"Ugh" Ungol ko nang magising ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller id.
"Hello?" Halata sa boses ko ang pagkainis. Sinong gustong magising kung may dalawang oras ka pa lang na tulog?
"Sorry. Nagising kita?"
"Malamang, Axel! Alam mo bang wala pa akong kahit na walong oras na tulog?" Naiinis na sabi ko sa kabilang linya habang inuupo ang sarili.
"Sorry. Inaya kasi ako ni Luke. Bakasyon daw tayo. Siargao Island." Humalakhak siya.
"Nag-iintern pa ako diba? At ikaw rin?" I'm about to finish my internship while Axel is in his first year of fellowship. Mas matanda kasi siya ng one year.
"Syempre pagkayari. Isang linggo na lang diba?"
"Uh-huh. At kailangan ko ng mag review for the bar exam." Kailangan kong umpisahan agad ang pag-rereview dahil malapit na iyon. Kailangan kong makapasa.
"Come on! Kasama sila Luke!"
What will I do? Namimiss ko na din talaga sila. Simula kasi noong maka graduate kami lahat ay naging busy ako sa medicine school ko. Sila din may sari-sariling ginagawa na sa buhay. Madalang na kami magkita-kita.
"Come on, Xiarra. Think about it. Matagal ka na din kayang hindi nag-babakasyon."
"Okay, okay. I'll think about it."
"Okay. Tulog ka na." Then pinatay ko na ang phone.
Nang magising ako ay hapon na. Naligo muna ako bago bumaba para kumain. Pagkayari ay dumiretso ako sa taas para gumayak na dahil papasok pa ako sa hospital. Night shift again.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Xiarra? May bisita ka. Nasa baba sila, nag-hihintay."
"Sige po, Manang. Bababa na rin po ako."
Wala akong inaasahan na bisita kaya nagtataka talaga ako. Nagmadali na akong kunin ang bag ko at susi ng kotse.
"Oh my god! Megan! Luke!" Natawa pa sila sa reaksiyon ko. Nagmadali akong bumaba ng hagdan at sinalubong agad ng yakap si Megs.
Megan and Luke are both my friends from high school then Luke met Axel and Luke introduced him to our cirlce of friends. That's how we got close and because we study the same course, he help me a lot back then. We are all in the same university too.
"Papasok ka na ba?" Tanong ni Megs.
"Mamaya pa. Upo kayo." Anyaya ko sa dalawa.
Napangiti pa ako nang inalalayan pa ni Luke ang girlfriend niyang si Megan sa pag-upo. I miss them both.
"Bakit kayo nandito?" Pangunguna kong tanong.
Si Luke ang sumagot. "Sinabi kasi ni Axel hindi ka daw sasama?"
Napakunot ang noo ko. Kahit kelan talaga si Axel.
"Right. Kaya nandito kami para pilitin ka." Pag-sang ayon ni Megs sa kanyang kasintahan.
Napailing ako. "Wala akong sinabing ganon! Ang sabi ko lang ay pag-iisipan ko kasi nga may internship pa ako."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sigurado kung sasama ba ako. Pero naisip ko din na ngayon na lang ulit kami nagkasama kaya masayang sumama sa kanila.
"Edi ba isang linggo na lang mayayari na yang internship?"
"Ang daldal talaga niyang kaibigan mo, Luke." Napatawa naman sila.
"Sama ka na please!! Pretty Megan please!" Napangiti ako. Namiss ko yung ganitong ugali ni Megan.
"Alright. Alright. Alam ko namang hindi kayo aalis hanggat hindi ako pumapayag."
BINABASA MO ANG
A Vacation With My Ex
RomanceXiarra is happy with her life but a tragic accident happened. She suffer in a situation she never ever wanted to be in. And to ease the pain she decided to accept the invitation of her friends. A vacation. A vacation full of fun and excitement. A va...