Chapter 9

77 31 4
                                        

Habang nasa custodial facility ako ay hindi ko pa rin ma alis sa utak ko ang nangyari.

I'm a prisoner.

May mga kasama akong iba nakakulong dito.
We're six all in all in a small custodial facility.

Napakainit at parang hindi ako makahinga sa baho ng kulungan.

Ayaw kong mag-inarte at baka anong gawin sa akin ng mga kasama ko.

"Hoy nene." Tawag sa akin ng kasama ko.

She's 'astig' like the bad girl in kulungan na napapanood ko sa mga movie.

"Po?" Sagot ko naman.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong pa niya.

"Mamaya na po."

"Anong mamaya? Matulog ka na!" Mukhang galit na siya sa akin.

Wala akong choice kundi matulog na lang.

Kahit hindi naman talaga ako makatulog.

Nag-iisip ako na baka pwede akong makiusap sa mga pulis na ilipat ako sa magarbong kwarto.
Luh, grabe naman ang arte ko namang criminal.

Hindi talaga ako makatulog kaya nag-iisip ako ng mga bagay na pwede kong gawin para mainip at makatulog ako.

When I woke up in the morning, kumain na kami ng breakfast.

Napakaalat ng scrambled egg.
Hindi rin masyadong luto yung kanin.

Maya-maya pa ay dumating si Alina.

Nagdala siya ng pagkain.

Salamat naman.

"Ciara, breakfast." Pambungad niya.

"Salamat at naalala mo ako." Pagbibiro ko pa.

"Syempre maaalala talaga kita. Ikaw lang naman kaibigan kong kriminal."

Sakit naman nun besh. Joke lang naman yung sakin.

"By the way, hindi makakapunta abogado mo ngayon. May inaasikaso pa." Saad niya sa akin.

"Okay lang yun." Maikling sagot ko dahil puno ang bibig ko ng kanin.

Maya maya pa ay umalis na si Alina dahil may aasikasukin pa daw.

Bumalik na ako sa loob.

Nakipagchismis muna ako sa mga kasama ko sa loob.

Madaldal talaga ako.

"Ano nga pangalan mo?" Tanong ng kasama ko. Mga 30 years old siguro ang edad.

"Ciara po. Ciara Roiso."

"Roiso? Mayaman ka pala." Saad nong isa.

"Naku hindi po. Nagtatrabaho po ako sa mga Prebuerto." Saad ko pa.

Mga ate abandonado po ako.

"Kung ganoon, bakit ka nandito?" Tanong ng ateng maangas.

"I was accused of killing Axel Prebuerto po. Wherein my intention is to protect myself against him."

"Naku naku. Mahirap kaso nito." Saad nong ateng maangas habang nakatingin sa iba niyang kasama.

"Balita ko mag-aabogado ka Cia?"
Dami nilang tanong.

"Opo, pagtatanggol ko po kayo pagnakalabas at nakapagtapos na ako." Masayang saad ko.

Nagtinginan lang silang lahat.

"Hija, mukhang mauuna ka pa ngang mamatay sa amin." Pagbibiro ng ateng maangas. Nagtawanan silang lahat.

Hindi naman nakakatuwang biro yun.

The Just( AVAILABLE IN PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon