Epilogue

39 6 4
                                        

Nagtrabaho ako sa isang maliit na lawfirm. Gusto ko na munang magbagong buhay. Hindi na ako tumatanggap ng malalaking kaso dahil na aalala ko lang si Ciara.

Ilang buwan na kaming hindi nagkikita, hindi ko siya hinanap pero naghihintay pa rin ako.
Nagbabasakali akong babalik siya pero hindi ko alam kung paano ko siya ulit tatanggapin.
Hindi ko alam kung paano ko siya babatiin at bibigyan ng ngiti.

Pero kailangan ko siyang kalimutan. Kailangan kong mabuhay ng wala siya at kailangan kong tanggapin na hindi na siya babalik.
Kung pagbibigyan ako ng pagkakataon ay gusto ko siyang makita at tanungin kung bakit niya ako nagawang iwan.

Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung saan ba ako nagkulang. Kahit kailan ay hindi ko siya sinisi sa pagkamatay ni mama.

Kahit paulit-ulit man akong saktan ng tadhana ay hindi ko siya magagawang saktan, dahil mahal ko siya.
Siya lang ang babaeng pipiliin ko araw-araw.
Siya lang ang babaeng dadalhin ko sa mga lugar na alam ko at siya lang ang babaeng ilalaban ko ng husto sa korte.

Napakaselfless ko no?

Pero hindi. Hindi ako selfless dahil mas inuna ko pa ang sarili ko kaysa sa kapakanan ng mama ko.
Puro na lang ako ako ako.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga iniisip ko. Kahit sa paghinga ay iniisip ko pa rin siya.

Maya-maya pa ay may kumatok sa maliit kong opisina. Biglang pumasok ang secretary ng amo ko dala ang isang file.

"Good morning Atty. Retico."
She smiled while greeting me.

I just smiled back to respond.

"Pinapadala ni bossing. Baka gusto mo raw i-check ang kasong ito. Malaki rin ang bayad. Hindi ka naman pinipiliit kung ayaw mo." She handed me a document.

Pagtingin ko ay isang murder case. Isang babae ang pinaslang sa mismo niyang bahay. Naalala ko lang si mama sa kasong ito.

"Pakisabi ayaw ko."
I handed her back the document.

She just smiled back and went out.

Hindi parin pala nasasarado ang kaso ni mama. Wala kaming nakitang suspek dahil nakatakip ang buong mukha nila. Kahit si Quirvey ay walang makita o maalalang mga mukha.

Ibinaon ko na lang sa limot ang lahat. Ibinaon ko na lang sa malaking baol ang nakaraan. I need to move forward and if I'm still reviewing my past, hindi ako makakaalis.

May mga bagay na kailangan nating kalimutan kahit masakit. Mga bagay na dapat na nating lisanin at hindi na pagtuunan ng pansin. Paulit ulit lang tayong masasaktan, luluha at guguho bigla.

Keep going even if where being held back. We aren't born to be stuck in our past. We are born to focus on our present and decide for our future. Things are barely made for a reason. Nasasaktan tayo hindi dahil trip ng tadhanang saktan tayo. Nasasaktan tayo dahil kailangan nating harapin ang katotohanang ang mundo ay binubuo ng sakit. Pero hindi nangangahulugang sakit na lang lahat dahil sa pagsikat at paglubog ng araw, ang pinakamagandang bagay ay nakaabang.

Bigla na naman may kumatok sa pinto ko. Hindi ba niya alam na nag-eemo ako?

"Sabing ayaw ko nga yung kaso!" Sigaw ko bago pa nabuksan ang pinto.

Laking gulat ko ng makita ko siya.

Nanigas ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw. Pilit kong inaalala ang mga huling sandali naming pagkikita.

Binigyan niya ang ng pilit na ngiti ngunit ang mga mata niya'y nakasalungat. Malulungkot ito at nawala na naman ang kislap nito.
Pumayat siya umikli ang buhok niya.

The Just( AVAILABLE IN PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon