"𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐓𝐚𝐨"
Isang araw habang pauwi si Hannah galing sa paaralan, ay bigla siyang may nakitang pusa sa daanan. "May pusa waahh ang cute nya." Ani ng bata, at agad naman nya ito pinulot sa daan. "Sino kaya may ari sayo?" Tanong neto sa pusa pero alam niyang hindi ito sasagot.
Pag kauwi niya sa kanyang bahay ay agad naman niya narinig ang mga sigawan ng kanyang mga magulang. "Lasing ka nanaman?!" Sigaw ng ina sa kanyang asawa.Di na nya ito pinansin at umakyat na lang sa kanyang silid. "Ano kaya magandang ipangalan sayo?" Napa isip ang bata. "alam ko na! Hope whihi" sabi nito at niyakap nya ang kanyang pusa.
Pag kagising ng bata ay agad bumungad ang kanyang ina na galit na galit. "Ikaw na bata ka saan ng galing ang punyetang pusa nato ah?!" Sigaw ng ina sa bata. "sa tabi lang po nay" saad ng bata sa magulang. "Itapon mo yan Hannah alam mo naman na may allergy ako sa pusa diba." Saad nito. "Ayaw!" Galit na sabi ni Hannah at umakyat sa kwarto.
Pag kalipas ng maraming araw ay inaalagaan nya ito hanggang sa minahal nya ito ng lubusang. Ngunit isang araw ay pauwi na siya sa kanilang tahanan ay nakita niyang lumabas si Hope sa kanilang bahay at tumawid ang kanyang pusa ng biglang may dumaan na malaking sasakyan at nasagasaan ang pusa.
Nakita ni Hannah kung paano dumanak ang dugo nito. Nakita niya na lang na biglang humarurot paalis ang taong nakasagasa kay Hope. Nilapitan niya ang pusa habang umiiyak "Hope! Gising. Hindi pwede to. Hindi pwedeng mawala ka. Paano na ako? " Nanginginig ang kamay ng bata habang buhat buhat si Hope.
Pumunta si Hannah sa bakuran at nilibing niya si Hope sa bakanteng lupa at inalayan niya ng bulaklak. Hinang hina siyang pumasok sa kanyang silid at naglock ng pinto. Pagkalock niya ng pinto, narinig niya ulit ang pag-aaway ng kanyang mga magulang.
Tinakpan niya ang kanyang tenga at umiyak ng umiyak. Nawawala na siya sa wisyo kaya pumunta siya sa kanyang cabinet at kinuha ang mga gamot. Ininom niya ito ng sabay sabay hanggang sa nandilim ang paningin niya at huminto ang tibok ng puso nito.
Wala na. Wala na si Hannah. Hapunan na ng tatawagin ng ina si Hannah ngunit pagkabulas niya ng pinto ay bumungad ang malamig na bangkay ng kanyang anak. Tinawag nito ang kanyang asawa at nagsimula na silang magsiiyakan. Mas lalong sumakit ang nararamdaman nila ng makita nito ang mga ipininta ng bata na nakasabit sa ding ding. Mga pinta kung saan nahihirapan siya sa pamilya niya kaya labis ang pagsisisi ng mga magulang ni Hannah.
𝐍𝐨𝐭𝐞:Big thank you sa tao sinamahan ako mag sulat ng story na to we collab this story thank you!
YOU ARE READING
One Shots
RastgeleEy! iba yung cover sa tittle no? Trip ko Lang hahahaha but itong ipopost ko ay any genre sya wala lang R19+ kase bad yon, but I'll post my R19+ one shots soon hahaha i hope you support me!😘