Chapter 25

30 6 0
                                        

tw: sexual harassment, death.

After the trial, we celebrated our victory.
Pumunta kami sa isang highland resort para makapagpahangin at makapagpahinga-hinga man lang.
After all, worth it naman yung ginawa naming pagsasakripisyo.

Nag-over night kami sa Kabanagan Resort at na enjoy namin ang napakagandang simoy ng hangin at ang di malilimutang paglubog ng araw.

Para ito na ang pinakamagandang biyaya na natanggap ko sa buong  buhay ko.
Huling nakita ko sa korte ay ang kulangot na Glyne at ang aso niyang si Jake. Kitang kita sa mga mata nila ang galit at pangamba. Hindi pa rin nila natatanggap ang pagkatalo nila at pagkasira ng pangalan nila sa harap ng publiko.

Ano pa kaya ang tinatagong baho ng mga kulangot na iyon. Hindi na rin ako magtataka kung kaya nilang pumatay ng tao. Dahas ang ginagamit nila para paikutin ang mundo sa mga kamay nila.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit pumayag si Jake na kumuha ang panig namin ng CCTV footage mula sa pinangyarihan ng krimen.
Pero hindi ko pa rin mapapatawad ang sipon na yun.
Si Glyne na kulangot at si Jake na kulay luntiang sipon. Mga alipin ni Rigmaon. Hindi niyo kilala si Rigmaon dahil kami lang ng kaibigan ko ang nakakakilala sa kanya. Hindi naman tayo friends kaya hindi ko na ipapakilala si Rigmaon. Basta mga alagad niya si Sipon at Kulangot.

Anyways, ang saya saya ko ngayon. 'Wag niyo na itanong kung paanong masaya dahil baka lumabas sa screen 'tong sapatos ko.

Kinaumagahan, maaga naman kaming bumalik sa condo dahil may gagawin daw si Alina at may bagong kasong inaasikaso ni Austine.

Ako naman, ayaw ko ng maging kriminal kaya magpapahinga na lang ako buong araw at gagawa na naman ng scenario utak ko na nakikipagbakbakan ako sa korte.
Hindi ako baliw, sandali na lang.
Bigla na lang akong tutunganga at makikibakbakan sa korte. Naaalala ko rin yung mga debate ko noong college na wala akong sinagot na tama. Puro make face lang ang ginawa ko at hinampas ko pa yung anak ni Mayor Trena dahil ang galing niya paikutin yung topic namin. Kaya ayon, pinalabas ako sa venue.
Ngayon ko lang naisip yung isasagot ko dapat sa kanya.

Hay buhay, buhay pa ako.

Ini-imagine ko rin yung sarili ko na naka-upo sa electric chair. Habang kinukuryente ako ay binabanggit ko ang pangalan ng taong gusto kung multuhin.

Tanga na ba ako? O baka kayo yung tanga na. Tanga sa taong matagal na kayong hindi gusto.

Ansaket namen. Buti nalang may Austine ako. Huhu.

Warfreak ko naman.

Habang nakaupo ako sa sofa, naisipan kong manood ng balita. Baka makita ko ang mukha ni Glyne o di kaya ni Jake o di kaya mukha ni Ax.. biro lang. Tigok na 'yon.

Pagbukas ko ng TV ay agad bumungad sa akin ang isang pamilyar na bahay. Hindi ko maalala kung saan at kailan ko ito pinuntahan.

"Mula dito sa kinatatayuan ko ngayon, isang masahol na krimen ang nangyari bandang alas singko e medya ng umaga. Ayon sa mga kapitbahay nito, nakarinig na lang daw sila ng magkakasunod na putok at ang pagsigaw ng nasabing biktima. Isang itim na van daw ang nakitang paalis sa pinangyarihan ng krimen. Agad itong nirespondahan ng mga autoridad at nakitang walang malay ang mag-ina. Tadtad ang buong katawan ng bala ng baril. No signs of life na ang ina ngunit agad namang isinugod  sa ospital ang batang lalaki. Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ang naturang mga suspek na hindi bababa sa dalawa. Ang namatay naman ay kinilala ng kanyang anak na si Maria Retico. Ito si Miggy Conception nagbabalita."

Biglang nanginig ang buong katawan ko. Namumutla ako at parang mahihimatay.

Ilang beses kong kinurot ang sarili ko upang masigurado kung totoo ba ang nakita at narinig ko o gawa-gawa ko lang din.

The Just( AVAILABLE IN PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon