Finally, nakarating kami ng Guyam Island sa ilang minuto lang na biyahe. Bumaba na ang lahat sa bangka. Marami kaming nakain kanina kaya lahat ay masigla at excited sa pagsulong sa tubig. Sila Megs ay inaya akong magpalit ng bikini for our pictures. Yung si Luke at Aki ay lumusong na agad habang busy sa pag-aayos ng drone si Axel. Sila Claire at Sky, malay ko sa kanila. Inaya kanina ni Megs si Claire na sumabay sa amin pero hindi naman sumama. Si Sky ay tahimik lang din kahit noong nasa bangka kami.
Kung kanina ay black bikini ang suot ko nag-palit naman ako into
light brown bikini. Si Megs na kanina ay naka one piece ngayon ay naka green two piece na. Si Pia na kanina ay naka yellow ngayon ay baby blue one piece."Let's go!!" Si Megs.
"Picture!" Si Pia.
Walang katapusang kuhanan ng picture ang ginawa namin. Nang mayari kami ay nakisama kami kila Luke at Aki. Lumangoy lang ako ng lumangoy at inenjoy ang araw na ito dahil namiss ko talaga ang beach ng sobra. Nang mapagod ako ay dumiretso ako sa tabi ni Axel na nakaupo sa pangpang. Ang drone niya ay nasa tabi na niya at hindi na ginagamit pa.
"Kapagod!"
"Oh" Inabot niya sakin ang tuwalya niya since nasa bangka pa namin yung tuwalya ko.
"Thanks."
"Ano pinag-usapan niyo?" Tanong niya sakin. Inabot ko sa kanya ang tuwalya at tumalikod ako sa kanya para mapunasan niya ang likod ko.
"Nino?" Tanong ko.
"Sino pa ba? Edi si Sky." Sabi na eh. Tatanongin ako neto kahit nang iinis kanina.
Humarap ako sa kanya bago siya sinagot. "Siya tanongin mo." Sumama ang tingin niya sakin. "Hehe. Joke lang. Tinanong niya lang ako kung mahilig daw ba akong kumuha ng mga pictures. Then sabi ko oo. Okay na?"
Tumango-tango siya tsaka humarap sa dagat. Ganoon din ang ginawa ko. "Siya pa rin ba?"
"Alam mo, bakit ako lagi tinatanong mo? Eh ikaw, kamusta kayo ni Shane?" Siya itong may love life eh.
"Malay ko. Hindi pa ko tinetext." Usal niya habang nakasimangot.
Umiling ako habang kinakantyawan siya. "Eh bakit kasi hindi mo sinama?"
"Ayaw eh. Busy." Napangiti ako. Kahit kelan talaga hindi ito marunong sumuyo eh.
Si Shane ay nililigawan niya ngayon pero ang sabi niya ay masyado daw pakipot. Kilala ko naman si Shane dahil nurse siya sa same hospital kung nasaan kami. Hindi naman pakipot iyon, ang problema lang ay mabilis sumuko si Axel.
Pansamantala kaming natahimik. Pinakagusto ko talaga is yung ganito lang. Peaceful.
"Sky...asked me" Panimula niya. "He asked if..." Pabitin naman itong si Axel. "If he knows you before, personally. Like if you are close friends."
"A-ano?" Gulat na tingin ang binigay ko sa kanya. "Anong sabi mo?"
"Sinabi ko yung totoo. Na nagkita kayo noong minsang dinala kita sa bahay." Ang pinipigil kong hininga ay nailabas ko na rin nang narinig ang sagot niya. Thank God.
"Tinanong din niya ako kaninang nag-usap kami. But why? Bakit niya tinanong? Nakakaalala na siya?" Mahihimigan ang pag-asa sa pananalita ko.
He look at me as if telling me not to put my hope on Sky. I heave a sigh then look at the blue sky. Why is it so hard to forget you Sky?
"Let's go na, guys!" Sigaw ni Megs samin.
Axel helped me to get up then he put his towel on mine. I smiled. I'm really lucky to have this guy as my best friend. When I found out that Sky had an amnesia and he can't remember who I am to him. It was so devastating and he became my safe haven that time.
Nagbihis muna kami bago pumunta sa bangka. Nauna akong makapagbihis sa kanila kaya lumabas na ako ng banyo. Tumungo na ako sa bangka. Nakita ko doon si Claire na nahihirapan umakyat sa bangka dahil masyado itong mataas. Lumapit ako sa kanya. Tutulungan ko sana siya kaso mabilis niya akong tinulak. Damn. Nabasa na tuloy ang shorts ko dahil napaupo pa ako.
Naramdaman ko na lang na may tumulong sakin tumayo. "What's your problem Claire?" Si Axel pala ang tumulong sakin.
"Axel. Hayaan mo na." Hinawakan ko pa siya sa braso niya.
"Hindi ko kailangan ng tulong na mula sa kanya." Maarte nitong sabi.
I almost rolled my eyes. I can't take her childish mind. Okay lang sana na sinabi niyang hindi niya kailangan ng tulong, hindi yung manunulak pa.
"Kuya? What's happening here?" Singit ni Sky.
Galit namang tinuro ni Axel si Claire. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang muli. "Yang girlfriend mo eh! Siya na nga itong nakikisama satin, siya pa itong may ganang manakit."
"Axel" Bulong ko. Nasa bakasyon kami at ayoko ng away. Ayoko ding magalit siya kay Sky.
"What's he talking about Claire?" Hindi naman nagsalita si Claire at umirap lang.
"Oh my god, Xiarra. Bakit basa ka na naman?"
"I'm okay, Megs. Papalit na lang uli ako saglit."
"I'll come with you" Sabi ni Pia. Tumango ako.
Mayari akong magpalit ay bumalik na kami sa bangka. Habang nagglalakad ay naisipan akong tanongin ni Pia. "Ano ba kasing nangyari? Tinulak ka niya?"
"Yeah. Pero hayaan mo na."
Nang pabalik na kami ay naging tahimik ang biyahe namin. Alam kong dahil iyon sa nangyari.
"Pahinga muna tayo. Tapos mamayang 6:30 dinner tayo," pagpapaalam ni Megs sa amin.
Sabay na kaming pumunta sa Airbnb namin ni Pia. Sobrang nakakapagod pero masaya. Nakatulog ako at paggising ko ay gabi na naman. Our second night here in Siargao.
Nagtext samin si Megs na magkita na lang sa Airbnb nila Aki at Axel. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa Bangkerohan Bulalohan. Natutuwa ako at bumalik na ang masiglang Axel.
"Haha. Iconic yon dude! Sumikat kaya ang red underwear dahil sayo!" Tawa ni Axel habang tinuturo si Aki.
Nagkukuwentuhan kasi ang lahat sa "Most Memorable in College" na karanasan nila. Si Axel ay naalala kung paano napunit ang pants ni Aki sa performance daw nila noon. Tapos kulay red pa daw ang underwear niya. Naging topic iyon sa college.
Nagbabangayan lang naman sila eh. Dahil ang sinasabi nilang most memorable sa kanila ay most unforgetable sa iba.
"Eh naaalala niyo ba yung natamaan ng soccer ball si Xiarra sa noo dahil busy sa kakatititig sa kung saan?"
This is what I am talking about. I already forgot that for years! Damn you Achilles!
Simaan ko ng tingin si Aki. Nakakahiya. Bwisit. "HAHAHA. Naalala mo yun?" Tanong sakin ni Axel.
"Panong hindi ko maaalala eh ikaw pinakamalakas tumawa noon?" Sabay batok ko sa kanya.
Nang mayari ang masayang kwentuhan ay nag-paalam na kami sa isa't isa. Pumasok na kami sa Airbnb namin. Gusto sana namin na magpuntang bar kaso pagod kaming lahat. Pinilit kong patulugin ang sarili ko kaso hindi talaga ako makatulog. Napagdesisyunan kong lumabas para magpahangin.
Naupo ako sa may hagdan. Tinitigan ko ang mga nagkikislapang mga bituwin. I hope this trip will end well. Bumuntong hininga ako. Naalala ko na ganito ding oras nangyari ang aksidente noon. "Ugh. Bakit ang daya mo? Ikaw itong nanakit, ikaw pa itong nakalimot! Ako itong nasaktan pero hindi ka makalimutan!"
Pinunasan ko ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo. Ikaw, langit ka! Nakakainis ka! Alam mo yun?
BINABASA MO ANG
A Vacation With My Ex
RomanceXiarra is happy with her life but a tragic accident happened. She suffer in a situation she never ever wanted to be in. And to ease the pain she decided to accept the invitation of her friends. A vacation. A vacation full of fun and excitement. A va...