Pagkarating ko sa bahay ay agad akong uminom ng tubig at naligo dahil basang-basa ako sa ulan at baka magkasakit pa ako. Binuksan ko din ang bag ko at inilabas ang mga libro, papel at notebook na naulanan pero hindi naman masyadong basa dahil kinuha ito ng lalaki sa akin. Tinutok ko ang mga basang gamit sa electric fan para unti-unting matuyo.
Nang akmang hihiga na ako sa aking kama, biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko ay nagchat pala sila Leam at Kris sa aming gc.
Leam: Hermione, nakauwi ka na ba?
Kris: Oo nga. Baka nasa bakeshop ka pa ngayon ha kasi sabi mo hihintayin mong titila ang ulan.
You: Huwag kayong mag-alala. Nasa bahay na ako at magpapahinga na sana kaso dinisturbo niyo ako.
Kris: Nag-aalala lang kami sayo kaya nagchat kami pero teka lang, paano ka nakauwi? Ang lakas pa kaya ng ulan at sabi mo wala kang payong?
You: May nag-alok sa akin na ihatid ako sa kanto. Dahil dumidilim na at baka hindi na ako makasakay, nagpahatid nalang ako.
Leam: Halaaaaaa! Lalaki ba ang naghatid sayo?
Kris: Gwapo baaaaa? Kilala mo ang pangalan?
Leam: Nakakaexciteeee! Bilisan mong magreply. Haba ng hair mo Hermione.
You: Oo kilala ko. Klein daw pangalan. Siya yong tinutukoy kong sumira ng araw ko kaninang umaga dahil sa ginawa niya sa akin sa jeep.
Bigla kong napagtanto na sinira niya talaga ang araw ko kanina sa jeep pero siya din ang tumulong sa akin para makasakay na ako bago pa dumilim.
Leam: Whattt? Si Klein? As in Klein Aleir Ledezma? Yung taga section Robin?
You: Oo yan.
Kris: Ang gwapo kaya niyan. Magaling nga yang mag basketball at matalino pa. Ang swerte mo naman Hermione. Sana all.
Leam: Kaya lang may girlfriend.
You: Anong pake ko? Hindi ko naman yun type. Hindi kasi marunong rumespeto. Sige na matutulog na ako.
Pinatay ko na ang aking cellphone at nilagay ito sa tabi ko para makagising ako sa aking alarm. Tulog mantika kasi ako.
Maaga akong pumasok dahil wala pa pala akong assignment. Pagdating ko sa room ay nakita kong nandiyan na sila Leam at Kris na umiikot para makahanap ng makokopyahan. Pagkakita nila sa akin ay tinawag nila ako at pinakopya din. Diba friendship goals.
Discussion lang ang nangyari sa morning sched namin. Nakakatamad talaga basta walang activities na nagaganap kaya pasok sa kaliwang tenga at lalabas lang sa kanan ang nangyayari sa mga leksyong tinuturo.
Dahil lunch time na, pumunta kaming tatlo sa canteen. Nadatnan namin ang napakataas na linya na para bang may sale sa isang store. Wala kaming ibang nagawa kundi pumila nalang at tahimik na nag-antay.
Ilang minuto palang kaming nakatayo, may biglang sumiksik sa unahan ko. Napaatras ako dahil natulak ako sa ginawa niya. Kapal naman ng mukha, kanina pa kami dito at ang dali-dali lang niyang sumiksik sa linya. Hinampas ko ang braso niya at sa kanyang paglingon, mas nag-init ang ulo ko kasi siya na naman.
"Doon ka nga sa likod. Kanina pa kaya kami dito at gutom na gutom na kami. Hindi ka ba naaawa sa mga nagsikap pumila at ikaw ay sumiksik lang?" galit na sabi ko sa kanya habang nakapamewang.
"Huwag ka ng maingay kasi baka mahalata nilang sumiksik lang ako. Huwag ka ding mag galit galitan diyan dahil ako dapat ang magalit sayo kasi late ako kahapon dumating sa date namin ng girlfriend ko."- sagot niya na hindi ako nililingon.
Hindi nalang ako umimik kasi nakonsensiya ako bigla. Una siyang umalis at ng pabalik na kami sa room ay nang-asar na naman tong mga walang kwenta kong mga kaibigan.
"Yiee Hermione! Nagdadalaga na." wika ni Leam habang kinukurot ako.
"Canteen lovers". kinikilig na sabi ni Kris.
Binilasan ko ang aking paglakad dahil napipikon na ako sa dalawa. Narinig ko lang silang tumatawa sa likod at patuloy na tinatawag ang pangalan ko.
Pagkarating namin sa silid ay kumain na kami at pagkatapos ay klase na naman. Habang nagsasalita ang aming guro ay iniisip ko pa din ang sinabi sa akin ni Klein kanina. Ano ba yan? Nakasira ako sa date nila kahapon. Sana hindi nalang ako pumayag sa alok niya.
Habang iniisip ko yon ay tinapik ako ni Kris. Natauhan ako at napagtanto na kanina pa pala ako tinatawag ng aming guro. Dahan-dahan akong tumayo at diretsong tinitigan si Maam Mendaros.
"Ms. Acain? Kanina pa kita tinatawag. Bakit ba napakalutang mo ngayon at napakatulala mo? Ano ba kasi ang iniisip mo?"- kalmadong tanong sa akin ni Maam.
"Maam. Dapat po ang tinanong mo ay sino ang iniisip niya." sabi ni Kris kay Maam Mendaros dahil barkada vibes lang siya at sumasabay sa mga kalokohan ng mga estudyante niya.
"Sige uulitin ko. Acain? Sino ba ang sumasagabal sa isipan mo?" nakangiting tanong sa akin ni Maam.
"Si Klein po Maam. Klein Aleir Ledezma, yung taga section Robin po, advisory at estudyante mo." sagot ni Leam at dahil doon ay umingay ang aming room dahil sa kanilang mga tili.
"Hindi po yan totoo Maam. Tinutukso lang nila ako at bakit ko naman iisipin si Klein? Kapal naman niya." napasigaw ako dahil sa inis.
Pagkatapos kong dinipensahan ang sarili ay napasinghal ako. Uupo na sana ako ng bigla kong nasulyapan si Klein sa labas ng aming room. Magkatapat lang naman ang aming silid dahil pilot section ng ikawalong baitang ang Mynah at Robin sa Mandaue City Comprehensive National Highschool (Compre) kaya makakadaan talaga siya dito.
Nakatayo lang siya sa labas habang nakapamulsa at tumititig sa banda ko. Lumingon ako sa aking likod para mapag alaman kung ano ang tinitignan niya at sa pagtalikod ko ay wala namang ibang tao don. Tinuro ko ang aking sarili at napailing lang siya. Naglakad na siya pagkatapos at tila bang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.
Ba't siya nakasmirk? Narinig kaya niya ang tukso ng aking mga kaklase at ang pagdidepensa ko sa aking sarili habang sambit ko ang pangalan niya? Nakoooo! Baka ano ang isipan niya. Hindi pwede toooooo.
Chaotic Twist of Cupid's Bow
@estoryaaaAbby
YOU ARE READING
Chaotic Twist of Cupid's Bow
Teen FictionHermione Anastasia Acain, a student who once had a relationship with his schoolmate Klein Aleir Ledezma. Everyone thinks that their love is perfect but Hermione decided to end their love story in an awful way. After they broke up, destiny always bri...