"Let's go! Swim na tayo!" Aya ko kay Sky.
Naiinitan na din ako kaya gusto ko ng magbabad. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya aayain.
"Kayo na lang" Walang ganang saad niya.
Nakanguso ako. "Okay. Sunod ka na lang" I said before taking my leave.
Dumiretso muna ako sa bangka at nakita ko doon si Claire na masama ang tingin sakin. Hindi ko na lang siya pinansin at hinubad ang suot kong shorts. Lumapit ako kila Pia na kanina pa nagba-babad.
"Wow! Sexy!" Sigaw ni Axel. Sira talaga.
"Hoy! Nakita ko yun ah. Katabi mo si Sky doon" Si Pia.
"Nag-usap kayo?" Si Megs.
"Tigilan niyo nga ako!" Sabay saboy sa kanila ng tubig.
"Teka lang! Ito naman! Ano nga kasi?"
"Pia, kakulit mo. Wala nga" Pagpilit ko.
"Maniwala!" Nakisama pa itong si Luke.
"Ewan ko sa inyo!" Nang-aasar na naman. Ayoko na ngang pag-usapan eh.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig"
Bago pa man matuloy ni Luke at Axel ang kanta ay mabilis ko na silang nalapitan at binatukan. Nakakainis eh.
"Tigilan niyo kong dalawa ah" Napapakamot sila sa ulo habang humahagalpak ng tawa.
After minutes of swimming, I went back to the boat. The sun is too hot that my skin was irritated. Namumula na ito sa sandaling minuto lamang na iyon.
"Xiarra"
"Why?" I asked Claire.
"Don't go near my boyfriend" Madiin na aniya. Ngumisi naman ako sa kanya.
"Hindi ako ang lumalapit sa kanya. Siya ang kusang lumalapit sakin" Nakita ko agad ang inis sa mukha niya nang banggitin ko iyon.
"Whatever. It doesn't change the fact that he's mine" May pagmamalaking saad niya.
"It also doesn't change the fact that he was once mine. And I'll make sure to get what's really mine" Sabi ko tsaka ngumisi sa kanya.
Stupid, Xiarra! Paano mong babawiin? Eh wala ka ngang ni katiting na ala-ala ni Sky sa iyo?
"Dream on, Xiarra"
"Hindi ko na kailangan na mangarap dahil nagkatotoo na. Ang kailangan lang ay tamang panahon" Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko. Damn it. Ginagawan ko ng favor ang damdamin ko.
"Mabulok ka kaiintay. Alis nga"
Sinubukan pa niya akong kabigin sa braso kaso nakaiwas ako kaya nawalan siya ng balanse. Galit na galit na bumaba siya ng bangka. Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang tuwalya sa bag. Pinunasan ko ang mukha ko. Sinuot ko na lang muna ang kimono cover up ko.
"Yari na kayo?" Tanong ko ng pumunta na din sa bangka sila Pia at Megs.
"Yeah. Grabe ang init eh"
"Nag-usap kayo ni Claire?" Tanong ni Pia. Talagang matalas mata nito.
"Yeah. Huwag ko daw lapitan boyfriend niya"
"Oh ano sabi mo?"
"Sabi ko si Sky ang kusang lumalapit sakin" Nakangiting sagot ko.
"Yeah. That's my Xiarra!" Si Megs. Then we do the high five.
Nagpunas sila ng mga sarili nila nang tinapik ako ni Megan.
"Xiarra pasabi naman sa boys aalis na tayo in ten minutes." Tumango ako at saka muling bumaba ng bangka.
"Aki! Aalis na daw! Let's go!" Nag-okay sign siya sakin saka inaya na din ang dalawa pa.
Linibot ko ang paningin ko para hanapin sila Claire at Sky. Nakita ko silang magkahawak kamay na pabalik na sa bangka kaya hindi na ako nag-abala.
"Let's go guys! Hurry up!" Nang makasakay kaming lahat ay nagsimula nang umandar ang bangka.
"Xiarra, pakikuha nga yung towel ko." Sinunod ko si Axel na basang basa pa. Hinanap ko sa bag niya ang towel then inabot ko na sa kanya.
"Next ay sa Daku Island na tayo. Doon din tayo kakain" Paliwanag ni Megs.
After ng ilang minutes nakarating na kami sa Daku Island. Daku Island is the biggest island out of the three island sa hopping tour. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang maraming puno, mga tao at cottage. Nag-renta kami ng cottage kung saan kami maaaring kumain.
"Tara! Luke, Aki, Sky! Libot muna." Aya ni Axel sa tatlo kaya umalis na sila.
Kami namang girls ay nanatili dito para makapag-pahinga at para mabantayan na din ang mga gamit namin. Si Claire ay umalis hawak ang phone niya nang nag-ring ito.
"Nagugutom na ako" Reklamo ni Pia.
Ako din. Kaso matatagalan pa ang food namin kasi boodle fight daw iyon. Habang nag-iintay ay kinuha ko ang camera ko at pinasadahan ang mga pictures.
After ilang minutes ay naayos na din ang pagkain namin. I took a picture of it because it was the best I've ever seen. It has letters of Siargao in the middle that makes it more beautiful.
"Call the boys, Pia."
"Okay" Then Pia called the others.
"Wow! Kainan na!" Mabilis na nilantakan ni Aki ang pagkain. Ayaw ko man masira ang pagkakadisenyo nito ay wala akong magagawa.
Nang nayari kaming lahat ay nagpahinga muna kami saglit. Pagkayari ay walang sawa kaming kumuha ng pictures ng isa't isa. Tirik na tirik ang araw kaya napagdesisyunan namin nila Pia at Megs na libutin na lang muna ang buong isla.
"Ice candy po" Alok sa akin ng isang bata. Kinuha ko ang wallet ko at bumili ng tatlo para sa amin. Napangiti ako sa bata nang nakita ko ang tuwa sa mukha niya.
Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya tumingin ako sa gawi na iyon. Nakita kong nakangiting nakatingin sa gawi namin si Sky kaya ngumiti na lang din ako sa kanya.
"Let's take a selfie!" Kaya pumwesto na ako sa tabi ni Megs.
Naglibot-libot pa kami at kumuha ng maraming pictures bago napagdesisyunang bumalik sa cottage. "Aalis na ba tayo?" Tanong ko kay Megs.
"Yes. Sa Guyam Island na tayo"
Kaya naman ang lahat ay gumayak na para sa pag-alis. Ayaw ko nga sanang umalis dahil sa sobrang peaceful ng Daku Island.
Nang makasakay kami ay nagkwento lang samin si Manong Bastien. Ang sabi niya ay ang Guyam Island ay mas maliit sa Daku Island that is covered in palm trees. Iyon ang isa sa napansin ko dito sa Siargao, ang daming palm trees sa paligid.
Malapit nang maghapon kaya maganda na mag-swimming sa Guyam Island. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin habang ginagamit ko ang cellphone ko. Nang inangat ko ang ulo ko ay nasalubong ko ang mga mata ni Sky.
Why are you keep on looking at me, Sky?

BINABASA MO ANG
A Vacation With My Ex
عاطفيةXiarra is happy with her life but a tragic accident happened. She suffer in a situation she never ever wanted to be in. And to ease the pain she decided to accept the invitation of her friends. A vacation. A vacation full of fun and excitement. A va...