Chapter 2

61 11 33
                                    

"Anong nangyari sa mukha mo? Ba't parang sasabog ka na?" bungad sa akin ni Kris pagkadating ko sa silid ng Gr.8-Mynah. Oo nga pala, grade 8 students kami pero kung makapagsalita parang kakagraduate lang sa prep.

"Wala, may nakasabay lang akong tarantado sa jeep. Teka lang nasaan ba si Leam? Bakit hindi kayo magkasama?" pag-iiba ko ng usapan.

"Nag cr siya. Alam mo naman buhay non. Hindi kayang matiis basta walang liptint na parang hinilamos na sa mukha sa sobrang pula." sagot niya.

Pagkarating ni Leam galing sa cr ay saktong pumasok din ang aming guro sa AP. Gustong gusto talaga namin itong asignaturang ito dahil walang pake ang aming guro. Tamang reporting lang at basa sa libro ang palagi niyang pinapagawa sa amin habang siya ay umuupo lang sa gilid at umiidlip. Hindi naman namin siya masisisi dahil medyo may katandaan na din siya.

Dahil nga wala siyang pakialam, nagmistulang palengke ang aming room. Sigaw doon, sigaw dito at ang iba pa ay humihiga sa sahig at ginawang banig ang karton. Sa sobrang ingay namin ay biglang nagising ang feel at home naming guro.

"Hoy Mynah! Bakit ang ingay niyo? Kita niyo bang nandito ako sa harapan? Akala niyo siguro no na natutulog ako? Hindi ako natutulog, nagbabantay ako sa inyo." pasigaw na sabi ni Maam Fey.

"May nagbabantay ba na nakapikit ang mga mata?" mahinang sabi ko kay Leam na katabi ko ngayon.

"Ewan ko sa matandang yan. Hindi na nga nag didiscuss, palagi pang nangsesermon." sagot ni Leam.

Bigla kaming natawa dalawa dahil sa aming pinag uusapan ng hindi namin namamalayan na nakatitig na pala ang aming guro sa amin. Umupo kami ng maayos at sa sobrang hiya ay yumuko nalang kami.

"Why are you laughing?" tanong sa amin ni Maam Fey.

Hindi nalang kami sumagot sa kanya kasi baka mas magalit pa siya. Ang tanging nagawa lang namin ay tumahimik habang tinitigan ng buong klase na para bang may karumal dumal na krimen kaming ginawa.

"Why are you not responding? Do you know everything already that's why you don't listen to me? If you think you are knowledgeable enough, then don't come to my class. Now go out both of you. Ang yayabang, kala mo kung sino." galit na sigaw sa amin ni Maam Fey.

Dahan dahan naming kinuha ang mga nagkakalat na gamit at lumabas nalang kami ni Leam sa aming silid kahit labag sa aming kalooban dahil baka bagsakin pa kami. Para mahimas-masan ay pumunta nalang kami sa canteen at tumambay para hintayin si Kris dahil last subject na namin yun.

Magkasama na kaming tatlo ngayong lumalakad patungong plaza. Tinutukso kami ni Kris dahil sa nangyaring kahihiyan kanina. Todo tawa talaga siya at binalewala lang namin siya ni Leam. Hindi niya siguro alam na mas nakakahiya kaya yung nakadumi sa sariling panty.

Gaya kahapon ay kumain na naman kami ng kwek kwek. Sa gitna ng aming pag uusap habang kumakain ay biglang tumulo ang ulan at kalaunay bumagsak ng napakalakas. Nagsitakbohan ang lahat at kaming tatlo ay tumungo sa isang bakeshop para magpasilong. Basang basa kami na kulang nalang ay gamitan ng sabon.

"Hindi na masyadong malakas ang ulan. Pwede na tayong dahan-dahang maglakad dahil dumating na si Papa sa Shell para sunduin tayong dalawa Kris." sambit ni Leam kay Kris kasi iisa lang sila ng lugar.

"Sige, una na kayong dalawa. Maghihintay nalang akong mawala na talaga to kasi wala akong dalang payong." sabi ko sa kanila habang pinupunasan ang basa kong mukha gamit ang aking panyo.

"Gusto mo bang ihatid ka namin sa kanto?" alok sa akin ni Leam kasi may dala pala siyang payong  pero hindi niya ginamit kanina para fair daw na mabasa kaming tatlo.

"Wag na. Malapit na naman tong tumila eh. Sige na una na kayo. Bye and see you tomorrow." pamamaalam ko sa sa kanila.

"Ikaw na nga ang tutulungan, hihindi kapa. Sige bye bahala ka diyan." supladang sagot ni Kris.

Umalis na sila at naiwan nalang akong mag isa. Nakatayo lang ako at nilalaro ang ulan gamit ang palad ko. Kung kanina ay mahina na ang ulan, ngayon ay bigla itong bumuhos ulit na parang galit na galit ang kalangitan.

"Ano ba yan. Ba't ba lumakas ka pa? Wala pa naman akong payong. Sana nagpahatid nalang ako kina Leam at Kris sa may kanto para makasakay na ako dahil dumidilim na." bulong ko habang niyayakap ko ang aking sarili dahil sa ginaw.

"Gusto mo bang sumabay?" rinig ko sa aking likuran ngunit hindi ko ito nilingon kasi wala naman akong kasama.

"Hoy, gusto mo bang sumabay or hindi?" sigaw sakin ng isang lalaki. Teka lang, parang pamilyar sakin to ah. Oo ngaaa. Siya yong nakasira ng umaga ko. Ba't ba palagi itong sumusulpot?

"Ha? Ako ba kausap mo?" pag maang-maangan ko.

"Hindi ba halata? Bahala ka na nga diyan. Ikaw pa ang inaalok, ang arte mo pa." sabi niya at tsaka binuksan ang basa niyang payong ng walang ingat kaya tumalsik sa akin ang lahat ng tubig.

"Langya kaaaaaa!" reklamo ko at inilabas ulit ang panyo para punasan na naman ang sarili.

Ngiting nakakaasar na naman ang binigay niya sakin at ng aakmang lalakad na siya, hindi ko inaasahan ang lumabas sa bibig ko.

"Ahmm teka langggg. Pwede bang pa share ng payong mo kahit sa kanto lang? Anong oras na kasi baka wala na akong masakyan." pagpapacute kong sabi sa kanya.

"Oh diba, wag kana kasi mag inarte kung may mag aalok sayo at tsaka wag kang mag pa cute diyan kasi nagmukha ka lang dagang basa." pang aasar niya.

"Aw sige una ka nalang. Nawalan na ako ng ganang humingi ng tulong sa isang tulad mong walangya." sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Halika na kasi." Bigla niya akong hinatak at nagdikit ang aming mga balikat kaya hindi ako nakagalaw at natulala sa kanyang ginawa.

Nagsimula na kaming maglakad ng walang nagsasalita. Napakalapit na niya sa akin na naaamoy ko na ang pabango niya dahil maliit lang ang payong niya. Infairness ang bango niya. Napatitig din ako saglit sa kanyang mukha. Sayang, gwapo sana siya kaya lang napaka attitude.

"Hindi ba nababasa yang bag mo sa iyong likod?" sabi niya para basagin ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"Basa, pero okay lang. Wala naman tong masyadong laman. Feeling scholar here." sagot ko.

Bigla siyang tumigil sa gitna ng plaza at hinablot niya ang bitbit kong bag. Inilagay niya ito sa kanyang harapan at nagpatuloy lang sa paglalakad na para bang walang nangyari. Hindi na din ako nagreklamo kasi may mga papeles talaga don na importante sa bag ko.

Malapit lang naman ang kanto na sinabi ko kaya nandito na kami ngayon. Sumilong muna kami malapit sa mall. Kinuha niya ang bag ko na nakalagay sa kanyang harapan at isinauli sa akin.
Nagtaka ako ng biglang naglakad siya papalayo sa akin dahil pareho lang naman kami ng sasakyang jeep.

"Diba 01K ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya ng medyo pasigaw dahil patuloy lang siyang lumalakad.

"Oo pero may pupuntahan muna ako." sabi niya.

"Ah sige, salamat palaaaa." sumigaw na ako dahil malayo na talaga siya.

Itinaas niya lang ang kamay niya at nag okay sign. Hindi man lang ako nilingon. Tingnan niyo, maypagka suplado talaga to.

Chaotic Twist of Cupid's Bow
@estoryaaaAbby

Chaotic Twist of Cupid's BowWhere stories live. Discover now