Chapter 3

52 6 30
                                    

Klein's POV

Alas 4 palang ng umaga ay gumising na ako. Maaga talaga akong gumigising kahit na may pasok pa dahil may karenderya kami at tinutulungan ko si mama na mag asikaso sa mga ititindang ulam.

"Nak, ilagay mo na to sa lamesa sa labas para makabili na ang mga suki natin." utos ni mama.

"Sige ma. Ako muna ang magbabantay. Magpahinga ka muna." tugon ko.

Lumabas na ako at inayos ang aming mga panindang ulam. May adobo, hotdog, gulay, isda at iba pa. Saktong pagkatapos ko ng pag-aayos ng mga tinda ay may ale na dumating.

"Iho, magkano tong isda niyo?" tanong ng ale sakin.

"25 pesos lang po isang piraso." sagot ko.

"Sige pabili nga ng isa." sabi ng ale habang kumukuha siya ng pera sa kanyang pitaka.

Kumuha ako ng pambalot para sa isdang bibilhin niya at dahil nakapalupot ang plastik ay hinipan ko ito. Nagulat ako kasi tinignan ako ng ale ng masama.

"Nako iho, ba't mo hinipan yung plastik? Baka sumama yung laway mo at madudumihan ang binili ko." sabi niya ng nakataas ang isang kilay.

"Sorry po. Papalitan ko nalang po ang isda at ang plastik. Pasensiya na po talaga." pagmamakaawa ko.

"Wag na. Sa susunod, huwag mo ng ulitin yon dahil baka wala ng bibili dito. Sige na akin na yan." sabi ng ale at hinatak ang plastik na may lamang isda.

Hindi agad naproseso sa aking utak ang nangyari. Alam ko namang may nagawa akong mali pero diba noon okay lang naman yun? Hindi naman sa salaula ako pero ginagawa talaga yun ng lahat noon at ngayon lang may mga taong nagrereklamo.

Nawala ako sa mood ng dahil sa nangyari kanina. Di ba ang bigat sa pakiramdam na may sumisermon sayo kahit na hindi mo naman kilala yung tao at kahit na pilit mong hindi ito isipin, hindi talaga napipigilang may part na nakakadown ng mood.

Dahil malapit na ang oras ng aking klase, tinawag ko na si mama para pumalit sa akin sa pwesto. Naligo, kumain at nagbihis lang ako at pagkatapos ay pumunta na sa daan upang mag-abang ng jeep.

Rush hour na ngayon dahil natagalan akong umalis ng bahay kasi gusto ko talagang makapagpahinga muna si mama kahit na saglit lang. Matagal akong nag-abang ng masasakyan at kalaunay sinwerteng mayroong jeep na huminto sa tapat ko. Kitang kita sa kinatatayuan ko na masikip na ang loob nito pero sumiksik pa din ako kasi mahuhuli na ako sa klase.

Pagpasok ko ay dikit-dikit na ang mga pasahero at dahil don ay aksidente kong natamaan ang braso ng isang babae. Hindi ko lang yon pinansin dahil hindi ko naman kasalanan na masikip tong jeep na to. Nalaglag ang kaniyang libro at padabog na kinuha ito ng babae. Bigla niyang pinagpag sa harap ko ang libro kaya sa akin lahat pumunta yung mga alikabok at napaubo ako.

Tinignan ko siya ng masama at hindi din siya nagpatinag at tinaliman ako ng tingin. Dahil sa ginawa niya, napatawa ako ng palihim. Pinagpatuloy ko lang ang pakikinig ko sa aking headset. Maya-maya pa ay napansin ko na may tinitignan ang babae sa ibabang parte ko. Akala ko yung akin na ang tinitignan niya. Baka manyak to ha. Hindi lang kaya mga babae ang minamanyak, kami ding mga lalaki.

Hindi ko muna pinapahalata na alam ko na tinitigan niya ako pero bigla siyang umabante sa kanyang upuan at doon ko nalaman na ID ko pala ang gusto niyang makita. Bago niya pa isubsob ang mukha niya ay kinuha ko ang ID ko at iniharap ito sa kanya.

"Oh ito na. Klein Aleir Ledezma ang pangalan ko and you can call me Klein. Sana tinanong mo nalang para hindi kana nahirapan. Kanina kapa mukhang timang diyan." pang-aasar ko.

"Anong pake ko?" sabi ng babae. Waw, kung makapagsalita naman to. Halos imudmod na nga niya yung mukha niya para lang makita ang pangalan ko.

"Sus, pake daw. Crush mo ko siguro no?" pagmamayabang ko.

Chaotic Twist of Cupid's BowWhere stories live. Discover now