Chapter 8

47 6 32
                                    

Nagkukwentohan kami ngayon nila Leam at Kris tungkol sa napanood naming pelikula kagabi. Tumitili at kinikilig kaming tatlo na may pahampas hampas pa na nalalaman. Ang ingay talaga namin na para bang kaming tatlo lang ang nasa silid at wala kaming pakialam na sitahin kami ng iba.

Tumatawa pa rin kami na para ng mga baliw at nagambala ito dahil may biglang tumawag sa akin.

"Hermione, may humahanap sa yo." sabi sa akin ng isa kong kaklase.

Iniwan ko muna sila Leam at Kris at lumakad na papunta sa pintuan. Nakita kong may babae na nakatayo na tila ba hinihintay ako.

"Ikaw ba si Hermione?" tanong sa akin ng babae na napagtanto kong president pala ng section Robin.

"Oo, bakit po?"

"Pinapatawag ka kasi ni Maam Mendaros. Sabi niya pumunta ka daw sa silid namin dahil may sasabihin siya sayo." mahinhin na paliwanag niya kaya sumunod na ako patungo sa kanilang silid na magkatapat lang naman sa amin.

Nasa pintuan palang ako ay nakita ko na si Maam Mendaros na nakaupo sa harap. Kahit na nandito siya ay maingay at pagala gala pa din ang kaniyang mga estudyante. Pinagsamantalahan nila ang kabaitan ni Maam kaya ginagawa lang nila ang mga gusto nilang gawin.

"Good Morning Maam." bati ko at dahan-dahang pumasok na sa loob ng silid.

"Halika dito." sabi ni Maam habang inialay sa akin ang bakanteng upuan na nasa tapat niya.

Umupo na ako kaya magkaharap na kami ngayon ni Maam Mendaros. Habang nagsasalita siya ay napansin kong hindi siya diretsong nakatingin sa aking mga mata at parang may kinakausap siyang iba sa aking likuran. Ngumingiti at kumikindat siya sa tinitignan niya sa aking likuran pero hindi ko lang ito pinansin at nakinig nalang sa mga pinagsasabi niya.

"Ms. Acain, I heard from your classmates that you're a great dancer so I've decided that you will be the one that I'll assign in handling your section." paunang sabi ni Maam Mendaros sa akin.

"For what event Maam?" osyoso kong tanong.

"Next month will be our Intramurals. As its fast approaching, we will start already our dance practice tomorrow at the gym after class. So to represent our grade level, I merged the two pilot sections (Mynah and Robin) since this are the only sections that I'm handling." pagpapaliwanag ni Maam sa akin.

"Then how can I help for this event Maam?"

"You will be the one who will manage your class and check their attendance during practice hours. Tell your.." hindi ko narinig ang karugtong ng sasabihin ni Maam dahil tinapik niya ako at pinalingon.

Sa paglingon ko ay nakita kong nasa likuran ko pala si Klein na katabi si Khen.  Kilala ko si Khen dahil isa siya sa mga bulabog dito sa section Robin. Pareho silang nakatingin sa akin ngunit si Klein lang ang ngumiti. Nagtaka ako kung ba't niya ako nginitian kaya inirapan ko nalang siya at binalik ang atensyon kay Maam Mendaros.

"Ano nga yon Maam?" sabi ko para ipagpatuloy niya ang kanyang sasabihin. Natawa pa si Maam saglit bago nagsalita pabalik.

"Ms. Acain, tell your classmates about the upcoming event and the presentation once you go back to your room. Tell them also to ask permission to your parents because all of you might go home late due to our practice." huling wika ni Maam sa akin.

Sumang-ayon ako sa inalok sa akin ni Maam at dahil tapos na kaming mag-usap ay tumayo na ako para bumalik na sa aming silid. Naglakad na ako palabas ng bigla kong maalala na kaarawan pala ni Mama bukas.

Napahinto ako sa pinto ng aming silid dahil nag-isip isip ako kung ano ang gagawin ko. Hindi pwedeng wala ako sa araw ng pinakamamahal kong ina at di rin pwede na wala ako sa practice dahil ako ang inatasan ni Maam sa aming klase.

Chaotic Twist of Cupid's BowWhere stories live. Discover now