SE|19 pt. 2

96 11 0
                                    

After 2 months...

•••••»

Ally • 7:44 PM

Ally:
Hoy babae kailan ka uuwi?
Miss na kita T_T

Ally:
Ang tagal mo ng
walang paramdam oh

Ally:
Wala akong masabihan
ng rants ko eh

Ally:
Elle please kahit
seen lang naman oh!
Tangena daya mo naman eh T_T

Ally:
Palaging tinatanong
sa'kin ni Gab kung okay ka.
Palagi rin siyang
nanghihingi ng sorry sayo...

Ally:
:)
Seen

•••••»

Pinipigilan kong huwag umiyak habang binabasa ang mga message sa'kin ni Ally kagabi. Palagi niya akong mine-message simula nung umalis ako, miss na miss ko na rin sila. Hindi pa ako okay eh, pero sabi nga nila "It's okay not to be okay."

Ewan ko ba! Tanggap ko na kung ano mang nangyare sa nakaraan eh, pero hindi parin ako sigurado kung itutuloy ko pa ba? Mas lalo akong napigil dahil sa sinabi ni Ally na lagi daw humihingi ng sorry si Gab sa'kin. Siguro hanggang ngayon sinisisi parin niya yung sarili niya dahil naghiwalay kami ni Nathan? Wala na naman sa'kin 'yon dahil kung may sisisihin man dito ay si Nathan 'yon na hindi marunong makuntento sa isang babae!

Kating-kati narin ako umuwi eh! Pero siguro hindi pa sapat ang dalawang buwan dahil pakiramdam ko nawawala parin ako. Hayst!

Nilingon ko ulit ang phone ko nang mag-vibrate Ito.

Gabriella sent you a message!

View | Decline

Gabriella:
Sorry.

Gabriella:
Pakiramdam ko kasi kasalanan ko
kung bakit ka nasasaktan ngayon eh

Gabriella:
Huwag kang mag-alala dahil
hindi naman kita kukulitin na magreply.

Gabriella:
Hindi rin kita kukulitin
na umuwi na
dahil alam kong
kailangan mo ng time sa sarili mo.

Gabriella:
Andito lang ako, hihintayin Kita.

Gabriella:
I love you, always remember that.

•••••»

Napangiti ako ng tipid habang binabasa ang message niya. She's still the same.

Ngayon nakapag desisyon na ako. Susugal ako, sigurado na ako, even it's to risky at maraming tututol. Feelings ko naman 'to eh!

•••••»

Elle:
Kung gusto mo 'kong makita
itanong mo kay Kevin kung nasaan ako.

Elle:
I love you too.
Seen

•••••»

To be continued

Soulmate ExesWhere stories live. Discover now