Chapter 1

65 12 17
                                    

"Bagbagto, bagbagto-lambik. Tulambik, tulambawikan. Bawikan, bawikalanay. Kalanay, kalanapunay." Yang kanta na yan lamang ang maririnig mo sa aming classroom kasi nga mag ooral si Maam Cabs sa MAPEH.

"Hoy Hermione", tawag sa akin ni Leam.

"Bakit ba? Nawala tuloy ako sa aking kinanta. Bagbagto, bagbato-lambik. Tulam.." napahinto ako kasi hinampas ni Leam ang ulo ko.

"Wag ka na kasing kumanta. Kakasabi lang ng ating president na may meeting daw si Maam kaya hindi matutuloy ang oral recitation." tugon niya na patuloy pa din akong hinahampas.

"Talaga ba? Sige tambay muna tayo sa labas. Tawagin mo si Kris."

Pagkatapos tawagin si Kris ay lumabas kaming tatlo sa classroom at nagpahangin. Kapag magkasama talaga kaming tatlo, walang humpay ang aming tawa kasi kahit ano-ano lang ang aming pinag-uusapan.

"Leam! Naaalala mo ba nung sinamahan mo si Kris na dumumi tapos habang naglalakad siya papuntang cr ay nakadumi siya sa kanyang panty?" pagsisimula ko.

"Oo nga wala talaga siyang hiya at hiniram pa ang shorts ko kaya umuwi nalang akong nakapanty." suportadong sambit ni Leam.

"Tigilan niyo na nga ako. Ba't niyo ba palaging inuulit yan. Oo na ako na ang nakadumi sa aking panty hay nako." napipikon na sabi ni Kris.

Bungisngis kaming tatlo na tumatawa ng binabalikan namin ang mga kababoyan na nangyari sa buhay ni Kris. Ang saya talaga basta may kaibigan kang may ganyang pangyayari sa buhay at palagi niyong sinasambit para sila ay mainis.

Alas 5 na ng hapon kaya uwian na. Magkasama parin kaming tatlo at bago kami umuwi ay kumain muna kami ng kwek² sa plaza. It's one of our fave food to eat kasi mura lang at masarap pa. Pagkatapos naming kumain ay naghiwalay na kami para umuwi sa kanya-kanyang bahay.

Dali dali akong pumasok sa aking kwarto para mag aral sa exam namin bukas. Masipag talaga ako mag aral kahit na mukha akong pabaya. Consistent honor student ako. Talented and gifted din kasi kaya kong kumanta, sumayaw, at magdrawing. Hindi ko sinasabing magaling ako ha, kaya ko lang.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang nag-aaral at pagkagising ko ay 6:30 AM na kaya dali dali akong naghanda at lumabas ng bahay.

Dahil nga nakatulog ako kagabi, hindi ako nakapag aral ng maayos kaya napagdesisyonan ko na ipagpatuloy ito sa jeep. Habang nagbabasa ako, biglang nalaglag ang libro na hawak ko ng dahil sa isang demonyo na tumapik sa aking braso. Tinignan ko siya ng masama kaso wala siyang pakialam sa nangyari sakin at patuloy lang na nakikinig sa kaniyang headset. Kinuha ko ang libro at pinagpag ito malapit sa mukha niya kaya yun umubo siya kasi sa kanya lahat pumunta ang mga alikabok.

Bigla kaming nagkatinginan pero hindi ako nagpatinag at tinaliman ko siya ng tingin. Tinawanan lang ako ng gago kaya talagang nag init ang ulo ko. Kasi nga nasa public vehicle kami, hindi na lang ako nagsalita kasi baka ano pa ang masabi ko.

Binaba ko ang tingin ko para basahin ulit ang aking notes sa libro ng aksidente kong nasulyapan ang ID niya. Sadya kong tinignan ang kanyang pangalan para hindi ko makalimutan ang nakasira sa araw ko ngayon. Kasi nga umaandar ang jeep, hindi ko makita ng maayos ang ID niya at isa pa malabo na rin ang aking mga mata. Umabante ako ng kaunti sa aking kinauupuan at ng malapit ko ng makita ang kanyang pangalan, bigla niyang kinuha ang kanyang ID at inilapit sa aking mukha.

"Oh ito na. Klein Aleir Ledezma ang pangalan ko and you can call me Klein. Sana tinanong mo nalang para hindi kana nahirapan. Kanina kapa mukhang timang diyan." mayabang na sabi niya.

"Anong pake ko?", pag iinarte ko.

"Sus, pake daw. Crush mo ko siguro no?"

"Wtf, hindi ako magkakacrush sa mga tulad mong walang respeto." galit na talaga ako.

Bwesit tong gagong to ah. Ang kapal talaga ng mukha niya. Ang haba pa ng araw ko pero sira na dahil sa kanya.

Chaotic Twist of Cupid's Bow
@estoryaaaAbby

Chaotic Twist of Cupid's BowWhere stories live. Discover now