03

3 1 0
                                        

Chapter 3: With them.

Kaninang umaga ay tinawagan ako ni Megs. Mamimili daw ng mga kailangan. Today is also the last day of my internship kaya nang mayari ako ay dumiretso ako dito sa mall. Nandito na silang lahat.

Sasalubungin sana ko ng yakap ni Pia ay bigla naman akong hiniklat ni Aki. Napatawa na lang ako sa ginawa niya.

"I miss you" Bulong niya.

"I miss you too" Napangiti ako.

Si Pia naman ay pinagpapalo ang likod ni Aki sa inis. Ganyan yang dalawang yan, mahilig bwisitin ang isa't isa. Manong magkatuluyan na lang kasi.

Habang yakap naman ako ni Pia ay napansin ko sa likod si Sky na nakatingin sa gawi namin. I tried to smile at him but he didn't respond instead he take his back at me. Napanguso na lang ako. Problema non?

Pagpasok namin sa grocery store ay naghiwa hiwalay din kami. Si Luke at Megs ay magkasamang namili ng para sa first aid kit then sila na din ang namili ng mga tissues, bugs spray etc. Sila Pia at Aki naman ang nagsama sa pamimili ng junk foods para sa mahaba habang biyahe namin. Then kaming tatlo nila Axel and Sky ang sa drinks.

Bibili kami ng drinks para mamaya kasi paguusapan pa ang outing tapos drinks din na dadalhin sa pagbiyahe. Sky suddenly grabbed the basket that I got. I was about to get another one but he snatched it too.

"Let me. Mabigat ang drinks." The only thing he said.

Napapanguso ako. "Kaya ko naman. May regular exercise kaya ako." Pabulong kong sabi.

Sa halip na makipag talo pa ay hinayaan ko na siya. Si Axel ay kumuha na ng kung ano anong soft drinks. Nakita ko din na kumuha siya ng alak na gusto nila.

"Root beer akin." Sabi ko kay Axel.

Sinamaan ko siya ng tingin nang para bang wala siyang narinig at saka nagpatuloy maningin ng ibang drinks. Kaya ako na ang kumuha ng root beer. Isang bote lang ang kinuha ko. Hindi kasi nila gaano gusto ito.

"Two please." Napalingon ako sa kanya. Sa huli ay napangiti rin ako.

"Favorite mo nga pala to."

"How did you know?" Napatigil ako. Bunganga mo kasi Xiarra. Napakamot tuloy ako sa ulo.

"Ha? Ano kasi--"

"Sky, Xiarra tara na!"

Mabilis akong lumapit sa nag-aayang si Axel. Sa mga tingin niya pa lang mukhang narinig niya kami. Thank you then. Hindi ko talaga alam sasabihin ko.

"Yari na kayo?"

"Yes, Bro" Si Axel na ang sumagot sa tanong ni Luke.

Lumapit naman sakin si Megs at Pia. Hinila nila ko palabas then dumiretso kami sa McDo.

"Bakit di na lang tayo dito kumain?" Tanong ko. Dahil narinig kong pinatake out niya ang order.

"Sa bahay tayo nila Aki. Wala daw parents niya."

"Dapat nga magpahinga na tayo, mahaba pa ang biyahe natin bukas."

"KJ mo naman Xiarra. Dapat kasi nating sulitin ang free time natin lahat" Sagot ni Pia.

Nang nakuha namin ang order ay lumabas na kami. Akala ko ay babalik na kami sa mga boys, hindi pa pala. Bibili daw kami ng bagong bikinis. Yes bikinis as in madami dahil nga lilibot kami sa lahat ng beach dun. Suggestion lang ni Megs. Well Megs is really a girly. You know? Yung mahilig sa make up, dresses, bags. Yung mga ganon. Pero hindi maarte si Megs. Nagkakamay nga yan pag kumakain eh.

Pagkarating namin sa store ay nakipili na din ako. Pinaka excited samin si Megs. Naisip kong bumili ng limang bikinis. Kaunti na lang kasi bikinis ko sa bahay. Tsaka hindi naman laging swimming lang. Maglilibot din kami sa magagandang tourist destinations. I also bought one rashguard pero bikini bottom siya. Incase magustuhan kong mag surf. I bought black, brown, orange, mint green and maroon plain bikini. Si Megs ay madami din ang binili, si Pia ay lima lang din katulad ko.

"Why rashguard?"

"Surfing" Nakangiting sagot ko kay Megs.

She frowned. She doesn't like surfing because she's scared that there might be sharks. I just laughed at her reaction.

"Tagal niyo!" Reklamo samin ni Aki nang makabalik kami.

"We are girls, Aki" Sabat ni Pia.

"Yeah. Yeah. Girls. So arte!"

"Ikaw nga diyan kalalaking tao, kaarte!"

Mag-aaway na naman sila. Hindi ko nga maintindihan kung bakit natatagalan namin ang sigawan at hiyawan ng dalawang yan. Siguro sanay na kami.

"Tara sa rooftop, everyone."

Aya ni Aki sa boys habang dala ang mga alak, pagkarating namin sa bahay nila. Kami namang girls ay hinanda ang chips and yung McDo.

Pagka-akyat namin sa rooftop ay hindi na ako nagtaka nang umiinom na agad sila. Hindi man lang nag-effort kaming intayin eh.

"Boys mamaya na yan. Pag-usapan muna natin kung saan saan tayo pupunta sa Siargao." Tanong ni Megs. Kaya sinimulan naman magsuggest ni Pia.

"Pero gusto ko talaga sa El Nido."

"Nah. Madaming pupunta dun dahil sikat na puntahan yun."

"Camping kaya tayo?"

"No way. Madami lamok!"

"Mount climbing?"

"Mapapagod lang tayo."

"Edi wag ka sumama! God! Kaarte mo po!"

At nagsimula na nga ang away nang dalawa. Napabuntong hiniga na lang ako at hindi sila pinansin. Kumuha ko ng isang cup ng Jack Daniels. Then kumuha din ako ng chips.

"Nagsu-suggest pa lang ako! Hindi pa naman sila favor don!"

"Kapapangit ng sina-suggest mo! Kaya nga tayo nagbakasyon para makapag pahinga!"

"Edi wag ka na sumama!"

Natatawa na lang kami sa kanila. Kaya bagay talaga tong dalawang to eh. Haha.

Sa huli, sa tagal tagal nilang nagbangayan ay sinabi ni Mega na may hinanda siyang in
itinerary. Sumangayon naman na kaming lahat na sundin ang hinanda niya para sa amin.

Napatingin ako kay Sky. Kanina pa siya tahimik. Buti na nga lang at hindi na niya ko tinanong muli. Napaiwas agad ako ng tingin nang lingunin niya ko. Ugh. Nakita niya kaya ako?

"Tara. Tama na yan. Hatid ko na to si Xiarra. Let's go?" Aya sakin ni Axel. Mabuti pa nga.

I think, the trip will be fun with them.

A Vacation With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon