakad patungo sa kanya at tumayo sa unahan niya. Natabig ko siya pero wala akong pake kaya nanatili lang akong pumila.

"Doon ka nga sa likod. Kanina pa kaya kami dito at gutom na gutom na kami. Hindi ka ba naaawa sa mga nagsikap pumila at ikaw ay sumiksik lang?" galit na sabi niya ng hindi ko siya nililingon.

"Huwag ka ng maingay kasi baka mahalata nilang sumiksik lang ako. Huwag ka ding mag galit galitan diyan dahil ako dapat ang magalit sayo kasi late ako kahapon dumating sa date ko." sagot ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa at tumayo nalang sa likod ko. Ilang sandali pa ay nakabili na ako ng kanin at adobo. Kinuha ko ang mga pagkain at bumalik agad sa aming silid. Gutom na gutom na talaga ako kaya diretso lang akong naglakad pabalik.

Last subject na namin ngayon pero sinabihan kami ng aming kaklase na hindi papasok si Maam dahil nagkasakit daw. Aminin niyo sumasaya tayo pag nagkakasakit sila dahil another free time na naman. Its okay, marami tayong masasama ang ugali.

Dahil hindi papasok ang aming guro, natulog ako saglit sa upuan ko. Ang sarap ng naging tulog ko pero biglang naputol ito kasi sumigaw ang isa kong kaklase. Naglalaro pala sila ng 3 cards kaya tumayo ang aming president at pumunta sa harapan.

"Section Robin. Wag kayong maingay kasi may klase pa ang section Mynah at si Maam Mendaros pa ang nandoon. Mapapagalitan talaga tayo ng adviser natin pag hindi kayo nakinig." kalmadong sabi ng aming mabait na president.

Chaotic Twist of Cupid's BowWhere stories live. Discover now