Kaninang pagkayari kumain ay bumalik lang ako sa Airbnb namin. Hindi ko namalayan ay nakatulog ako kaya ngayon ay gabi na.
"Xiarra. Get ready, lalabas daw tayo for dinner" Paalala ni Pia.
"Okay"
Dumiretso na ako ng banyo at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng black fitted spaghetti top na nakatack in sa denim shorts. Inayos ko ang buhok ko sa isang bun then light make up and I'm done. Nang lumabas ako ay ngayon ko lang napansin na nakabihis na si Pia. Nakasuot siya ng leaf printed off shoulder crop top and white denim shorts.
"Ready?" Nakangisi niyang tanong.
"Yup"
Sabay na kaming umalis. Nasa labas ang lahat at nagiintay na sa amin. Dahil medyo malapit lang ang kakainan naming dinner ay naglakad na lang kami. Kumain kami sa Mama's Grill. Tahimik lang ako at minsan ay nakikisali na rin sa ingay nila.
"Here"
"Thanks" Binigyan ako ng bbq ni Axel. Alam niya kasi na favorite ko yun.
"Naaalala niyo ba? Yung biglang tumugtog yung nirecord na kanta ni Xiarra nung road trip natin non?"
"Aki. Tumigil ka!" I warned him.
Ugh. Pero dahil kilala ko na siya ay hindi ko na napigilan ang bibig niya. Ang daldal talaga.
"Oo. Tapos?" Natatawa ng tanong ni Luke.
"Tapos gulat tayong lahat kasi magaling pala siya kumanta"
"Nah. Not magaling, marunong lang" Singit ko.
"Hindi kaya. Pwede ka na maging singerist." Nagsitawanan naman sila sa joke ni Luke.
"Yeah. Ikaw na girl ang talented" Si Megs.
"Kakanta na yan" Nakisali na rin si Axel.
"Eh diba para kay Sky yun?"
Dahil sa sinabi ni Aki ay mabilis ko siyang nabatukan at nasipa sa ilalim ng lamesa. Napakadaldal. Napatingin ako kay Sky na ngayon ay nagtataka na ang mukhang titig na titig sakin.
"What? A song for me? You already knew me before?"
Napalunok ako hindi ko alam ang sasabihin. Tumingin ako sa mga kasamahan namin. Si Aki ay sisipol sipol sa gilid ko. Si Megs at Luke ay parehas na napapakamot sa ulo. Si Pia ay pinapalo pa sa braso si Aki. Si Axel ay tahimik na nag-iintay sa sasabihin ko katulad ni Claire.
"What?" Naguguluhang tanong ni Sky.
Kinagat ko ang labi at walang nagawa kung hindi magsinungaling.
"Uh...H-hindi para sayo yun. Nirecord ko lang talaga" I don't wanna lie to him but this is the only way so things won't be hard for him."And...uh...yeah. Nakilala lang kita dahil kay Axel"
"Yeah. Tama siya, Bro. Nakwento kita minsan eh."
Oh God. Thanks to Axel. Again. Hindi na nagtanong pa si Sky about dun pero mas lalo siyang naging tahimik. Ang alam ni Sky ay kilala ko siya pero hindi niya ako kilala noon and I was like never with them before except now. But of course, it's a lie. We are all friends since we were in first college. Nakakalungkot lang na kailangan kong burahin ang sarili ko sa lahat ng pagsasama naming magkakaibigan dahil sa ako lang ang hindi niya maalala.
BINABASA MO ANG
A Vacation With My Ex
RomantikXiarra is happy with her life but a tragic accident happened. She suffer in a situation she never ever wanted to be in. And to ease the pain she decided to accept the invitation of her friends. A vacation. A vacation full of fun and excitement. A va...