Chapter 4: Claire.
Maaga kaming lahat gumising dahil ngayon na ang flight namin papuntang Siargao. Siguro ay mga 2-3 hours bago makarating doom from Manila. It's already 7:30 in the morning. Nandito na kaming lahat sa lounge, hinihintay na tawagin ang flight namin. Nakasandal ang ulo ni Axel sa balikat ko.
"Kabigat mo Axel."
"Tss. Para saglit lang, inaantok pa ko eh."
Hayaan na nga. Kawawa naman eh.
Pinagmasdan ko ang mga kasama namin. Si Luke at Megs ay parehas na natutulog. Si Aki ay kaharap ang cellphone niya. Siguradong naglalaro yan. Si Pia na nasa tabi ko ay natutulog din with airpods on her ears. Napatingin ako kay Sky na nakatingin pala sakin. Bigla siyang nag-iwas ng tingin.
Umiwas na lang din ako ng tingin. Seriously? What's his problem? Kahapon pa ah.
"Let's go guys!" Si Megs.
"Axel, wake up." Gising ko kay Axel.
"Tara. Iwan na yan." Si Luke.
"Yeah. Okay lang naman kahit wala siya. Magyayabang lang yan sa kagwapuhan niya." Pang aasar ni Aki. Pareho naman silang nagyayabang eh.
Mga loko talaga. Pilit ko kasing ginigising si Axel sa balikat ko dahil tinawag na ang flight namin.
"Grabe kayo sakin! Inggit lang kayo dahil mas gwapo ako sa inyo mga tol" Buti naman nagising na din.
"Wait! Wait! Wait!"
Napalingon kami sa sumisigaw na yun. What is she doing here? She's coming? And what is that thing on her hand? Is that a ticket? Ibinaling ko ang tingin ko sa mga kasama ko na ngayon ay nakakakunot ang noo. Syempre sinong hindi?
"Claire? What are you doing here?" Yup. The one and only Claire.
"I'm coming with you, love. Of course. I need to protect you."
"From what?" May inis na tanong ni Sky sa kanya.
"Like snakes?" Lingon niya sakin. I silently scoffed. Is she pertaining to herself?
"Tinutukoy mo ba ang sarili mo?" Pabalang na tanong ni Axel.
Hinawakan ko siya sa braso ng mahigpit. Siguradong nakita niya ang ginawang pag lingon sakin ni Claire. Noon pa man ay ayaw na niya kay Claire dahil may ugali.
"Excuse me?! I'm not a snake. She's a snake!"
Turo niya sa'kin at dahil doon ay mabilis akong nakalapit sa kanya at sinampal siya. Bagay lang sa kanya yan. Ayoko sana gawin yan dahil nasa public kami. Pero talagang sobra na siya. Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga kaibigan namin dahil sa gulat. Ramdam ko din ang mga matang nakatingin samin.
"Alam mo kung sino satin ang ahas." Singhal ko sa kanya.
Mabilis kong kinuha ang maleta at bag ko at tuluyang umalis. Sumunod na din ang mga kaibigan namin. I'm pissed. Really pissed.
"Galing mo girl" Pumapalakpak pang saad ni Megs. Mali ang ginawa ko kanina. Dapat nagpigil pa ko.
"Megs!"
"What? I'm just saying the truth Pia"
"Yeah, right. Are you okay, Xiarra?"
"Yeah. I'm fine. Nothing serious." Ngumiti pa ko sa kanila.
Sa plane ay si Luke at Megs ang magkatabi then si Aki at Axel then kaming dalawa ni Pia. Sila Sky at Claire ang magkatabi, of course. Nasa tabi ako ng bintana kaya nakita ko kung gaano kaganda ang Siargao. Mas lalo tuloy akong nae-exicite.
Pagkarating namin sa airport ng Siargao ay sumakay kami sa isang van. Katabi ko si Axel. Papunta kami ng General Luna. Kahit gusto kong makihalubilo ay nawalan ako ng gana. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kaya kinuha ko yun. I saw a text message from an unknown number.
From:0915-------
I'm sorry for what my girlfriend did to you. Please, accept my apology. I'm really sorry.
My girlfriend? Kelan pa ba ako masasanay? Napakagat ako ng labi. Ang sakit. Gosh. Xiarra, don't cry. Huminga ako ng malalim bago nag-type sa kanya.
To: Sky
I'm sorry too. For what I did. Hindi ko dapat ginawa yon. Hindi lang talaga ko nakapagpigil. Apology accepted.
From: Sky
It's fine. What she did is also wrong. Thank you.
Hindi ko na siya sinagot pa at natulog na lang. Ayokong humaba pa ang usapan. Nang naayos na ang lahat ay pumasok na agad ako sa Airbnb namin ni Pia. Para siyang kubo style. Naalala ko na dito din kami dati noon nag-stay. Yeah. I've been here and I always wanted to comeback here. Gusto ko na sana mag-surf na agad kaso medyo pagod pa ko.
Nahiga ako ng padapa sa kama ko. Bigla naman dumagan sakin si Pia at niyakap ako. Hinayaan ko na lang siya.
"Xiarra?"
"Yes?"
"Don't mind her okay? Let's just have fun, please? Pretty please?"
"Haha. Hindi bagay sayo."
Umupo kami pareho kaharap ang dagat habang tumatawa pa rin ako.
"Eto naman eh. Sige na. Let's take a picture. Get your DSLR"
Yeah. I should just enjoy. And let's start it with taking pictures. Yeah. Pictures. Kapag talaga si Pia ang kasama mo laging selfie nasa isip niyan. Tapos ang gusto niya pa ay yung sa ibang phone or camera ang gagamitin dahil daw ayaw niya na ma-full ang storage. Kakaiba den eh.
Inaayos namin ni Pia ang mga gamit namin nang may kumatok sa room namin. Its Aki. Dire-diretso siyang pumasok at naupo sa kama ni Pia. Pinagpapalo siya ni Pia kaya lumipat siya sa kama ko.
"Anong ginagawa mo dito ha? Achilles Clyde De Leon?"
"At anong paki mo ha? Pia Nicolle Basco?"
"Hoy! Achilles. Baka nakakalimutan mo room namin ang pinasok mo"
Nagsimula na naman mag-away ang dalawa kaya bago pa sila umabot sa paluan ay sumingit na ko.
"Tama na yan, love birds! Ano ba kasi pinunta mo dito Aki?"
"Love Birds?!! Yuck!!" Sabay na banggit ng dalawa. Sakit sa tenga ah.
"Mukha kayong love birds eh"
"Tara na kain na daw lunch"
Oo nga pala. Hindi pa kami kumakain. Kaya pala bad mood ako ng sobra. Haha.
"Let's go! Gutom na ako!"
BINABASA MO ANG
A Vacation With My Ex
RomanceXiarra is happy with her life but a tragic accident happened. She suffer in a situation she never ever wanted to be in. And to ease the pain she decided to accept the invitation of her friends. A vacation. A vacation full of fun and excitement. A va...
