Chapter 2

131 53 3
                                    


"Well, Ciara." Saad ni mommy habang nakataas ang kilay at nakahawak sa wine glass niya.

"If you want to study architecture stay." She stops for a bit.

"If not, then leave the mansion right now"

"Mom? A-are you abandoning m-me?" I asked in disbelief.

"No, if you'll choose archi." She answered without looking at me.

"Pag-iisipan ko mom" sagot ko habang nakatalikod sa kanya at handa ng umalis.

I can't believe them. This is cruelty. Parang may tinik na tumusok sa dibdib ko. I can't take archi but I don't wanna leave. My savings aren't enough para makatapos ako at makakain araw-araw.

Nakatulog na lang ako pagkatapos kung umiyak. When I woke up, I decided to leave.

Mom&Dad,
  
   I hate to leave but I don't have choice. I want to pursue law. You may hate me for the rest of your life but I wont do the same. I'll forever treasure the both of you. Someday, I'll make the both of you proud of me. I don't know if you'll try to find me after I leave but please don't. I'll make money by myself without depending on yours. Love you both.

Ciara

I left the letter in my table sa tabi ng kama ko. I don't know where to go.

Pumunta ako kila Alina. I cried so hard pero wala akong magawa. I'm a loser in my parent's eyes but I'm a winner of my own dream. I'll pursue my dream.
○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○

Kumuha ako ng scholarship. I'll be graduating next year. Lawyer.
I'm just kinda sad. Mahirap isipan pero nagpapaalipin ako para makapag-aral. Nagtatrabaho sa bahay ng nga Prebuerto. Sikat ang apelyido nila sa larangan ng abogasya. They owned a law firm at balak ko mag-apply dito to get a stable job. Mahirap maging street lawyer kaya dapat may firm ka para easy money.

"Ciara, wash the car after you clean the windows. We're leaving" saad ni atty. Glyne.

"Yes atty. Keep safe kayo."

Utusan ako kahit saan magpunta. Sa sariling pamilya o kahit sa ibang tao. I cried all night remembering my parents. They don't want me to be happy.

But I'm leaving at peace now. Being inlove with my career. Future attorney.

"Cia kamusta ka?" Sigaw ni Alina habang nagfafacetime kmi.

"Tanga, okay na okay ako" at nagtawanan lang kmi.

Alina stays with me hanggang nakahanap ako ng scholarship. She's amazing.

"Tangina ghorl. Niligawan ako ni Zack. Yung basketball player"

"Alina di ka lugi tangina ka"

Ganon nalang lagi ang laman ng usapan namin. Mga nanliligaw sa kanya. High class pumili si Alina. Well, she deserves the best naman. Mayaman at maganda siya kaya deserves niyang sumaya. hayst

"Hoy Cia wala bang poging anak sila attorney?"

"Ay landi nito. Meron naman pero mukhang masungit. Hindi naman nandito. May sariling bahay siguro."

"Ala bet."

"Tangina yan. Lahat naman bet mo. Lalamunan mo may sipon"

"Hoy ikaw kasi maghanap kana. Tatanda kang adik sa pag-aaral mo. O baka naman may hinintay kang kulangot ka. Baka abogado hanap mo. Ane be yen"

"Hoy ikaw kulangot. Wala akong iniisip na ganyan. Baka tumanda na lang akong dalaga."

"Oyy wag! sayang lahi"

"Oh tangina mo po. Cge na Ali. Next time naman tayo mag-usap. Galingan mo pamimingwit."

"Sige baby. Dalhan kita."

Bumalik na ako sa pagtatrabaho ko. I have to make sure na malinis na lahat bago ako mag-aral para wala ng gugulo sakin.

"Good evening attorney" bati ko sa kanila. Gabi na silang umuuwi. They treat me well. Like a family.

"Good evening."

Agad kong kinuha ang bagahi ng dalawa. Mukha silang pagod

"How's your day atty.?"

"Stressful." Maikling sagot ni atty. Glyne.

"Maraming crimen kaya maraming inaasikaso" diin ni atty. Jake.

"Dinner time attorneys"

"Thanks Cia"

That's the scene every night. Hindi naman sila mahirap pakisamahan.

Bago ako natulog ay nag-aral na muna ako. May recitation bukas. Tigre pa naman ang prof bukas.

Nakagising nalang ako mga 9 PM. Nandito parin ako sa study table ko kaya lumipat na lang ako sa kama.

Pagkagising ko ay binati kaagad ako ni manang Loling. Kasama ko sa mansyon. Matagal na siya dito at nandito rin ang apo niya. Pinapaaral rin katulad ko.

"Hija, buti at gumising kana. Malalate kna sa school. Mamayang hapon dadating si Axel" saad ni manang Loling.

"Ahm, anak nila atty?"

"Oo hija. Mag-ingat ka sa kanya. Hindi siya kasing bait ng magulang niya lalo na't ngayon palang kayo magkikita"

Kinabahan ako sa sinabi ni manang.

Dapat ba akong mangamba sa kanya?

Ngumiti nalang ako kay manang at bumaba para magready.

Sa hapag ay kasama din namin sila atty. pati ang nga kasambahay.

"Axel will come later." Maikling saad ni atty. Jake.

Nilibot ko ang tingin sa mga kasambahay at tila gulat na gulat at takot sila.

Nakita ko na siya pero saglit lang dahil may kinuha lang siya sa compound. Hindi nga pumasok sa mansyon.

"Just be good to my son. He'll do the same" sambit ni atty. Glyne.

After my class ay umuwi na agad ako. Nagstop ako ng dalawang taon dahil natagalan ako sa paghahanap ng scholarship but I didn't regret that move.

Pagdating ko ay naglilinis sina aling Loling at ang ibang kasambahay sa hapag. Maraming pagkain kaya na alala kong darating pala si Axel. Kapag may pasok ay buhay señorita ako sa bahay. Hindi ako inuutusan.

"Hija, magandang hapon. Mabuti at nandito kna. Dadating na mamaya si Sir Axel" nakangiting bati ni Aling Loling

Ngumiti narin ako pabalik. Pagdating ko sa kusina ay naroon si Norris, ang apo ni manang Loling.

  "Oh Ciara buti at maaga ang uwi mo"

  "Oo nga eh. Ano pwede ko maitulong?"

  "Wala na Cia. Tapos na silang mag-ayos. Kakarating ko nga rin eh"
 
"Ay ganoon ba. Sige Nor magbibihis muna ako."
 
Napagod ako dahil sa nangyari buong araw. Nagbihis na ako at bumaba na rin at baka may kailangan pa akong gawin.

Pagdating ko sa sala at biglang tumunog ang doorbell kaya agad ko itong binuksan. Nakakainis at ipang beses pinindot ang doorbell kaya nairita ako nang buksan ko ito.

"Ang ingay-"
Hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla nalang pumasok si Axel at inalis ang kamay ko na nakaharang sa pinto.

"Guardia ka?" Sarkastikong wika niya.

Nagbigay nalang ako ng daan para makapasok siya.

Suplado pala siya.

Axel Prebuerto
○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○
AwIt:(

The Just( AVAILABLE IN PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon