Chapter 15

31 8 0
                                    


Pagkatapos ng preliminary hearing, medyo napagod ako. Siguro dahil na rin sa inis at galit.

Para akong iwan.

Free day ko ngayon. Sabi kasi ni attorney pahinga daw muna. Wala naman kami meet up or pupuntahan.

Nasa condo lang kami ni Alina habang naghihintay ng board exam result niya. Sabi niya after grad siya kukuha ng board exam pero na duduwag raw siya kaya naghintay muna siya ng dalawang buwan.

Gusto ko sanang mag-shopping. Well, wala naman ako importanteng bibilhin.

Wala rin pala akong pera. Ulowl!

Window shopping na lang siguro. Palamig lang sa mall. Gala gala lang para di halatang walang laman yung wallet. Chakaness na lyp.
Ulowl ulit.

ULOWL (maarte kasi pagbigkas niya. LOW na may L. Ulowl!)

Besides, wala rin akong kasama mag-mall. Ayaw ko namang abalahin si Ali. Mukhang kabado siya eh. Kagabi kasi apat na beses siyang nagrosary. Maaga pa siyang nagising kanina pero imbes na sa hapag ay sa altar siya dumeretso.

Mag-isa na lang akong kumain sa hapag. Pagkatapos kung maghugas ay nagpahinga na ako.
Netflix and chill. Ulowl ulit.

Maya-maya pa ay lumabas na rin siya sa kwarto niya. Buti at naisip niya ring kumain. Bitbit niya pa rin yung rosary niya. Bago siya pumunta sa kusina at pumunta muna siya sa altar tas kinuha niya yung rebolto ni Kristo. Nilapag niya sa lamesa. Iwan ko ba kung ano tumaakbo sa utak niya.

Hindi ko alam kung ilang santo na ba yung tinawag niya. Baka sa sobrang kaba pati si satanas na hingan niya ng tulong. Hahaha

Nagiging makadiyos ka pala kapag board exam.

Ramdam ko yung kaba niya, promise.

Pagkatapos niya kumain ay pumasok na ulit siya sa kwarto. Ni hindi man lang niya ako binati ng magandang umaga.

Lord, sana talaga pumasa.

Maya-maya pa ay lumabas na siya. Yung ngiti abot tenga amputeks.

"Cia, omogoshhh pumasa ako!"

"Attorney!!" Sigaw ko.

Tumalon kami sa tuwa.

"Effective pala yung ginagawa mo." Saad ko pa.

"Ay gago. Nahahalata mo pala."

Ay gago 'kala mo bulag ako?

Uyuyuy!

"Cia, let's go shopping."

"Amporkchop! Sarap sa ears."

Hinihintay ko talaga to. Salamat!

Daming pera siguro nito. Nilibre pa ako. Sana araw-araw may board exam result. Pumasok kami sa Off-white, Bench, H&M at Penshoppe. Hindi naman pwedeng makalimutan ang Paris Gallery kaya pumasok na rin kami.

Kumain kami sa mamahaling restaurant. Libre naman kaya masarap.

"Cia, ipapakilala kita sa may ari ng Salim Restaurant. Pogi yung anak. Baka ito na yung para sayo."

Tinutukoy niya yung resaturant na kinakainan namin ngayon.

"Wag na. Dagdag lang yan sa problema." Saad ko pa.

"Ay sus. Choosy pa ey. Oh baka naman takot kang masaktan yung isa."

"Saan sa dalawa?"

"Feeling playgirl ayaw namang lumandi."

"Ayaw ko nga eh."

"Wag na nga lang. Baka magalit abogado mo. Yung ayaw magcommit pero malandi. Bagay kayo."

The Just( AVAILABLE IN PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon