Chapter 3

92 45 0
                                    

"Sir Axel, magandang hapon po" bati ni manang Loling kay Axel.

Tumango lamang siya at umupo sa sofa.

"Wala pa sila?" Tanong niya sa akin.

"Wala pa" maikling sagot ko.

"What's your name pala?"

"Ciara, Ciara Roiso"

"Oh nice name. Juice please" pag-uutos pa sa akin.

Papunta na sana ako ng kusina pero dumating na si manang dala ang isang baso ng juice.
He likes pineapple juice to be particular.

Nakaupo lang ako sa kabilang sofa habang siya naman ay nasa kabila din. Tinititigan ko siya paminsan minsan.

He caught me staring at him.

"Yes miss Roiso?" Supladong tanong niya.

Umiling nalang ako at tumayo. Pumunta ako sa kusina para tulungang magligpit sina manang para sa hapunan.

Maya-maya pa ay dumating narin sina attorney.

"Hijo!" Gulat na sigaw ni atty. Glyne at niyakap si Axel.

Agad namang hinalikan ni Axel ang mga magulang niya sa pisngi. They're sweet

Habang nasa hapag ay may mga pinag-usapan lang sila. Hindi na sumabay sa pagkain sina manang dahil may ginagawa pa sila.

"Axel, how's your plan?" Tanong ni Atty. Jake.

"About?"

"The firm"

"Ahm, still on process Dad."

"Mukhang may balak ka talagang kalabanin ang firm namin." Pagbibirong singit ni atty. Glyne.

"Mom that's not the plan. I'm planning to be your firm's partner." Pagseseryoso ni Axel.

" How about you Ciara? What's your plan after graduation?" Nabaling na naman sa akin ang usapan.

"I'm planning to join your firm sir."

"Well, that's good to hear. We need good lawyers. We need experts"

Parang lumaki ang ulo ko bigla. Nakakataba ng puso ahh.

I just smiled kasi wala na akong masabi.

While I saw Axel smirked. Problema mo pre?

After the dinner ay tumulong na ako sa pagliligpit.
Pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga. Bigla akong tinawag ni Axel.

"Cia help me here." Pag-uutos niya.

Tinulungan ko siyang dalhin ang mga gamit niya sa kwarto niya.

"Just put that here."

"Can I leave now sir?"

"Sir? That's too formal miss Roiso. Call me Axel instead." He playfully told me.

"You can leave Cia."

Umalis na ako agad at baka matukso pa siya. Tangina naman oh.

I can't stop staring at him everytime na magkita kmi.
He's absolutely perfectly made. His  light brown straight hairs cover his eyes slightly. Matipuno ang katawan at sakto lang ang height niya. His adam's apple is so atrractive and he has fair complexion.

Pero hindi ko siya type. He looks so rude. Siguro ganoon talaga siya.
Magkatabi lang kami ng room. Kaya ako palagi ang pumapasok sa kwarto niya kapag may inuutos siya.
Makautos siya kala mo hari.

After I locked the door ay umupo na ako sa kama para matulog. Bigla na lang akong kinabahan ng biglang may gustong bumukas sa pinto ko.

I opened it to see who's outside

Axel

Agad bumungad sa akin ang mukha niya. Kakatapos niya lang maligo. I can smell his strong scent.

"Y-yes?" I asked

He looked at me innocently. He remained speechless. Hindi pa rin siya umaalis sa pinto ko.

"Axel, naligaw ka yata. Wrong room sir." I told him trying to put humor on it.

"Ahm yes. Akala ko kwarto ko. Sorry Cia." He finally drop a statement. 
Umalis din siya agad after that.

Iniisip ko pa rin kung naligaw ba talaga siya. It's impossible. Kakatapos niya lang maligo at hindi pa nakakapagbihis. The only thing that covers his body was the towel. Hindi naman pwedeng sa baba pa siya naligo dahil may bathroom naman sa kwarto niya.
Is he trying to... enter in my room?

"Cia naman. Overthink na naman. Baka naligaw nga talaga." Sabi ko sa sarili para mawala ang pangamba.

Maaga pa akong gumising. Nakalimutan kong wala pala akong pasok. Hindi na ako nakatulog ulit kaya lumabas nalang ako para magkape.

Pumunta ako sa kusina para maghanda ng kape. Biglang bumaba si Axel. Habang pababa sa hagdan ay utos na naman ang nakuha ko.

"Coffee please"

Dalawang kape nalang ang inihanda ko. Hindi ko alam ang taste niya kaya katulad nalang ng kape ko ang tinimpla para sa kanya. I wont dare asked him that thing.

Nilapag ko nalang sa counter ang kape niya. Paglingon ko ay nakita ko siya sa pinto ng kitchen. Nakasandal siya habang ang isang kamay ay nakaharang sa pinto.

"Coffee." Maikling sabi ko.

"Excuse me Axel." Dagdag ko para makadaan sa pinto.

Umalis din siya agad. Dumiretso ako sa garden sa harap ng mansyon. Dito ako nagkakape everyday dahil maganda tignan ang mga bulaklak. Maganda ang pagkakagawa ng design.

Biglang sumunod sa akin si Axel. Nakaupo siya sa tabi ko.

"Dito ka pala nagkakape?" He asked seriously.

"Sa tingin mo?" I answered sarcastically.

"Woah, sarcastic bro."

"By the way, law student right?" Pagbaling niya sa usapan.

"Yeah, graduating"

"That's good to hear attorney." He said without looking at me.

"I'll hire you after graduation. Magpapatayo ako ng firm."

Narinig niya naman sigurong mag-aaply ako sa firm ng parents niya tapos ngayon ay gusto niya akong i-hire sa firm niya?

"If it's okay with you." Dugtong niya habang tumatawa ng makita ang reaksyon ko.

" I have plans of joining your parent's firm." I told him using my soft voice.

"Well, that's okay rin. Habang hindi pa ako nakakapagtayo ng firm ay magtatrabaho pa rin naman ako sa kanila. We'll see each other more often if that's the case." He winked.

Ay malandi.

Tumayo na siya agad dahil naubos niya na ang kape.

"I like your coffee taste." Sabi niya pa nang hindi lumilingon.
○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○
SoNgS vRo:(

The Just( AVAILABLE IN PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon